Narrator’s Point of View Humahampas sa mukha ni Clastine ang hangin sa lakas at bilis ng takbo niya. Bawat hakbang niya ay palakas nang palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Sa isip-isip niya ay taimtim siyang nananalangin na sana ay ayos lang ang dalawa niyang kasama. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may mangyari mang masama sa mga ito. Saglit siyang tumigil upang pilit na aninagin ang kalangitan, ngunit halos hindi niya ito makita dahil sa makapal na kumpol ng mga dahon. Pero base sa liwanag na kahit papaano ay nakakapasok sa loob, sa tantiya niya ay malapit nang lumubog ang araw. Muli siyang nagmadaling balikan ang mga kasamahan dahil kailangan nilang magkita-kita bago pa man tuluyang lumubog ang araw. Hindi pwedeng maabutan sila ng dilim dahil lalong mas mahihirapa

