Narrator’s Point of View Kanina pa hindi masabi-sabi ni Amara ang nais niyang sabihin sa mga kasamahan tungkol sa mga nilalang na nakapalibot sa kanila. Hindi man niya ito nakikita ay naririnig naman niya ang mga ingay na ginagawa nito, dahilan upang mabuo ang isang haka-haka sa kanyang isipan. At kung sakali mang tama nga ang nasa isip niya, hindi niya alam kung kaya nga ba ng mga kasama niyang patumbahin ang mga ito, lalong-lalo na si Clastine. “Nasaan na sila Amara?” tanong ni Clastine sa dungeon guide na nasa gilid niya lang. Nakataas na ang kanyang sandata at handang-handa nang umatake anong oras. “Hindi na sila gumagalaw,” tugon ni Amara at sinubukang muling pakinggan nang mabuti ang ingay sa paligid, ngunit bukod sa ingay ng mga insekto ay wala na siyang naririnig pa. “Mukhang na

