Narrator’s Point of View Clastine could not utter any word after seeing what happened to Leo. Mabilis na nilukob ng pagkabahala ang kaloob-looban niya dahil alam niyang direktang natamaan si Leo ng atake ng halimaw. She did not expect that the demeian could get away so easily from the bind they made. Akala niya ay sapat na ang tibay nito para mapigilan ang dalawang demeian na makatakas. “Clastine, huwag kang tumunganga lang diyan! Tulungan mo si Leo, bilis!” sigaw ni Faunn sa babae. Gusto man nitong tulungan din si Leo ngunit hindi niya magawa dahil abala rin siya sa pagharap sa isang demeian na nakatakas. Mabilis na napailing si Clastine upang ibalik sa focus ang sarili niya. Malakas niyang nasampal ang sarili bago mabilis na kumilos. Mahina pa siyang napamura habang patakbong pinun

