Narrator’s Point of View “Sa tingin ko’y iisang grupo na lang ang hinahabol natin,” sambit ni Leo. After hearing his words, the three looked at him with eyes asking for a further statement. Hindi klaro kina Clastine, Faunn, at Yukino ang sinabi ni Leo dahil bigla na lang itong nagsalita habang abala sila sa pagtingin sa mga nagkalat na bangkay sa paligid. “Anong ibig mong sabihin, Leo?” tanong ni Clastine nang nakatingin lang ang binata sa isang bangkay na hindi niya maaninag mula sa kinatatayuan niya. “Sinabi ni Yukino na amoy niya ang mga ka-tribo niya sa lugar na ‘to, ‘di ba? At sila ang posibleng may gawa ng karumal-dumal na pagkamatay ng mga bangkay na narito, tama?” tugon niya sa babae, trying to lead her to the conclusion he had in his mind. And as soon as Clastine nodded in re

