Narrator’s Point of View Habang palalim nang palalim sina Leo at ang mga kasamahan niya sa loob ng kweba ay ramdam niya na tila painit din nang painit ang paligid. Ramdam niya na rin ang panunuyo ng lalamunan dahil sa labis na pagkauhaw. Gustong-gusto na niyang uminom ng tubig, ngunit hindi niya magawa dahil wala silang dalang tubig. “Ayan, kung bakit kasi hindi tayo naghanda,” maktol ni Clastine na kanina pa gustong maghubad ng damit dahil sa sobrang init. “Ngayon wala tuloy tayong mainom na tubig,” dagdag nito bago pinahid ang pawis sa kanyang noo. Nilingon ng lalaki si Faunn na siyang pasimuno ng lahat. Tahimik lang ito kahit na bakas na bakas sa mukha nito ang labis na paghihirap dahil sa init ng paligid. Buo-buo pa ang pawis nito sa kanyang noo. Sa mga ganitong pagkakataon ay dapa

