Narrator’s Point of View Mula sa kabilang panig ng gubat ay pinagmasdan ng isang nilalang ang grupo nila Leo na tuluyang makapasok sa loob ng gubat. Ngunit laking pagtataka niya nang makitang hindi pa gumagalaw ang lalaki. Bigla itong lumingon sa direksyon kung saan siya nagtatago, akala niya ay siya ang tinitingnan nito, ngunit hindi. Mula sa kinaroroonan niya ay sinundan niya ang mata ni Leo at nakitang nakatingin ito sa tubig. Tiningnan niya rin ang tubig at naningkit ang mga mata niya nang makitang may nilalang na nagtatago roon. Hindi niya ito nakita agad o kahit man lang naramdaman dahil hindi niya pinataas ang antas ng kanyang pakiramdam. Ngunit ngayon, ay kitang-kita niya itong lumalangoy sa pinakailalim na parte ng tubig. Kulay pilak ang buhok nito maging ang mga kaliskis na

