Narrator’s Point of View Hindi maialis ni Loe ang tingin niya sa tubig. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero ramdam ko na kapag tumalikod siya ay may mangyayaring hindi maganda. Ramdam na ramdam niya ang lamig na unti-unting gumagapang mula sa ilalim ng kanyang mga paa pataas sa kanyang buong katawan. Hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang nagsanhi ng lamig na kanyang nararamdaman. Panahon? Hangin? O takot? “Leo, ano pang ginagawa mo riyan, tara na!” pasigaw na tawag sa kanya ng dungeon gude ngunit hindi niya ito magawang lingunin. Natuod na siya sa kinatatayuan niya at hindi niya maigalaw kahit kaonti ang mga paa niya. Ramdam ni Leo ang bigat na nakadagan sa kanyang magkabilang paa, na tila ba may isang puwersa na pilit na idinidikit ang mga ito sa lupa. Tila isang larawa

