bc

Lights, Camera, Love

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
age gap
drama
actor
like
intro-logo
Blurb

Noreen is an anonymous writer for years until a director scouts her to work in a new TV Series. Reluctant at first, Noreen finally agrees to be the writer one condition—the male lead will be played by her first love, Gio Yano. Gio is one of the busiest actors despite in his 40s. He is Noreen’s first crush, first love and the very first celebrity she admired. She was only ten years old when Gio first appeared in her favorite romantic TV Series as a “Prince”. 18 years after, Noreen is about to cross paths with Gio for the first time as writer and as the actor of her popular w*******l. Will love blooms between a secret fan girl and the actor she liked for the 18 years? Or will they just pass by each other’s lives like what happened in the past? Lights, Camera, Love, A story of a woman behind the spotlight, and an actor on the spotlight.

chap-preview
Free preview
Act 1: "Prince Drew"
Act 1: “Prince Drew” 2007 BAGSAK ang balikat ni Reen nang mapansin niyang ilang hakbang na lang ang layo niya sa kanilang tahanan. Hindi pa man din siya nakakapasok ay rinig na niya ang sigawan ng kanyang mga magulang. Hindi naman ganoong kalalim ang laging ugat ng away ng kanyang magulang. Dahil mahirap ang buhay nila, hindi na bago ang ganitong sigawang madadatnan niya tuwing hapon. Nang makapasok si Reen sa loob ng tahanan ay bumulagta pa sa kanya ang ilang mga gamit na marahil ay pinaghahagis ng kanyang tatay, ngunit hindi na ito bago sa kanya at pasimpleng pinulot na niya lang ito at itinabi. Pagkababa ng kanyang bag ay hindi siya tumuloy sa silid niya dahil katabi lamang ng silid niya ang silid ng mga magulang kung saan nagaaway ang mga ito. Nakita din niya ang remote sa talampakan niya at naisipang buksan na lamang ang TV at nilakasan ito. Paupo na sana siya nang biglang nawala ang ang imahe sa TV kaya sandalling pinalo niya muna ito at bumalik din kaagad. Umupo siya sa sahig at tumingala sa TV, pero umaalingawngaw sa isip niya ang pagtatalo ng magulang. Ang palabas sa TV ay pawang imahe lang at pansamantalang distraksyon sa ingay ng kanilang tahanan. “P-Prinsipe? Magpapakasal ako sa isang Prinsipe?” Sa pagkakataong ito ay nangibabaw ang tunog ng TV kaysa sa away ng kanyang magulang, dahilan kung bakit nabaling na ang lahat ng atensyon ni Reen sa TV. “Ikaw ba ang papakasalan ko? Ang katulad mo?” pagbaling ng babaeng nagsasalita sa palabas ay unti-unting ipinakita ang imahe ng boses na pinanggalingan ng mga katagang iyon. Unti-unti ring lumawak ang mga mata ni Reen nang sumilay ang ngiti sa labi ng lalaking may kaputian, ang ang bangs ay sakto lamang sa itaas ng kilay at medyo singkit ang mga mata. “Ako si Drew, ang prinsipe na papakasalan mo.” *** 2025 “NEXT station, Guanzons Station. Ang susunod na estasyon ay Guanzons.” Kusang namulat ang mga mata ni Reen nang marinig ang announcement sa train. Ito na ang nagsisilbing alarm niya sa umaga tuwing matutulog siya sa Train. Her workplace is in Guanzons and she should never miss her stop. Bilang office worker, traffic ang unang kalaban ni Reen sa araw-araw niyang buhay bukod sa kanyang mga boss at katrabaho. Taking the train is the best way to avoid traffic kaya naman laging train ang route nito. Habang naghihintay sa kanyang pagbaba ay napasilip si Reen sa mga komento ng kanyang fans sa bagong episode o kabanata na kanyang ginawa kagabi. She is known as “DreamyDew” in the world of web novels. DreamyDew is famous as a romance writer. Despite of her popularity, no one has seen her face, and she chose to stay anonymous. Side-job niya ang pagsusulat dahil alam niyang hindi siya yayaman sa pagiging office worker. Over the years, she has created famous love stories that a lot of w*******l fans were addicted to. Pagkababa niya sa Guanzons Station ay napansin niya ang advertisement na ipinalabas sa malaking monitor malapit sa waiting area. Sandali siyang napakurap at napatitig lamang sa lalaking naroon dahil ang commercial ay para sa isang bagong model ng Electric Vehicle. “Hmmm…” napakunot ang noo niyang nakatingin lamang sa mukha ng lalaki na para bang may gusto siyang maalala. “Grabe, ang gwapo pa rin ni Gio!” napansin din ni Reen ang mga kababaihang nagkumpulan sa kanyang likuran habang pinapanood ang commercial na nagpatigil din sa kanyang paglalakad kanina. “Gio…hmmm” napahawak siya sa kanyang baba habang unti-unting lumayo dahil ayaw niya sa maraming tao. Hanggang sa pagbaba ng escalator ay hindi pa rin siya natigil kakaisip. Hanggang sa nakapila na siya sa tawiran at naglakad na ang mga tao. Slowly, a familiar image sank in her mind as she crosses halfway of the pedestrian lane. “G-Gio…” she stopped. The memories of her childhood came rushing. The man on the commercial a while ago was the “Prince Drew” she had a crush on when she was young. Paanong nakalimutan niya iyon ng ilang taon? She was mad about Gio when she was ten years old until she was in high school. She would put his pictures on her room, fought over other fan girls who talk bad about him. She wanted to attend his fan meetings, but she couldn’t afford it. Back then, Gio was only 22 years old, and he became popular right away after his first romantic TV Series. Napatakbo kaagad si Reen nang marinig niya ang busina ng mga sasakyan dahil malapit na matapos ang oras na nakalaan para sa mga tatawid. Agad siyang nag-search sa kanyang cellphone tungkol kay Gio. When she entered college, Reen had to move here in the city away from her parents because she wanted to go to the university. Pagkapasok niya ng University ay parang nawala na isip niya ang mga bagay na kanyang kinahiligan. She wanted to study arts so she can also be an Actress, but she was not accepted into that program so she pursued a business course instead. Ang mga panahon ding iyon ang pinakamahirap para kay Reen dahil hindi na nakapagtrabaho ang mga magulang niya dahil sa sakit. Her usual day went through as usual. On her breaks, she spent time catching up news about Gio. Doon din nalaman ni Reen na natigil pala ang career ni Gio ng halos tatlong taon. It was when she went to college. Ang dahilan sa pagkatigil ng career niya ay tungkol sa isang eskandalo ng kanyang ex-girlfriend. But now, Gio is skyrocketing his status as one of the most popular actors after his international films. He is 40 years old already. His face has matured, kumpara noong bata pa si Reen ay may pagka baby face pa ito. He is so manly, and he is the one of the perfect images for family TV Dramas kaya naman kahit mga “tita” or mapa-teenagers man ay nagkakagusto pa rin sa kanya. “Ang dami kong na-miss,” napabuntong hininga si Reen nang mapaupo siya sa bus stop kung saan magaabang na siya ng libreng sakay pabalik ng Gilberts kung saan siya nakatira. Sakto namang sa malaking Billboard screen ipinalabas ulit ang commercial ni Gio na nakita niya kaninang umaga sa Train Station. “Ang pogi mo pa rin kahit papunta na sa tatay ang edad mo. Ako hindi pa kinakasal, mukhang sinakal na…” napasinghap pa ito sabay sumilay ang ngiti nang ma-zoom ang mukha ni Gio na para bang bumabalik ang kilig na nararamdaman niya noong siya ay bata pa. “Fan din po ba kayo ni Gio?” saglit na naagaw ang atensyon ni Reen nang may isang dalagitang naka-school uniform pa ang tumabi sa kanya. “Nag-binge watch ako ng mga palabas niya lately. Nakaka-inlove siya…” dagdag pa ng dalaga. “Hindi kita Masisi. Ten years old palang ako, crush ko na siya. Tumanda na lang ako na hindi ko man lang siya nakikita.” May halong pait sa boses na pinakawalan naman ni Reen. “Hindi ka ba pumupunta sa fan meetings niya? Sayang naman! Dapat makita mo siya sa personal bago ka magpakasal!” “Paano mo nalaman na hindi pa ako kinakasal?” agad naming napasimangot si Reen sa kanya. “Hitsura mo ‘te, wala ka pang jowa eh.” Napatayo naman ang dalaga at tinignan pa siya mula ulo hanggang paa. Saktong dumating ang bus kaya tumakbo papasok ang dalaga. “Ano kamo!?” napatayo rin sa inis si Reen pero huli na ang lahat para masabunutan niya ang dalaga at nagsipasukan na ang mga tao sa bus. Napuno rin agad iyong bus kaya di siya nakapasok. Everything about Reen is normal except her temper. Ang pasensya niya ay maiksi lang, hindi niya kayang maging maunawain nang mahabang oras. That is why she stays away from people because of her bad temper. She is blunt, and she doesn’t want to sugarcoat her words that is why she doesn’t have a lot of friends. She hates people in a higher position, she hates her bosses. Kung kasalanan din ang pumatay sa isip, matagal na siyang nakulong. Napatingin si Reen sa kanyang sarili. She just wears worn out jeans and t-shirts of jackets since there is no clothing restrictions to her company. She’s all about the comfort and not the style. Rubber shoes na mas matagal pa sa mga nagging relasyon niya ang laging suot para handing makipagbakbakan sa commute. Nang dumating ang sumunod na Bus ay kaagad siyang nakipagagawan ng upuan sa may bintana dahil gusto niyang magmuni-muni. Habang binabaybay ng bus ang traffic sa daan ay napansin niya ang itim na van na huminto sa tabi ng Bus dahil sa traffic lights. Kung hindi siya nagkakamali ay malamang celebrity ang nakasakay sa itim na van na ito dahil sobrang tinted at halos wala kang makita. Ito rin yung usual na sasakyan ng mga artista. “Lalabas siguro ako dito kung si Gio ang nakasakay diyan…” anito sa sarili habang nagdradrawing ng heart sa bintana pagkatapos niya itong hiningaan. Lagi niya ding ginagawa ito nang bata pa siya. Kung hind isa alikabok, sa pader o sa buhangin. Ginuguhit niya ang hugis na puso kasama ang pangalan ni Gio. “Akala ko ba first love never dies, bakit kita nakalimutan ng ilang taon?” *** “FOR the next question, Gio. You just turned 40 this year, and your fans wants to know if you are seeing someone right now?” pagkatapat pa lamang ni Gio ng microphone sa kanyang labi ay nagsitilian na ang mga audience. Today is a special fan meeting as a brand ambassador of a famous clothing line in Asia. Hindi inakala ni Gio na ganito kadaming fans ang dadalo dahil napuno ang gym para sa event na ito. “I also thought about that these past months. When I was younger, I had relationships, and I was braver when it comes to courting,” he started to speak, reminiscing his old days as an actor. Aminado si Gio na maaga siyang nagsimula sa pag-artista at mas wild siya noong kabataan niya. That is why he was caught up with issues and worst was the scandal that momentarily broke his career. “These past few years I haven’t dated anyone because of my busy schedule. I always travel around the world, and I am barely at home for a month. But maybe right now, I want to focus on work as much as possible because I don’t know until when I am blessed with opportunities for my career…” Nagsipalakpakan ang mga audience sa kanyang sagot. Alam naman ni Gio na ganitong sagot ang gusto ng mga fans. He is aware of the culture in the celebrity industry. Some people may understand an artists’ personal decisions, but majority will judge you. And he knows deep inside that one of the reasons he could not date back then was the image he needs to protect. Nang matapos ang fan meeting ay dumiretso kaagad si Gio sa kanyang dressing room para mag-pack up. May susunod pa siyang shooting para sa isang cameo niya sa isang film, and since it is a night scene, the shooting will slide until dawn. Habang inaalis ang kanyang coat ay mayroong kumatok sa kanyang dressing room. Bumukas ang pintuan at pumasok ang pamilyar na babae sa dressing room. “Director Jean?” gulat nitong bungad sa babaeng naka-bob cut at nakasemi-formal attire. “Gio! Nice to see you…nandito ako kanina pa pero busy ka kaya dito na lang kita pinuntahan,” aniya nang nilapitan siya ni Gio. “Right. Fan meet,” he chuckled. “My manager told me you have been trying to contact me for a project. Hindi ka na niya nabalikan sa availability ako,” saad naman nito at nilahad ang coach para sila ay umupo. “Yeah, it’s okay. We’re still on the initiation phase of the project naman. Nagre-reach out lang ako sa mga actors na pwede kong i-line up for the project.” “I see.” Napatango naman si Gio. “We are planning to make a film from a popular w*******l. We have investors onboard, but the writer is not reachable…” napailing naman si Jean. “w*******l? Hindi ba ito ‘yung mga nauusong e-books? Or online novels?” napatanong naman si Gio. “Yup. They are popular even outside the country. We plan to leverage the market on existing readers and create an establish line up of actors to create a TV Series. Ang investor natin ay isang sikat na online streaming platform. They want the resources by next week.” Napatingin naman si Jean kay Gio na nagiisip. “Do you want to try?” “I have upcoming films, hindi ko maipangako,” agad namang sagot nito. “If you bring me the script, I can think about it.” “That, I need to talk to the writer first…” ang sabi naman ni Jean. Pagkatapos mag-pack up ng team ni Gio ay binabay na ng kanilang sasakyan ang highway ng Tuff. Ang pinakamahabang tulay sa buong Guanzons na siyang sentro rin ng traffic dito. While stuck in the traffic, Gio just listened to his own choice of music to kill time. Gio have reached the peak of his career. Whatever opportunity he lost during his downfall, he was able to redeem all of it. His life is pretty much stable, and no major life breaking situations have challenged him. The only thing is that his life is usual and nothing new is happening. Despite that, he still wants to work because he loves what he is doing. “Gio, gusto mo ba magdinner muna bago tayo pumunta sa shooting site?” untag naman ng kanyang manager na si Lee nakaupo sa kanyang tabi dahil 2-seater ang middle portion ng Van na sinasakyan nila. Lee is his manager ever since he started his acting career. Lee is also the same age as him, and he is already married. Gio’s Team is composed of his manager, Lee. Bodyguard, Von and his glam team, Tasha and Jonas. “Wala akong appetite,” tipid nitong sagot sabay napadungaw sa binatana. Nakita niya ang bus na nakaharang sa view ng billboard na gusto sana niyang tignan. “Pwede mo bang iabante, Von?” pakiusap naman nito pero nakita naman niya agad na magkakadikit na ang sasakyan. “I can’t see her billboard,” he heaved a sigh and rested his back on the seat. His gaze went up all the way to the window of the bus only to see a woman drawing a “heart shape” on the window. “Parang bata naman. May gumagawa pa ba niyan,” iliing-iling nitong sabi. Naunang umabante ang bus kaya naman unti-unting nakita ni Gio ang billboard na kanyang dapat titignan kanina pa. “Hindi pa pala nila inaalis,” biglang sabi naman ni Lee nang mapatingin din siya sa gawing tinitignan ni Gio. “I have to admit, Rose was the best endorser of that brand…” dagdag pa ni Lee. Tahimik lang si Gio na inialis ang tingin sa billboard nang umandar na ulit ang kanilan sasakyan. *** MALIMIT mag-check ng email si Reen. Kung hindi dahil sa electric bill na binabayaran niya tuwing katapusan ng buwan ay hindi na ito magbubukas. Dahil “judith” ngayon ay nagbukas siya ng email. Habang hinahanap ang statement of account niya ay napansin niya ang ilang mails galing sa iisang tao. Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto niya kung saan galing ang mga emails na iyon. “K—na ‘yan!” napatakip siya sa bunganga nang ma-realize niyang nasa office pala siya. “Lutong ng mura mo, akala mo nasa kalsada ka?” siniko naman siya ni Kath na kanyang katabi at ang bukod tanging kasundo niya sa trabaho. Dahil wala namang nakakaalam sa trabaho niya bilang writer ay hindi masabi ni Reen ang dahilan ng pagkagulat niya. She just received an email from Horizonflix for a project proposal to create a TV Series for one of her most viewed romance w*******l. After crosschecking the emails, she finally knows it was legit. She contemplated for hours whether to call the phone number or not. But she knows this is a breakthrough for her works. Sino bang hindi papangaraping magkaroon ng pelikula o palabas ang kanilang mga kwento? She finally decided to text the number and a couple minutes only passed for the number to ring her phone. The one who called her seemed to be from the headquarters and suggested to set an in-person meeting tonight. She offered the restaurant to be near her workplace. Dinner ang usapan at 7pm. There was a room reserved under her name and when she went inside, she saw a woman with a bob cut hair drowned in her Ipad. “DreamyDew?” bungad ng babae sa kanya nang mapansin na niya ang presensya nito sa loob ng silid. Nagsuot ng shades si Reen at nakahoodie jacket dahil ayaw niyang makita ang mukha niya. She remained anonymous for years and she could not decide right away to show her face, but the meeting should be in person. “I knew it. Babae ka pala. I’m Director Jean,” tumayo ito at nilahad ang kamay ngunit hindi tinanggap ni Reen at dumiretso sa upuang nasa tapat niya. “Thank you for coming. I have been meaning to talk to you. Well may idea ka na siguro sa proposal na gusto kong sabihin sa ‘yo…” “Totoo po ba iyon?” nagaalanganing tanong naman ni Reen. “Na gusto niyong gawan ng TV Series ang kwento ko?” “Yes. Our investor has shortlisted web novels with potentials. Yours was the top 1.” Sagot naman niya. “We can talk about the contract, agreements and the salary but I need to know first if gusto mo ang project na ito. You have been anonymous for years despite of your popularity. This project will require you to step into the spotlight as the writer…” Sandaling natahimik si Reen sa mga sinabi ni Jean. The reason why she wants to be hidden because she just wants peace of mind. Being popular nowadays cause a lot. Ang gusto lang naman ni Reen sa buhay bukod sa pera ay katahimikan. “Kung papayag po ba ako, can you promise na walang babaguhin sa kwento ko?” “We won’t change the story, but we might need to trim down some scenes since this is a novel. You get to participate in the casting of artists also, because you are the writer. You’re the one who knows your characters the best.” Napalukipkip naman ito. Sa kalagitnaan ng pagiisip ni Reen ay biglang naisip niya ang commercial ni Gio na kanyang nakita kahapon sa train station, ang naging dahilan na pagbabalik ng mga alaala niya rito. “Hmmmm.” Tinanggal ni Reen ang hoodie niya at ang shades niya at nakipagtagisan ng titig kay Jean. Isang ordinaryong office worker lang si Reen pero hindi siya iyong tipong nagpapaapi o mananahimik lang sa isang tabi sa mga ganitong sitwasyon. She knows when to be strong, and when to choose silence. And being in the corporate world have enhanced her professionalism, making her prepared in every business meeting like this. “I will be your writer…” she said, now without hesitations. “Pero gusto ko si Gio ang gaganap na actor…” Bahagyang napataas ang isang kilay ni Jean nang marinig ang kondisyon ni Reen. Napainom pa ito sa kanyang kape dahil alam niyang mahirap kuhanin si Gio dahil na rin sa mahal nitong talent fee at marami siyang upcoming projects. She tried several times casting Gio on her projects, but Gio never accepted any of her proposals. “Do you know how much Gio is worth now?” she smirked. “You’re technically rejecting me…” “Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng pagkakataong ganito,” napayukong saad naman ni Reen. “Baka ito na rin ang huling beses na gagawing TV Series ang isa sa mga kwento ko.” Dagdag pa nito. “Kaya, kung hindi si Gio ang gaganap na bida sa kwento, hindi ako papayag.” Napakuyom pa ang palad nito na nakapatong sa lamesa. “May I know why it should be Gio?” determinadong tanong naman ni Jean. Sandaling natahimik si Reen at hindi matignan sa mata si Jean. The mixed emotions she had yesterday still lingers in her upon remembering her first crush, and probably first love. “Dahil sinulat ko ang kwentong iyon para sa kanya…” lumawak ang ngiti ni Reen na nag-angat ng titig kay Reen. “Kaya si Gio ang dapat na maging bida sa kwentong ‘to, dahil para sa kanya ang kwento kong ito.” ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook