l'histoire
MALAMIG NA GABI. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ang mga damdamin at puso ng dalawang tao na nasa isang bahay. Patay ang ilaw sa taas at sa kusina, at ang ilaw sa sala lang ang tanging nagbibigay buhay sa bahay na iyon na kung saan nag-uusap si Jan at Michael.
"Tigilan na natin 'to Jan. Things won't be the same again."
"Really? Things won't be the same again? Bakit sino ba ang nagloko? Ako ba?"
"Aalis na ako."
"Sige umalis ka. Pero tandaan mo ito, kapag tumapak ka sa labas ng pintuan na 'yan wala ka nang babalikan!" Tanging pagpatak ng tubig mula sa lababo at ang pag-iyak ni Michael ang maririnig sa loob ng bahay, iyak na nagsasaad ng kalungkutan at sakit sa puso na ang limang taon nilang relasyon ay matatapos at mapupunta lang sa wala.
"I'm sorry, Jan."
"Mahal kita."
7 MONTHS AGO.
Michael's POV
"Congrats Jan and Michael!" Isa-isa kong niyakap ang mga kaklase ko. The smiles on our faces would describe how we feel today knowing that we finally finished our studies.
"Thank you so much guys and congratulations to us!" Sabi ko at kumaway ako bago pumasok sa kotse.
"We finally did it!" Sabi ni Jan nang makapasok ako sa loob ng sasakyan.
"Yes babe." I placed a soft kiss in his lips then I smiled at him.
"At para saan 'yon?" Nagtatakhang tanong niya.
"Gift ko sayo." Sagot ko.
Jan and I are officially dating, yes legal kami sa mga pamilya namin kasi wala kaming tinatago sakanila and unlike other people open kami sa kasarian namin, we don't entertain other people's judgement because love is for everyone at wala kaming ginagawang masama nor tinatapakang tao, and take note nag-aral kami ng mabuti. Malapit na kaming mag five years, this coming December 25, and I am planning to surprise him on that day. I want to go on a trip with him outside the country, yung tipong kami lang ang magkasama at ma eenjoy namin ang isa't-isa on our special day.
"What are your plans after this?" Tanong niya saakin, nasa kotse pa rin kami at nag-uusap.
"Me? I don't know. Pero gusto kong mag apply agad ng trabaho." Sabi ko.
"Mag ta-trabaho ka agad?"
"Oo naman. Para naman hindi na ako umasa sa mom at dad ko." Sabi ko. I want to live independently, hindi sa ayaw kong makasama ang parents ko pero kasi they sacrificed a lot of things for me at alam ko namang reponsibilidad iyon ng mga magulang natin at responsibilidad din nating suklian ang mga paghihirap na ginawa nila.
"I want to help them of course." Sabi ko.
"I know you can do it. Kahit ano mang desisyon mo 'wag mong kalimutan na nandito lang ako para sayo." Hinawakan ko ang kamay niya ay pinisil ito ng mahina.
"I'll visit you later nalang after dinner. Okay lang ba?"
"Are you sure you're not busy? Baka pumunta sa bahay niyo yung mga tita at pinsan mo?" Tanong ko.
"Don't worry, I'll find a time for us. Ma bo-bored lang ako kung mananatili ako sa bahay after dinner and I can't invite you kasi baka pumunta ang mga tita mo sa inyo." Sabi niya.
"It's okay. Tawagan mo ako okay?" Sabi ko. Tumango lang si Jan kaya hinalikan ko ulit siya sa labi atsaka ako bumaba sa sasakyan.
"Ingat ka, I love you." Sabi ko.
"See you later, I love you too." Sagot niya.
"Baby you're here na pala. I was about to call you pa naman." Sinalubong ako ng yakap ni mommy atsaka hinalikan niya ang pisnge ko. Pumunta sila mommy kanina pero nauna lang dahil sinabi ko na sasabay ako kay Jan.
"Sorry I'm late."
"Congrats hijo." Sabi ni Tita Lory.
"Thank you po tita." Sabi ko.
"Oh kumain lang kayo diyan." Sabi ni mommy sa mga bisita namin.
"Saan ba kayo galing ni Jan? Ba't kayo natagalan?" Tanong ni mommy. Nasa isang table kami ngayon with daddy na kasalukuyang nakaharap sa laptop niya. Dad's a busy person, you can't see him in our house without his laptop or documents.
"Wala lang. We stayed in his car and talked about something at hindi namin namalayan ang oras." Sabi ko.
"Tapos? Where's Jan? Hindi mo ba siya ininvite dito?"
"Mom may celebration din sila sa bahay nila." Sabi ko. Totoo naman eh, this is one of the most important part after those sleepless nights and burning of midnight candles.
"Congrats dear nephew." Tumayo ako at niyakap ko si Tita Lory.
"Thank you po tita."
"Have a seat." Sabi naman ni dad, this time he faced his sister at isinarado niya ang laptop niya.
"I have the perfect gift for you."
"What do you mean, tita?" I asked. I can see the excitement in her eyes.
"May irereto akong trabaho sa Australia para sayo. I already talked with my friend." Sabi niya, laking tuwa ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"Talaga tita? Pero paano 'yan I don't have any job experience yet." Sabi ko.
"Don't worry hijo, I'll be with you in Australia." Sabi niya.
"Hmm." Hindi ako makapagsalita, shocking kasi 'yon ang pinag-usapan namin ni Jan back in his car and now someone just offered me a job abroad.
"Ano sa tingin mo? Don't worry ako na ang bahala sa mga papers mo." Sabi pa niya. I looked at mom and dad, sa tingin ko hindi naman sila tutol sa sinabi ni tita but the decision must come from me. Pero paano si Jan? Would it be okay for him na umalis ako ng bansa?
"Ah kasi..."
"Ano hijo? Come to think of it, it's an opportunity for you to work abroad at hindi ka naman mag-iisa doon 'cause I'll be with you." Sabi niya.
"Ah sige po tita. Pag-iisipan ko po." Sabi ko sakanya. Ayokong magdesisyon ng mag-isa, gusto kong malaman kung anong reaksyon ni Jan sa bagay na iyon.
"Ikaw bahala. Basta kung anong desisyon mo tawagan mo lang ako okay? Congratulations again." Sabi ni tita at naglakad papunta sa ibang mga relatives ko.
"Anong problema? Ayaw mo ba sa offer sayo ng tita mo?"
"I don't know dad, tatanungin ko muna si Jan." Sabi ko.
"Si Jan? Bakit siya ba ang magdedesisyon para sayo?"
"Hindi po pero kasi boyfriend ko po si Jan, he should know about this." Tumingin si daddy saakin.
"Well you should also know na ginagawa namin ang lahat ng ito para sa kapakanan at kinabukasan mo. You're our only child sana naman unahin mo muna ang sarili mo bago ang desisyon ng ibang tao." Tumayo siya at umalis.
"Pagpasensyahan mo lang ang daddy mo, na stress 'yon sa work niya. Ang iniisip niya lang naman kasi ang kapakanan mo. Magandang opportunity na yung ibinigay ng tita mo. You should go for it." Sabi ni mama at hinawakan niya ang kamay ko.
"Pero mom..."
"I know. Nasayo ang desisyon kung pupunta ka o hindi pero please. Think wisely." Sabi niya at umalis.
Supportive naman si Jan at sigurado akong susuportahan niya ako sa kung ano man ang desisyon ko. First time ko atang mawalay kay Jan after four years of being together, nasanay na kasi akong parating kasama si Jan sa kung saan man ako pumunta madalas siyang natutulog dito sa bahay at hatid-sundo niya rin ako sa school.
Pinagmasdan ko lang ang mga bisita namin na isa-isang umuuwi at nagpapaalam kina mommy at daddy, naguguluhan na ako sa puntong ito kung dapat ba ako tumuloy or dito nalang maghahanap ng trabaho. Tumayo ako at nagbihis sa kwarto pagkatapos ay bumaba ako para tulungan si Manang Ethel na iligpit ang mga pinagkainan sa labas.
"Anong iniisip ng alaga ko? Bakit parang malungkot ka? May problema ba?"
"Wala po manang. Naguguluhan lang po ako." Sabi ko.
"Nagugulahan ka? Ano bang problema?"
"It's hard to explain."
"Ganon ba? Basta sundin mo lang ang puso mo palagi." Ngumiti ako.
"Salamat manang." Niyakap ko siya nang mahigpit.
"Nako naman itong alaga ko, ang laki na!" Sabi pa niya at mas lalo kong hinigpitang ang yakap ko.
Si manang Ethel ang nagsilbing magulang ko noong mga panahon na busy sa trabaho ang mga parents ko. Nakarinig kami ng busina ng sasakyan mula sa gate habang nagkwekwentuhan kami.
"Oh nandito na pala ang prince charming mo. Hala sige ako na ang bahala dito puntahan mo na yung boyfriend mo."
"Sige po. Pupuntahan ko lang si Jan." Sabi ko at umalis.
"You're late." Sabi ko kay Jan nang makalabas siya mula sa sasakyan niya.
"Sorry naman babe." Hinalikan ko siya sa labi at niyakap ng mahigpit.
"Tara sa taas, mag-usap tayo sa kwarto ko." Hinawakan ko ang kamay niya at dumiretso kami sa kwarto ko.
"How was your celebration? Nag enjoy ka ba?" Nakaupo kami ngayon sa kama ko habang nanunuod ng tv.
"Oo, nag enjoy naman ako kahit papaano." Sabi ko.
"Kahit papaano? Bakit? Hindi ba pumunta ang mga relatives mo kanina?"
"Actually pumunta sila kaso kulang, I was looking for someone." Napatingin siya saakin at tinitigan ako ng seryoso.
"At sino naman ang hinahanap mo?"
"Ikaw." Tumawa ako pagkatapos dahil ang cute niyang magselos. Seloso talaga si Jan kahit yung mga maliliit na bagay pinagseselosan niya.
"Tsk. Akala ko naman kung sino ang hinahanap mo. Ako lang pala." He placed a soft kiss on my forehead down to my nose and to my lips.
"Wait." Sabi ko kaya napahinto siya.
"Why?"
"There's something I want to tell you." Sabi ko.
"What is it?" Umalis ako sa pagkakasandal sa headboard at umayos ako ng upo sa harapan niya.
"Kasi si tita." Panimula ko.
"What about her?"
"Diba we talked about what will I do after graduation? Tapos sinabi ko na maghahanap ako ng trabaho?" Tumango siya at ngumiti saakin.
"Bakit may nakita ka na bang trabaho dito?"
"Actually, may offer si tita saaking trabaho."
"Oh talaga? That's good." He said happily. Please don't change your mood after kong sabihin kung saan.
"Kaso babe sa Australia eh." Sabi ko. Ayan na ang reaction niya, from a happy face hindi ko na mabasa ang expression niya nang marinig niya ang salitang Australia. His showing mixed emotions.
"Sa ibang bansa?" Tanong niya.
"Magkakalayo tayo?" Dagdag niya. This time I can feel the sadness in his voice. Hindi pa namin nararanasan ang long distance relationship kaya naman bago palang saamin ito.
"Kakayanin ko ba? Natin?" I'm scared also. Everything seems so new for us.
"Ewan ko babe eh kaya naguguluhan ako." Disappointed ako sa sarili ko. Kasi I wanted to land on a job immediately para makatulong sa parents ko tapos nang may offer na para saakin saka naman ako naguluhan at parang ayaw kong magtrabaho.
"Pero gusto mo, diba?" Napatingin ako sakanya.
"Gusto ko babe, you know how much I want to help my parents. Pero kung ayaw mo namang umalis ako then I won't, I'll stay and find a job here with you." Sabi ko.
"I don't want you to go."
"Pero unfair naman kung desisyon ko yung susundin mo, I don't want to be that kind of boyfriend na didiktahan ka sa mga gagawin mo. It's your life, it's an opportunity for you to be successful. Kaya go for it." Sabi niya. Napalitan ng masaya ang malungkot niyang mukha pero alam ko deep inside ayaw niyang umalis ako but he is doing this for me and I think he's doing what is right for me and for us.
"Sure ka? Okay lang sayo?"
"Oo naman. I want to be the supportive kind of boyfriend, tatawagan kita palagi." Sabi niya.
"Kaya ba natin?" Tanong ko.
"Kakayanin." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you." I whispered in his ears. And after that we made that night memorable. You know what I mean.
Kinaumagahan. Tinawagan ko si tita at sinabi ko sakanya na sasama ako sa Australia kaya naman inasikaso niya agad ang papeles namin.
"Talaga? Pupunta ka? Then I'm happy for you!" Niyakap ako ni mommy nang sabihin ko sakanya na pupunta ako. Si daddy naman, mukhang masaya sa naging desisyon ko he has no other comments pero alam kong masaya siya.
Days passed at mas lalo akong na excite na umalis ng bansa until my tita called me at she said na aalis na kami after two weeks. Weeks before my flight palagi kong kasama si Jan 'cause I known na I'll miss him kapag nasa Australia na ako.
"I love you so much. Mag-ingat ka doon babe ha." Nasa airport na kami ngayon kasama ang parents ko.
"I love you too, mag-ingat ka rin. 'Wag kang uminom, okay?" Bilin ko sakanya. I almost cried but I controlled myself because I want to show him that I'm strong, baka kasi magbago ang isip niya.
We stayed in Sydney with my tita and tinawagan ko agad si Jan pagkarating ko doon. So ayon we talked about what we feel sa isang araw na hindi kami magkasama and believe me, nakakabaliw. He's been a part of my system, my daily routine tapos bigla akong mawalay sakanya, imagine how I was longing for his presence nung first week ko dito
"Kumusta na pala ang mommy at daddy mo?" Tanong ni tita. Naglalakad kami ngayon sa town at gumagala.
"Okay naman sila tita. I think masaya naman sila sa Pinas." Napasok agad ako sa company ng kaibigan ni Tita Lory at gaya nga ng sinabi niya tinutulungan niya ako sa trabaho ko.
"Look Michael oh, ang sweet nila 'no." Sabi niya kaya napitingin ako sa dalawang lalaki na naglalakad at magkahawak ang mga kamay. Namiss ko tuloy si Jan.
"Legal kasi dito ang same s*x marriage. Oo nga pala kumusta na si Jan?"
"Ayon ayos lang naman, sabi niya may trabaho na siya kaya medyo busy na siya ngayon." Sabi ko.
"Really? Good for him at nakahanap na rin siya ng trabaho. Suggestion ko lang sa inyo ha, if you want to get married why not here?"
"Haha. I don't know tita, we haven't talk about it pa eh. Maybe someday." Sabi ko.
Ilang buwan na rin akong nandito at halos mga Australian ang katrabaho ko expcept for one, si Eleomar.
Si Eleomar ay pamangkin ng may-ari ng kompanya na tinatrabahuan ko at just like me, fresh graduate rin siya. Si Eleomar lang ang nakakausap ko sa office kasi komportable ako sakanya.
"Hey." Sabi ko sa kaharap ko sa screen.
"Hey babe." Napangiti ako nang makita ko si Jan na nakauniporme pa mula sa trabaho.
"Kakauwi mo lang?" Tanong ko sakanya.
"Oo eh, nakakapagod babe sobrang dami ng kailangan kong tapusin."
"Napansin ko nga na medyo stressful yung look mo today, magpahinga ka nalang muna, okay?"
"Okay lang ba?" Sa totoo niyan gusto ko siyang makausap kaso naawa rin ako sakanya kasi halatang pagod na pagod siya galing sa trabaho.
"Oo naman. Sleep well, I love you." Sabi ko.
"Sige, love you too babe."
Ilang araw na rin na ganyan lang kaikli ang usapan namin ni Jan, I mean may mga araw naman na mahaba-haba ang kwentuhan namin pero most of the time pagod siya galing sa trabaho kaya hinahayaan ko nalang siyang makapagpahinga. Nakakalungkot kasi sa tuwing hinahanap ko siya at gusto kong makipag-usap sakanya ay wala siya.
"My gosh Michael mag focus ka sa trabaho mo." Sabi ko sa sarili ko habang nakatayo ako sa harapan ng salamin. Nasa boy's cr ako ngayon at pakiramdam ko magkakasakit ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi rin ako nag breakfast kasi wala akong gana.
"Okay ka lang?" Nagulat ako nang biglang lumabas si Eleomar mula sa isang cubicle.
"Oh? Eleomar." Sabi ko.
"Ayos ka lang? Para kasing you're not you today." Napansin niya? Kung sabagay siya lang naman ang kausap ko palagi dito sa office eh.
"You want to talk after ng shift natin?" Tanong niya. Okay lang naman kung sabihin ko sakanya ang problema ko, diba?
"Sure." Sabi ko.
Tinawagan ko si tita para magpaalam na baka late na akong uuwi dahil may pupuntahan kami ni Eleomar at pumayag naman siya.
"Sumabay ka na saakin." Sabi niya.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.
"Anywhere. Wait, gusto kong uminom."
"I know where, I'm sure you'll like it." Nagmaneho na siya at wala pa rin akong umik hanggang sa makarating kami sa isang bar malapit sa dagat.
"So anong problema mo?"
"Wala." Sabi ko at ininom ang beer ko.
"Sure ka? Hindi ako naniniwala. Ilang buwan ka ng nandito Michael at kabisado ko na ang mood mo. And this time napansin kong may kung anong iniisip ka, o parang may problema ka." Hindi ko napansin na all this time napapansin niya pala ang mga galaw at mood ko sa office.
"It's about Jan." Sabi ko.
"Sino si Jan? Kapatid mo?"
"No. He's my boyfriend." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumahik siya bigla at naging seryoso sa pakikinig saakin. Sinabi niya na sabihin ko raw sakanya ang lahat kaya sinabi ko, including the reason why I'm sad. Ayaw kong sabihin kay tita ang problema ko baka pagsisihan niya na dinala ako dito.
"Don't worry nandito lang ako palagi kung kailangan mo ng kausap."
"Salamat ha." Inihatid niya ako sa bahay pagkatapos naming mag-usap at kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sakanya.
"Hey babe, nasa offline ka pa rin? Ilang araw na tayong hindi naguusap. Miss na miss na kita babe." Nagiwan ako ng voice message sakanya.
Kinabukasan, pumasok pa rin ako sa trabaho na malungkot at wala sa mood.
"Hey. Hindi siya tumawag sayo kagabi?" Bungad ni Eleomar saakin.
"Halata pa rin bang malungkot ako?" Tanong ko sakanya. Huminto siya saglit tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi na, boss." Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. Si Eleomar lang ata ang nagpapangiti saakin sa mga panahong ito kaya naman napakagaan ng pakiramdam ko sakanya.
"Ha-ha tigilan mo ako." Sabi ko. I faked a laugh.
"Ahh. Michael?"
"Kasi may party mamayang gabi sa bahay. I want you to come." Sabi niya.
"Bakit may party? I'm not sure if I can attend."
"Birthday ko kasi ngayon eh, don't worry ako na ang magpapaalam kay tita Lory for you. Please?" Sabi niya.
"Oo na, sige na. Mapilit ka eh." Inihatid ako sa bahay ni Eleomar para ipaalam ako kay Tita at para naman makapagbihis ako.
"Mag-ingat ka doon Michael ha, 'wag kang uminom malalagot ka talaga sa mommy mo." Bilin ni Tita Lory bago kami makaalis.
"Opo tita."
"Doon ka na sa bahay matulog. Malayo yung bahay namin at ayaw kong umuwi ka ng hating gabi kaya doon ka nalang matutulog sa bahay. Don't worry pumayag naman si tita." Sabi niya. Ba't hindi ako makatanggi sa lalaking ito? Tsk.
"Oh s**t! Naiwan yung phone ko sa bahay!" Hindi ko mahanap ang phone ko sa bag. Nakakahiya naman kung pababalikin ko si Eleomar.
"Oh? Gusto mong balikan natin?" Tanong niya.
"Nako huwag na. Bukas ko nalang ime-message si Jan." Sabi ko, hindi na ulit umimik si Eleomar hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
"Happy birthday." Bulong ko.
"Salamat, Michael." Nauna saamin ang ibang officemates namin kaya marami ng tao sa bahay nila. Nasa tabi lang ako nakaupo habang nagpapakalasing ang mga katrabaho ko.
"Michael! Inom tayo!" Halos nagsisigawan na kami sa loob ng bahay nila sa lakas ng tugtog.
"No thanks." Sabi ko. Umupo si Eleomar sa tabi ko at kinuha ang phone niya.
"Smile." Ipuwinesto niya ang camera ng phone niya sa harapan namin, ngumiti ako at hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari dahil bigla niyang halikan ang pisnge ko kasabay ng pagkuha ng litrato namin.
"Gago ka ba!" Tinulak ko siya kaya naman lumayo siya agad saakin at kasabay ang pagtawa niya ng malakas.
"Hahahaha sorry I was just teasing you."
"Teasing you my ass! Alam mo bang may boyfriend na ako?!"
"Chill lang! Sorry, okay? Nagbibiro lang naman yung tao eh." Sabi niya at lumapit ng dahan-dahan saakin.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa magsiuwian na ang mga bisita niya. Wala pa rin akong imik sakanya kahit na kaming dalawa nalang ang naiwan sa bahay.
"So wala ka pa ring planong magsalita diyan? Mapapanis yang laway mo." Sabi niya. Tinignan ko lang siya saglit tapos umiwas na ako ng tingin. Lumapit siya saakin dala-dala ang dalawang bear at iniabot saakin ang isa.
"Oh, have a drink. Napansin kong hindi ka uminom kanina sa party eh. Please." Sabi niya. Kinuha ko ang bote at ininom ko ito.
We finally talked at umiyak na naman ako sa harap niya dahil namimiss ko na si Jan. Napansin ko na medyo nahihilo na ako at nanlalabo na ang mata ko kaya tumayo ako.
"Wait dito ka lang, baka mapano ka pa." Hinila ako ni Eleomar paupo and this time nagulat ako dahil hinila niya ako palapit sakanya dahilan para maupo ako sa lap niya.
"Ano ka ba!" Pilit kong inaalis ang mga kamay niya na nakapulupot sa beywang ko habang naririnig ko lang siyang tumatawa.
"I like you, Michael." Huli kong naramdaman ang mga halik ng isang tao sa aking leeg papunta sa panga at sa labi and then everything went black.
Kinabukasan. Nagising ako sa sakit ng ulo na naramdaman ko at ang pagtama sa mata ko ng sikat ng araw na nanggaling sa bintana. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga at napagtanto kong wala ako sa kwarto ko. Laking gulat ko nang makita ko ang mga pictures ni Eleomar sa kwarto kaya napaupo ako at napahawak sa aking ulo. Pinagmasda ko ang mga nagkalat na damit sa sahig.
"Teka, damit ko 'yan, hindi ba?" Nanlaki ang aking mga mata nang makumpirma ko na nakahubad ako habang nakaupo sa kama. Tumayo ako agad at isinuot ang mga damit ko at lumabas ng kwarto.
"Good morning." Parang sumakit ang ulo ko at naalala ko ang nangyari saamin ni Eleomar kagabi nang makita ko siya sa baba.
"Anong ginawa mo saakin?"
"Ginawa ko? Or should I say natin?" Nilapitan ko agad siya at tinulak mula sa kinauupuan niya.
"Anong pinainom mo saakin kagabi?! What's wrong with you! Alam mo namang may boyfriend na ako!" Sigaw ko sakanya.
"Pwede ba tigilan mo ako! Stop hurting me! Bakit ayaw mong aminin na nasarapan ka sa ginawa natin?!"
"f**k you! Uuwi na ako!" Tinulak ko siya at tumakbo ako palabas, naramdaman ko agad ang likidong dumadaloy mula sa mga mata ko.
"Wait Michael!" Hinila ako ni Eleomar.
"Bitawan mo ako!"
"Wait listen to me. I like you Michael, gusto kita and I'm sorry sa mga nasabi ko at sa nangyari kagabi. Papanagutan ko yung nangyari. Diba wala na kayo ni Jan? We can be lovers. Mamahalin kita nang higit pa sa pagmamahal sayo ni Jan. Please stay with me." Pagmamakaawa niya.
"Eleomar, mahal ko si Jan." Sinalubong agad ako ni tita pagkauwi ko sa bahay.
"Tumawag si Jan saakin kagabi, hindi ka raw sumasagot sa mga tawag niya."
"Naiwan ko po kasi ang phone ko tita." Dumiretso ako sa kwarto at kinuha ko ang phone ko, I saw 27 missed calls from Jan.
"Shit." Nagulat ako nang biglang siyang tumawag.
"Babe."
"Babe?" Kinakabahan ako.
"Saan ka galing? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?"
"Kasi babe pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko."
"Kaibigan mo o kalandian mo? Ano 'tong photos mo sa f*******: na may kahalikan kang lalaki? Kaya ba hindi mo sinagot ang mga tawag ko dahil ayaw mong maistorbo kita sa pakikipaglandi mo? What the f**k?! Kaya ka ba pumunta diyan sa Australia para lumandi at maghanap ng iba? Ha?! Tell me!" Napaupo ako sa kama. Hinawakan ko ang sumisikip kong puso, hindi ako makapagsalita dahil tuloy-tuloy ang agos ng luha ko. He's angry. I never heard him talking to me this way, we have minor fights pero it didn't resort to him yelling at me and calling me names. But this time, it was totally different.
"B-babe. Let me explain!"
"Umiiyak ka? Dahil totoo? Totoong may bago ka na? Ewan ko sayo Michael. Alam mo let's end this relationship! 'Wag na tayong maglokohan pa! I'm so tired of this bullshit!" Then he ended the call. Parang sinaksak ng isang libong patalim ang puso ko dahil sa narinig ko. After that call my life became dull and lifeless, naisipan kong magpakamatay but I can't dahil naiisip ko ang pamilya ko.
Pumapasok ako sa work without breakfast, without proper sleep at without anyone to talk with. All those years, dahil lang sa isang pagkakamali ko nawala lahat ng pinagsamahan namin ni Jan.
November 30. Naisipan ni tita na pauwiin ako sa Pinas dahil I looked like a walking dead, at para maicelebrate na rin daw ang 5th Anniversary namin ni Jan. Hindi nila alam na hindi na kami nag-uusap, matagal na. Our communication ended that morning when he yelled at me. I tried reaching out to him and apologized for what happened pero hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko. I guess he's really upset and hurt, but I was hurt too. I am f*****g hurt.
Pagkarating ko sa Pinas ay agad akong sinalubong ng family ko with their happy faces, at dahil doon ay napilitan akong ngumiti at magkunwaring masaya.
"How about i-invite mo si Jan mamaya for dinner? Diba sa pasko na ang anniversary niyo? Malapit na 'yon." Sabi ni mommy. I looked around and glanced at each decoration we have at home. Mga dekorasyon na nagsasaad ng panahon ng kapaskuhan na noon ay nagbibigay saya at excitement saakin dahil papalapit na ang anniversary namin. Things that always remind of me how happy I was with Jan every December and how we spent the days full of love and happiness.
"Sige mom, pupuntahan ko siya mamaya." Simula nang dumating ako dito sa Pinas ay hindi ko pa nakakausap si Jan, at good thing hindi iyon napansin nila mommy until today kaya kailangan ko na siyang puntahan sa bahay nila and I want to settle things with him. I think he doesn't even know na umuwi na ako.
Kinagabihan. Umalis ako ng bahay para puntahan si Jan, nanlalamig ako dahil sa kaba at sa lamig ng simoy ng hangin. Pagkarating ko sa gate ng bahay nila napansin kong parang walang tao dahil patay lahat ng ilaw. Aalis na sana ako nang biglang may nagsalita.
"Michael." Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ulit ang boses ni Jan matapos ang ilang buwan.
"Jan." Sabi ko. Binuksan niya ang gate at pinapasok niya ako sa loob. Binuksan niya ang ilaw sa sala.
"Naistorbo ba kita?"
"No, not at all." Napansin ko na nasa sala ang bag na naglalaman ng mga gamit ko kaya lumapit ako doon, akmang kukunin ko na ang bag nang bigla itong kunin ni Jan.
"Michael let's talk." Alam kong naguguluhan si Jan pero ayoko nang saktan pa siya dahil alam kong mas masasaktan siya kapag nalaman niya na may nangyari saamin ni Eleomar.
"Tigilan na natin 'to Jan. Things won't be the same again."
"Really? Things won't be the same again? Bakit sino ba ang nagloko? Ako ba?" Tama ka Jan. Sa tingin ko ako nga ang may kasalanan.
"Aalis na ako."
"Sige umalis ka. Pero tandaan mo ito, kapag tumapak ka sa labas ng pintuan na 'yan wala ka nang babalikan!"
"I'm sorry, Jan." Naglakad ako palapit sakanya at kinuha ko ang bag pero bago ako lumabas tumingin muna ako sakanya, for the last time.
"Mahal kita." Binitawan ko ang katagang 'yon upang malaman niya na mahal ko siya at hindi ko pinagsisihan na naging boyfriend ko siya. Pagkauwi ko sa bahay, niyakap ko agad si mommy at sabay humagolgol ng malakas. Sinabi ko sakanya ang lahat ng nangyari.
"Anak, alam kong isa lang itong pagsubok sa relasyon ninyo. Magpakatatag ka lalo na't malapit na ang pasko na dapat sana ay panahon ng pagmamahalan at saya. Sorry, kung hindi dahil sa amin ng daddy mo hindi sana kayo magkakaganito."
"No mom. Wala kayong kasalanan. Pinakawalan ko na siya, it hurts but I need to accept the fact na wala na kami. For now, that's the best thing that I could do for myself."
December 24. Akala ko madaling maghilom ang sugat at mawala ang sakit na nararamdaman ko, but I was wrong. Until today damang-dama ko pa rin ang sakit ng hiwalayan namin ni Jan. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Nagsimba kami ng pamilya ko gabi bago magpasko upang salubungin ang araw ng kapanganakan ni Hesus. I know I should be happy, pero hanggang ngayon malungkot pa rin ako. Napakaselfish ko 'no? I know. Pero hindi naman basta-basta nalilimutan yung taong mahal mo lalo pa't marami na kayong pinagsamahan.
"Michael si Jan." Bulong ni mommy ng makaharap namin si Jan sa labas ng simbahan.
"Can we talk?" He asked. Tumingin ako kay mommy at ngumiti siya saakin at tumango. Kahit na masakit, kailangan pa rin namin ng closure. Naglakad kami palalayo sa simbahan at dumiretso sa park kung saan wala masyadong tao.
"Jan."
"Michael, I'm sorry." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Tumawag saakin si Eleomar, and he asked for an apology from me and you. Sinabi niya saakin ang lahat ng nangyari at nagtapat siya saakin na hindi mo ginusto ang nangyari. I'm sorry for being a jerk." Gusto kong punasan ang mga luha niya.
"Sorry for saying those stupid things at sa hindi ko pakikinig sa explanation mo. Nagpadala ako sa galit, nagpadalos-dalos ako sa mga desisyon ko. After mong pumunta sa bahay nagpakalasing ako, umimom at nilunod ko ang sarili ko sa alak pero ikaw pa rin eh, ikaw pa rin ang tinitibok nito." Doon na tumulo ang mga luha ko nang ituro niya ang puso niya.
"Alam kong sinaktan kita. I am aware of it at hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo at kung---"
"Shh. Enough. Sinabi mo na ang lahat Jan. Sorry dahil hindi ko sinabi sayo ng maaga. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko para sayo eh. I know how it hurts not having you close but it would hurt even more not having you at all." Pinunasan ko ang mga luha niya sa mukha.
"I still love you, babe." Bulong ko.
"I love you too babe, so much to the moon, stars and back." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ko siya sa labi. Ang bagay na gustong-gusto kong gawin nung nasa Australia ako, namiss ko ang yakap, ang halik at ang presence ni Jan.
"Happy fifth Anniversary babe, I love you."
Ang pasko ay ang panahon ng pagmamahalan. Ito rin ang panahon ng pagpapatawad at kasiyahan. Sa isang relasyon hindi sa lahat ng oras masaya kayo, sabi nga nila life is not always a bed of roses sometimes you'll face problems that could change your relationship whether in a good way or if not it can destroy your relationship but either way, love must be present at all times.
Hindi sukatan ang distansya niyo sa isa't-sa ng pagmamahal na mayroon kayo ng mahal mo dahil hindi sa lahat ng oras magkasama kayo at sabihin nalang natin na kung gugustuhin mo man o hindi mawawalay ka talaga sa mahal mo pero huwag nating kakalimutan na kahit na ilang bundok o dagat ang pagitan niyo ng mahal mo at kung saan ka mang lupalop sa mundo mapadpad dapat may tiwala ka at pagmamahal ka para sakanya. And when life seems rough, don't forget to ask for His guidance. He will help you.
End.
***
l'écriture est une passion