Nagiseng ako sa katok nagaling sa pinto ng kwarto ko,
tyra anak? gumiseng kana nag aantay na ang daddy at mommy mo,
rinig kong sabi ni nanay esther,
opo nanay susunod na po ako mag aayos lang po ako,
nakatulugan ko pala ang pag iisip,
gabi na pala kaya siguro kinatok na ako dahil hindi pa ako nakain ng hapunan,
istrikta si mommy pag dating sa pag kain ko hindi pwedeng hindi ako kakain
pag tapos kong mag ayos bumaba na ako sa dining para kumain,
ng makita ko si daddy ay bumalik nanaman yung mga tanong sa utak ko,
anak come here let's eat na,
may sasabihin kami ng daddy mo sayo,
kinakabahan ako, ito na ata yung pinag uusapan nila kanina,
sana naman good news, pero kahit bad news pa yan para sakin basta ika sasaya nila mommy papayag ako, ayoko silang nakikitang nag aaway ni daddy, ayokong ma broken family kami,
ganun kase yung mga nababasa ko sa mga libro kaya ayaw kong mangayari samin yun,
Tyra nakikinig kaba anak? naka tulala ka lang jan?
ayaw mo ba ng desisyon namin ng daddy mo?
para sayo din naman ito anak,
rinig kong sabi ng mommy ko,
huh? ano po yun ulit mommy? di ko po narinig pasensya na po inaantok pa po kasi ako, palusot ko,
tyra anak papasok kana bukas sa school, naasikaso na namin ng daddy mo ang lahat ng kailangan natin,
kaya wala ka ng dapat alalahanin,
ANO POOOO? pero mommy masaya naman po ako na dito lang sabahay nag aaral,
hindi naman sa ayaw ko pero kase ito yung unang beses na lalabas ako ng ako lang, kinakabahan ako sa totoo lang paano kung madaming masamang loob sa labas? parang di ko ata kaya,
anak ayaw mo ba? para naman sayo ito, para matuto kang mag isa,
ayaw mo ba non? mag kakaroon ka ng mga kaibigan mo?
pero mommy pano po kung di ko po kaya?
anak kita tyra kaya alam kong kakayanin mo
i trust you okey?
pero mommy? paano nyo po ako na pa enroll ng ganun ka bilis?
nag tataka kasi talaga ako , alam kong mayaman kami pero di ugali nila mommy na gamitin ang yaman namin para lang makuha ang gusto kaya nag tataka ako kung pano nila ginawa yun,
unless dun ako sa university namin papasok?
no wayyyy andun yung crush na crush ko pero masama kasi ang ugali nun eh masyadong mayabang at bilib sa sarili,
anak dun ka sa university natin mag aaral,
wala ng problema okey? bukas start na ng pasok mo,
sabi ni ommy,
WHAAATTTT? bukas na po agad? pero mommy di pa po ako ready,
pag mamaktol ko, pano ba naman talagang bukas na agad,
alam ko nman na makaka habol ako sa mga lectures doon dahil advance ang mga turo sakin ng tutor ko pero di pa din ako prepared noh? ts.
anak kailangan mo na mamuhay ng noraml,
hindi yung puro ka nalang pag babasa ng mga novel na libro,
lalabas ka nga pero sa bookstore naman ang diretso mo,
paano ka mag kaka social life niyan?
sabat naman ni daddy,
ayan nanaman yung normal normal na yan,
bakit ganun na ba ko ka abnormal? ts
pero daddy may friend naman po ako huh?
best friend pa nga po eh, ano pong tawag mo kay ken? charcter lang sa mga librong binabasa ko? hmm,
speaking of ken? asan kaya yung tukmol na yun,
mapuntahan nga bukas sa bahay nila hahaha
anak iba naman si ken,
hasyt basta bukas papasok kana wag ka ng mag reklamo okey?
okey po mommy, papasok na po
matamlay akong bumalik sa kwarto,
haynako ano kayang mang yayari sa akin bukas,
kinakabahan talaga ako
alam ko madaming bully doon, maka pag pahinga na nga ulit maaga pa ang giseng ko bukas
Andito na ko sa University namin,
nasa gate pa lang ako pinag titinginan na ko,
pano ba naman kasi ang suot ko naka jeans lang ako at plain t shirt
dito kase ako mas kumportable,
kahit naman papano alam ko kung saan pupuntahn ang admin dito o dean's office, every start kase ng school year nag bibigay sila mommy at daddy ng welcome ceremony kaya lagi akong kasama,
pero iba lagi ang ayos ko noon, lagi akong presentable dahil yun ang gusto ni mommy kaya pinag bibigyan ko na lang,
hindi katulad ngayon na simple lang ang damit ko,
dire diretso lang akong mag lakad habang naka yuko,
natatakot kase akong pag tripan dito,
ang alam ko kasi uso ang mga bully dito,
pag mahirap ka ibully ka nila,
palibhasa mga anak mayaman, akala naman nila kaya niolang bilhin ang mundo hmm
naging maayos naman yung unag klase ko,
pero wala pa din akong kaibigan,
lahat parang nan didiri sakin,
yung isa pa nga sabi baka daw scholar ako kase mukha daw basahan nag damit ko,
mukha nya nga jan ang mukhang basahan eh mukhang basahan ng make up, ts.
break ko na ngayon kaya papunta na ako sa cafeteria,
ng may mabunggo akong isang matigas na bagay,
pag angat ko ng ulo, natulala na lang ako,
shet si Tyron Vasquez ang MVP ng Basket ball team
Sa susunod wag kang tanga tumingin ka sa dadaanan mo,
anong silbi ng malaking salamin mo kung tatanga tanga ka naman sa daan?
bulyaw sakin ng angtipatikong ito,
mag sasalita na sana ako ng may kumuha ng bag ko,
kennnnnnnn sa sobrang tuwa ko ng makita ang best friend ko
napalundag pa ako sa kanya
ganun na tlaga ako noon pa, kay ken lang nman ako ganto eh
siya lang naman kase ang kaibigan ko,
ken, dude kilals mo tong babaeng to?
tanong ng antipatikong si tyron
oo best friend ko siya,
pag pasensyahan mo na ganyan lang talaga yan si tyra lagi naka yuko pag nag lalakad mahiyain kase yan,
sge bro dito na kame ng best friend ko kita na lang tayo sa practice,
ken napaka yabang ng lalaking yun sarap kaltukan hmmm
hayaan mo na nga si tyron, ganun lang talaga yun,
ay oo nga pala nasabi na sakin ni tita na di ka pwedeng makilala dito na anak ka ng may ari? bakit?
kase yun ang gusto ko,
mas gusto kong maging normal na estudyante,
yung walang special treatment,
pero tyra baka mabully ka dito, outstanding ka pa naman kase ikaw lang ang nag susuot ng malaking salamin at laging may hawak na libro,
deretsuhin mo na ko ken, alam ko naman na nerd ako eh,
pero ito na ako eh,
dito ako mas kumportable alam mo naman yun dba?
oo nga nerd ka pero ikaw yung modern nerd okey?
o sha kung yan gusto mo ikaw ang bahala andto naman ako lagi di kita hahayaang masaktan dito kaya wag kang pasaway understand?
sa sobrang tuwa ko, niyakap ko na lang ng mahigpit yung best friend ko buti na lang andito si ken kase kung wala paano na ko dito sa university