Pag kauwi namin nila mommy dito sa pilipnas galing sa New York
dumiretso agad ako sa kwarto ko para mag pahinga,
napagod talaga ako sa byahe namin,
pero okey lang masaya naman marami akong napamiling mga libro
aww s**t i forgot my books
dali dali akong bumaba ng hagdan para hanapin sila mommy,
kaya ng di ko sila makita nag tanong na ako kay nay esther kung nakita ba nila sila mommy,
si nanay esther ang mayordorma ng masyon namin,
mabait si nanay esther, halos sya na din ang nag aalaga sakin pag di ako pwede isama nila mommy sa mga kelangan nilang puntahan ni daddy,
nanay esther nakita nyo po ba sila mommy?
di ko kasi sila makita dito sa loob ng bahay,
ayy kabayong hubad - nanay esther
natawa naman ako sa reakyon ni nany esther,
magugulatin kasi ito kaya madalas ko syang tanungin ng biglaan lalo na pag naka talikod sya sa akin
Hahahaha nanay talaga masyadong magugulatin
tinatanong ko lang po kung nakita nyo po ba sila mammy
hay nako kang bata ka papatayin mo ata ako sa gulat lagi ka na lang ganyan
osha andun sila mommy mo sa garden puntahan mo na lang ta may kelangan pa akong gawin,
tyra anak wag kang tatakbo huh? baka madapa ka nanamannnn
habol na sigaw ni nanay esther kilalang kilala nya na talaga ako hahaha
palapit na ako ng garden ng narinig kong nag uusap sila daddy at mommy
Frederico alam mong hindi pwede ang gusto mo,
paano naman ang anak mo?
ang unfair sa kanya nun,
rinig kong sabi ni mommy kay daddy,
Esmeralda mas Unfair sa anak mo kung hindi nya mararansan ang mamuhay ng normal,
mas maganda pa din na meron syang kaibigan, na may iba syang kakilala bukod s amga tao dito sa bahay,
hindi kaba naawa sa anak mo?
laging libro na lang nya ang kaharap nya?
pano pag wala na tayo? paano nya haharapin ang mundo ng mag isa kung ngayon pa lang takot na tayong malaman nya kung sino ba talaga sya?
hindi normal ang buhay natin, dapat noon pa natin ito ginawa pero anong nangyare? hinayaan natin syang mabuhay sa kasinungalingan, buo na ang desisyon ko esmeralda, di mo na mababago pa ang desisyon ko,
nagulat ako sa sagot ni daddy kay mommy?
anong ibig sabhen ni daddy? anong hindi kame normal?
nang dahil s amga narinig ko ay hindi na ako tumuloy sa kanila,
ngayon ko lang narinig na mag talo si mommy at daddy kaya malamang may mabigat silang pinag dadaanan,
bumalik na lang ako sa kwarto ko para mag pahingang muli,
pero kahit naka higa na ako sa kama ko ay di mawala sa isip ko kung ano yung ibig sabhen ni daddy sa mga sinabi nya,