Kabanata 9

1308 Words
Ramdam ni Uriel ang mga tinging ipinupukas sa kanya ng mga kapwa kasambahay sa bahay. Sino ba naman ang hindi? Inanunsyo kasi ng mayordoma na simula ngayon ay hindi na siya makakasama sa mga gawaing bahay dahil pagsisilbihan niya lang ang Don. “Ano naman kaya ang ginawa niya para maging personal maid ng Don?” “Kaya nga, eh. Nakapagtataka dahil baguhan pa lang naman siya.” “Hindi kaya dahil kay Sir Alexiel?” “Bakit hindi kay Sir Alexiel na lang maging personal maid? Bakit sa Don pa, ‘di ba? Sa tingin ko may ginawa ‘yan para mapansin ng Don. Tsk!” “I’m sure tuwang-tuwa ‘yan...” Hah? Naging blanko ang mukha ni Uriel sa huling sinabi ng mga ito. Siya tuwang-tuwa? Hindi ba nila napansin na mukha s’yang pinagsukluban ng langit? At ano naman ang gagawin niya sa Don? Eh, ayaw niya ngang makasalubong man lang ito o umapak sa inaapakan nito. Kung pwede lang humindi ginawa niya na kaso baka mas malalang parusa pa ang maranasan niya kapag ginawa iyon. “Congrats sa promotion!” bati ni Rona na may malaking ngiti. Hindi alam ni Uriel kung talaga bang sincere ito o sarkastiko. Hindi niya pa kilala si Rona at palagi n’yang tatandaan ang sinabi ni Alexiel. “Hindi ko inaasahan iyon,” komento niya at umupo sa kitchen counter chair. “Kami rin naman. Pero wow, ah? Ang Don mismo ang pumili sa’yo. Galingan mo. Bawal pa naman ang tanga at palaging mali sa harap ng Don. Ikaw ang kauna-unahang personal maid nito,” reply ni Rona. Napangiwi na lang si Uriel. Masyado namang masakit ang salitang tanga. Hindi pa naman siya nagkakamali at sana ay huwag naman sa harap ng Don. Bigla naman pumasok ai Bini at tinawag si Uriel. “Bakit, Bini? Ano iyon?” “Papaalahanan sana kita, Uriel. Mag-iingat ka palagi lalo na kay Don. Siguro naman ay nasabi na sa’yo ni Sir Alexiel kung bakit. Hindi mga ordinaryong tao ang mga nakatira dito, Uriel. Malayo sila sa mga namumuhay ng normal sa labas. Ang buhay nila ay kaakibat ng kamatayan. Kaya ingatan mo ang sarilo mo at huwag kang magmatigas,” mahabang lintana ni Bini. Siya kasi ang inatasan ni Alexiel na magbantay habang wala ito. Na-appreciate ni Uriel ang pagpapaalala nito sa kanya. Hindi naman siguro lahat ng tao dito ay masama, katulad ni Bini. “Salamat. Huwag ka mag-alala. Gagawin ko ang lahat para mabuhay. Nang mapunta ako dito ay alam kong hindi magiging madali ang buhay.” Tumango si Bini ngunit wala itong ekspresyon. “At bago ko makalimutan... maliban sa mga taong naipapakita ang tunay na ugali nila, ay mag-iingat ka rin sa mga taong akala mo mabait, Uriel,” pagkatapos sabihin iyon ay nagpaalam na si Bini. Kailangan niya pang mag-report kay Alexiel. Napawi ang ngiti ni Uriel sa huling sinabi nito. Sa lugar na ito wala s’yang mapagkakatiwalaan kung hindi ang sarili niya. Huminga siya ng malalim at nagdasal na sana maging maayos ang lahat at hindi mapahamak ang buhay niya kahit na imposible sa bagong buhay na ito. --- Makaraan ang isang Linggo, muling nakita ni Uriel ang lalaking nakausap niya noong naglilinis siya sa hardin na si Dave, bagong miyembro. Kumuway siya dito at ngumiti ito sa kanya. “Kamusta? Balita ko personal maid ka na ng Don? Hindi ka naman ba nahirapan?” tanong nito. Sa totoo lang ay crush ni Dave si Uriel nang unang beses niya itong nakita. Para itong isang diwata ng mga halaman kaya naglakas loob s’yang lapitan ito. “Hindi naman. Akala ko ba ay busy ka? Hindi ba’t may gagawin kayo ngayon?” nagtatakang tanong ni Uriel sa binata. “Mamaya pa naman. Maghihintay na lang daw kami ng tawag.” Napakamot sa batok si Dave at nagsimulang mamuka ang kanyang tenga. “Uhm, may itatanong sana ako, Uriel.” Gustong subukan ni Dave. What if may pag-asa siya, ‘di ba? “Ano ‘yon?” Bubuka na sana ang bibig ni Dave nang mapansin niya ang taong nakatayo sa likod ni Uriel. Napatigil siya at tela nagyelo ang kanyang buong katawan nang makasalubong ang mata nitong tumatagos sa pagkatao niya. Dave gulped and bowed. “Don,” bati nito. Agad na nawala ang ngiti ni Uriel at ramdam niya ang pagtayo ng kanyang balahibo sa batok. Don? Nandito si ito? “Uriel, come here,” utos ni Azrael. Hindi mababakas kung ano ang ekspresyon nito dahil katulad ng dati ay blanko ang mukha nito. But the man was sure feeling irritated inside. Why is this man again? Nagmadali namang pumunta sa kanya ang dalaga na nakayuko. “Come to my room. You’re going to clean my shelves,” aniya ni Azrael at hindi pinansin ang lalaki sa harap nila. His eyes landed on the little angel that was still looking down. “Answer me, Uriel,” may bahid ng riin ang boses ni Azrael. The little woman flinched and looked at him with eyes terrified. “Yes, Don. Masusunod po,” mabilis na sagot ni Uriel saka naunang tumaas sa kwarto. Azrael looked at the new recruit from head to toe and looked at Gab on the other side ‘tsaka ito tumalikod at tumaas. Gab, then stepped in and tap Dave’s shoulder. Hindi ba makaramdam ang binatang ‘to na hindi ito nagugustuhan ng Don? He can feel the danger reeking out on his Don’s aura. “Ano’ng ginagawa mo rito? Naroon na lahat ng baguhan sa basement. Move!” Nabigla naman si Dave at agad na inayos ang sarili bago mabilis na lumakad papuntang basement. Napailing na lang si Gab. Kung patuloy na lalapitan ng baguhan si Uriel ay paniguradong pahihirapan ito ng Don. --- Malamig ang awra na pumasok si Azrael sa kanyang silid kung saan naabutan n’yang naglilinis na si Uriel ng lagayan ng libro. “It seems you’re close with that man, angel.” Lumakad siya papalapit dito. Sa pag-ihip ng hangin ay naamoy niya kaagad ang pabango nito. Azrael wanted to touch her neck but restrained himself. “S-Sino Don? Si Dave po ba? Hindi naman. Nagkakilala lang kami kanina,” mahinang sagot ni Uriel. “Don’t ever talk with him again,” he ordered and grabbed a book. It’s obvious that the new recruit likes this little woman but she’s too nice and naive to notice that. “Bakit naman po, Don? Wala namang ginagawang masama si Dave?” Hindi tuloy naituloy ng binata ang sasabihin kanina sa kanya dahil sa pagdating ng Don. Azrael chuckles. “Did you forget what Alexiel told you, angel? No one is a saint in this place. Even you.” Humarap si Uriel na puno ng tapang ang makikita sa mata. “Nagkakamali ka. Lahat ng tao ay may kabutihang taglay kaya hindi ako naniniwala na masama kayong lahat,” dipensa nito. “Oh, you have a point, angel. Sadly, kindness was never in my dictionary. You won’t stay being kind. But I love to see you spreading kindness in every person’s life. Let’s see if they see your kind gesture here, angel.” Kabutihan? Wala iyon sa larangan ng buhay nila. Masama ang tingin sa kanila ng karamihan at tama ang mga iyon. Kindness is a weakness. People will take advantage of it and will use it to manipulate someone. “Basta. Naniniwala ako na may kabutihan pa rin d’yan sa puso mo, Don.” “You’re interesting, Uriel.” He can’t let go of her now. There’s no fun if he lets her escape. He wants to see if she will stay kind after staying here. Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ang dalawa doon. Bilial looked at Uriel before opening his mouth. “Don, may problema tayo.” At ang problemang iyon ay may kinalaman sa babaeng tumulong kay Alexiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD