Pilit siyang nanlaban habang halos isiksik ni Harvey ang katawan nito sa kanya, habang sakop nito ang kanyang labi. Parusa ang halik na ginagawad sa kanya ng lalake. Parusa mula sa lalaking una niyang minahal at umaasa siyang babalik pa ito para sa kanya, para maayos pa sana ang naging gusot sa kanilang pagsasama noon. Hinihingal at habol ang kanyang paghinga nang pakawalan ni Harvey ang kanyang labi. Masamang tingin ang pinukol niya sa lalake. Na agad hinawakan ang labi nito habang malisyosong nakatingin sa kanya. Pakiramdam naman niya namantal na ang kanyang labi sa sobrang diin ng halik nito sa kanya. "Limang taon ang lumipas, pero wala pa ring nagbago sa iyo, Ava. Masarap pa rin at napakatamis pa rin ng iyung labi," saad nito sa kanya na puno ng pagnanasa. "Bastos!" Asik niya. Umi

