Galit na mga mata ni Ava ang nakatingin sa kanya, nanlilisik sa galit, puno ng pait ang mga mata nito na noon ay puno ng pagmamahal kung siya at tignan nito. Sadyang napakalayo na nga nito sa dati. Maraming binago ang dalaga sa loob ng limang taon. Mas gumanda ito para sa kanya, iyan ang una niyang nakita kay Ava. Pero hindi maitatago ng ganda nito ang lungkot na nasa mga mata nito. "Aalis na ko," saad nito sabay bitiw sa hawak nitong kopita at akmang lalakad na patungo sa may pintuan nang harangin niya ito. "Bakit ka nagmamadali. Limang taon tayong hindi nagkita, Ava. Bakit hindi muna tayo mag usap. Pag-usapan natin si Philex Martinez," he said. Kahit nasa malayo siya alam niya kung ano ang nangyayari sa buhay ni Ava. May tao siyang nakasubaybay rito para alamin kung ano na ang nangyay

