"Ava! What happened?" Gulat na tanong ni Jacqueline sa kanya nang makita siyang nagmamadaling lumapit rito para kunin na ang kanyang bag at makaalis na sa lugar na iyon. "I'm sorry, Jacqueline pero uuwi na ko," tugon niya sa kaibigan. "Bakit? May ginawa ba sa iyo si Harvey?" Nagtatakang tanong ng kaibigan. "Babawi na lang ako sa susunod na araw sa iyo, Jacqueline,' saad niya at nagmamadali nang lumakad palayo sa kaibigan. Sinubukan pa siya nitong habulin pero desidido na siyang makaalis roon, natatakot siya na baka magkaharap silang muli ni Harvey at hindi na niya alam ang sunod na pwedeng mangyari. Sa parking lot nagmamadali na siyang lumapit sa kanyang sasakyan nang magulat na lang siya nang may biglang humila sa braso niya. Napatili pa siya at nagsisigaw dahil sa takot. Pero nang m

