"So, what happened? Nag-usap ba kayo ng Ava mo?" Tanong sa kanya ni Nicole nang magkita sila nito sa bar. Hindi na sana siya pupunta pa ng bar dahil pagod na rin siya sa dami ng kanyang inasikaso sa opisina. Iyon nga lang masyadong busy ang kanyang utak sa kaiisip kay Ava, at nais niyang maalis muna sa isip niya ang dalaga. Ayaw niyang ma stress ang kanyang sarili sa pag-iisip na magpapakasal si Ava sa walang kwentang lalaking katulad ni Philex. Galit siya kay Ava at sa buong pamilya nito, pero hindi niya nais ma maging miserable ang buhay may asawa nito. "Wala naman kaming dapat pag-usapan,' tugon niya kay Nicole at sumenyas sa bartender na naroon na bigyan siya ng alak. Sa may bar siya mismo naupo para na rin ma observe ang mga taong papasok sa loob ng bar. Bago lang ang negosyo niyang

