Chapter-26

1413 Words

Pagpasok niya sa library agad niyang nakita ang galit na mukha ng kanyang ama habang nakaupo ito sa swivel chair nito at nakapatong ang mga kamay sa mesa. Nag iwas siya ng tingin rito at napasulyap naman sa kanyang Kuya na nakaupo sa may sofa at sa kanya din nakatingin. Alam na niya kung bakit siya pinatawag ng Daddy niya. Alam niyang nakapagsumbong na ang Kuya niya tungkol sa sinabi niya rito at tiyak na pagagalitan siya ng ama. "Ano itong sinasabi ng Kuya Juancho mo na nakita ka niya sa labas ng ating gate naglalakad? Hindi ba't dapat kasama mo si Philex? Pinasundo kita sa kanya kanina!" Saad ng ama sa kanya habang palapit pa lang siya rito at ni hindi pa nga siya nakakaupo. "May nangyari po kasi Dad," malumanay at magalang niyang tugon sa ama. "Anong nangyari?" Tanong nito sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD