"Sino ka bang lalake ka at nakikialam ka sa amin ng fiancée ko!' Matapang na saad ni Philex kay Harvey sabay bitiw sa kanya ni Philex. Hindi naman niya naiwasang haplusin ang kanyang braso na nasaktan. Nakita niyang nakatingin sa braso niya si Harvey at nalipat ang mga mata nito kay Philex. Hindi nakaligtas sa kanya ang matalim nitong tingin kay Philex. Hindi niya alam kung ano pa ang ginagawa ni Harvey, buong akala niya kanina umalis na ito, at hindi inaasahan ang biglang pagsulpot nito ngayon. "Hindi kasi tama ang ginagawa mo sa fiancée mo. Tandaan mo engaged pa lang kayo at hindi pa kayo kasal, huwag mo siyang bastusin,' Harvey said. Napalunok siya sa sinabi ni Harvey kay Philex na para bang concern ito sa kanya. Eh diba galit naman ito sa kanya at binabastos din naman siya nito. "A

