"Saan ka ba nanggaling bata ka! Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo!" Sita sa kanya ng Mommy niya nang makasalubong ito sa pintuan ng bahay. Saktong palabas na siya nang papasok naman ito para marahil hanapin siya. "Ah.. Eh... Mommy," taratang saad niya at pasimpleng sumulyap sa kanyang likuran kung nakasunod na ba sa kanya si Harvey. Nakahinga naman siya ng maluwag nang wala ito sa likuran niya, kaya naman siya na ang humila sa Mommy niya palabas ng bahay bago pa nito makita si Harvey sa loob. "Pasensya na po Mommy, nagwiwiwi na po kasi ako kaya pumasok na muna ako sa loob para mag CR," paumanhin niya sa ina. "Ok, sige maghanda ka na at magsisimula na ang engagement niyo ni Philex. Kanina pa nakahanda si Philex at ikaw na lang ang hinahanap niya,' saad ng Mommy niya. "Opo Mommy," tugon

