Sinubukan niyang manlaban sa taong mahigpit siyang hawak at tinatakpan ang kanyang bibig habang tila sapilitan siya nitong dinadala sa may library ng kanilang bahay. "Hhmmm......," Hindi nga siya nagkamali pumasok sila sa library. Narinig niyang ni lock nang taong may hawak sa kanya ang pintuan bago siya nito binitiwan. "Ano ba!" Sigaw niya at nilingon ang tumulak sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Harvey. "Ikaw!" Bulalas niya. "Hi, sweetheart,' bati nito sa kanya at ngumiti pa ito, ngiting nakakatakot para sa kanya. Napa atras siya palayo rito. "Anong ginagawa mo Harvey?" Tanong niya habang nakatingin rito. "Nakaka boring ang party sa labas, kaya nang makita kitang pumasok sumunod na ko," Harvey said. "We are not supposed to be here! Lalabas na ko, baka hinahanap

