Chapter-18

1601 Words

"Sino?" Kunot noong tanong niya sa secretary niya nang sabihing may nais kumausap sa kanya. "Mr. Castillo daw po," tugon nito. "Joaquin or Juancho?" He asked. "Mr. Joaquin Castillo po Sir," tugon ng secretary. Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi niya inaasahan ang pagdalo sa kanya ni Mr. Castillo sa mismong opisina niya. Hindi na siya magtataka pa kung paano nito nalaman ang opisina niya, wala namang imposible sa taong iyon. Naipakulong nga siya nito sa salang hindi naman niya ginawa. "Papasukin mo," saad niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair para harapin si Mr. Castillo. Dumalo ito sa gabi ng kanyang house blessing pero hindi sila nito nagkaroon ng pagkakataon para magkausap. Pero alam niyang nakita at narinig nito ang lahat ng kanyang tagumpay. "Nabulabo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD