Pagbaba niya sa may lobby ng building ng company ng Daddy niya agad niyang nakita si Philex na nakaupo at tila may hinihintay. Iiwas pa sana siya nang mamataan na siya nito. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya, kaya hindi na siya nakaiwas pa. "Hi, Ava," preskong bati sa kanya ni Philex. "Hi," tipid na bati niya rito. "Uuwi ka na ba?" Tanong nito na agad pang nai pwesto ang kamay nito sa may bewang niya. Agad naman niya iyong inalis at umiwas rito. Ito ang ugali ni Philex na pinaka ayaw niya. Masyado itong touchy. Bukod sa mayabang na mahangin eh madalas pang mag take advantage sa kanya. Siya pa naman ang tao na naiinis pag may humahawak sa kanya kung saan-saan. Hindi niya gustong basta na lang siya hahawakan without her consent. "Anong ginagawa mo rito? May meeti

