Chapter 21.2 (Part 2)

2810 Words
Nang dumating ang lunch ay pinuntahan ko ang roon nina Dori at Ryela. Magkaiba kasi kaming tatlo ng strands. "Nasaan si Gebby?" I asked Ryela. She shrugged off her shoulders and sighed. "Hindi pa siya pumapasok simula no'ng lunes, eh." "Tinext mo na ba?" I asked worriedly. It's so unusual for Dori na umabsent na hindi man lang nagpapaalam sa amin. Hindi ko rin alam na siya pumapasok dahil maski ako ay absent din. "Yes. Tinext ko kayong dalawa pero wala ni-isa sa inyo ang nagreply man lang. Sabi ni Gebby ay masama raw umano ang pakiramdam niya kaya 'di muna siya makakapasok." she said, bothered. "Ikaw? Ba't di ka man lang nagreply? Saan ka ba galing? Nagkasakit ka rin ba?" "Okay lang ako..." I said. "Napagod lang sa party noong nakaraang araw." "Hmm..." Ryela hummed. "Pumunta ako sa bahay nina Dori kahapon para kumustahin siya... I don't want to be a chismosa or what, ha? I'm just concerned about our friend..." Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. "Ano'ng nangyari?" Umiwas siya ng tingin. "Ano kasi...naabutan kong nag-aaway ang parents niya... like... they're arguing because of her... I-I don't know but it seems like— I don't think I have the rights to say this... but, it's really bothering me. I can't even sleep peacefully because it keeps on replaying in my head." Yumuko siya at kinagat ang ibabang labi. Napalunok ako at hinawakan ang kamay niya. "You can tell it to me. Secrets are safe with me, I promise..." "Really?" "Of course. Hindi naman ako palasalita at madalang lang pumansin ng ibang tao. You know me, Ryela. I am not that kind of friend who'll share yours stories to others." She looked around. She looks contemplating at first but later on continued. "I overheard her parents yelling on each other... We were inside Dori's room and she's in the bathroom. May siwang kasi ang pintuan kaya narinig ko ang pag-uusap ng parents niya." Humugot siya ng malalim na hininga. Sinalubong niya ang aking mga mata. "I-I think... anak sa labas si Dori..." __ The day ended without Gebby. I tried calling her pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. I'm worried for her. They're almost a perfect family. Masaya, malaki, at puno ng pagmamahalan. I don't wanna think bad but I couldn't help it. Napagbuntong hininga nalang ako. Matapos ang klase namin ay pumunta ako sa isang grocery store at bumili. I am still receiving a money from my stepfather kahit wala na siya. Next year ay pupuwede ko nang buksan at ma-access ang lahat ng ari-arian na iniwan niya sa amin ng kapatid ko. "Cash po, ma'am?" the cashier asked. Tumango ako at dumukot ng pera sa pitaka. I am still working every weekend sa coffee shop na pinasukan ko rati at patuloy pa rin ako sa maliit kong negosyo ngayon, medyo lumalaki na rin. "Tita, Tito, mano po." Nag-bless ako sa mag asawa nang makaratin na ako sa bahay nila. "Hija," sabi ni Tito at ginulo ang buhok ko. Ngumiti siya sa akin bago binitbit ang mga pinambili ko at pumasok sa loob. Naiwan kaming dalawa ni tita. "Anak, hindi ka na sana pa nag-abala," she said softly. "Puno pa naman ang grocery stock namin dito eh." "Oks lang tita, ano ka ba?" nakipagtawanan ako sa kaniya. "'Tsaka, dagdag na rin 'yun sa stock niyo. Ang dami niyo pa naman dito," Naiiling na ngumiti siya sa akin. Kinirot niya ang pisngi ko. "Kumusta ka na, Sunny?" "Ayos lang naman po, " I lied. "Ayos ka lang ba roon sa puder ng tatay mo? Baka inaalipusta ka na roon, ah? Pwedeng-pwede ka namang tumira rito eh. Pwede ko kayong ipagsama sa iisang kwarto ni Coleen." I shook my head and smirked. "Hindi naman po ako inaapi roon. Hindi rin naman ako madaling maapi, 'no?" I lied. "Kayo po tita? Kumusta ang pag da-dialysis niyo?" iwas ko sa topic namin. Pumasok kami sa loob ng bahay ni tita habang nag uusap. "Maayos lang naman. Surviving everyday," she joked. "Magiging maayos din po kayo, sigurado ako riyan." I smiled. "Naku, sana nga." "Ang negosyo niyo, tita? Kumusta? Matagal tagal na rin nang makabisita ako rito, eh. Sorry po," "Ayun. Busy palagi ang tito mo kaka-manage sa bago naming negosyo. Nakakatuwa nga eh," Nakita ko sa gilid ng aking mata si Seth na nakatopless lang at may dalang bola sa kaniyang braso. Napalingon ako sa kaniya at napatingala. Ang taas na niya. "Uy, Sunny!" he exclaimed and his eyes widened. I smiled at him. "Basketball?" Dahan dahan siyang tumango. "O-Oo." nahihiyang sabi niya at lumapit sa akin upang halikan ako sa pisngi. Natawa ako at nilingon si tita. "Sandali lang po, ah." I said. "Kakausapin ko muna si Seth," "Oh, siya, sige. Mauna na ako sa kusina." sabi niya bago umalis. Kinuha ang towel na nakasabit sa balikat ni Seth at pinunasan ang kaniyang pawis mukha. "Pawis na pawis ka, Seth." sabi ko. Sumimangot siya sa'kin. Tangka niyang aagawin ang towel sa akin nang sinamaan ko siya nang tingin. "I can do it myself." aniya. Nag iba na talaga si Seth. Pati ang kaniyang boses ay nagsimula ng maging baritono. Mas matangkad na rin siya sa akin ngayon. "Alam kong kaya mo." I rolled my eyes. "Tumalikod ka nga." I commanded. Wala naman siyang nagawa kundi ang tumalikod. I even caught him rolling his eyes. "Ezz." "Seth, pumupunta ka bang gym?" I asked curiously ang my brows furrowed. "Ba't ang ganda ng hubog ng katawan mo, ah?" "Since birth na 'yan." pagmamayabang niya. Natawa ako. "Kumusta ka na rito?" tanong ko. "Masaya... Masaya rito," aniya at nagkibit balikat. "How 'bout you living there with your father?" he asked, the sarcasm was on his voice but I didn't mind it at all. I sighed. "It's okay. Our—My father is a good." I cleared my throat. "He provides me everything I needed, he pays for my tuition and he allows me to call him daddy." Hindi umiik si Seth. "Seth?" tawag ko. "Is he really good?" mahinang tanong niya. Natigilan ako at hindi alam ang isasagot. Should I lie or not? Ayaw ko namang siraan ang pangalan ni Helios sa mata ng ibang tao. "Seth!" sabay kaming napalingon sa hamba ng pintuan nang may babaeng sumigaw. Lihim akong nagpasalamat. Napataas ang kilay ko dahil sa sama ng tingin nito sa akin. Parang asong nagtatagis ang mga ngipin nito. "Oh, Jae? Ba't ganyan mukha mo?" kaswal na tanong ng kapatid ko rito. "Nasaan si Aciel?!" she yelled while glaring at me still. "Nasa kwarto—— hoy! Wag kang magkakalat doon, ah?" he said when the girl stomped her feet towards Seth and Aciel's room, angrily. Seth sighed. "Sino 'yun?" tanong ko. "Manliligaw ni Aciel." Matapos kong punasan ang pawis na katawan ni Seth ay nakipag usap ako saglit kay Tita at Tito bago ko naisipang umuwi na ng bahay. Pagkarating ko roon ay nakasalubong ko na naman sa daan si Yohan na katulad ng dati, topless pa din at pinagpapawisan. Nakasalubong ko rin sa daan si Quinn pero inirapan lang ako nito at pasimple akong pinatid. I guess she really do hate me to the core that her anger cannot be cover up by every good things I've done for her. Time flies so fast. Parang dati lang nagkabungguan kami at tinulungan ko siya. Parang kaylan lang nang pinagtanggol ko siya. I befriended her to save her from the bullies and also because of the fact that we were sisters. I have no other motive on why I approached her. I did not even expected I'll be able to live on the same roof as her and our father. She doesn't believe me. She doesn't know me. She doesn't know what I've gone through and what I felt every damn time she bullies me in this house. Sigura nga wala talagang makakaintindi sa rason ko kung bakit ko ipinagsisiksikan ang sarili ko sa bahay na ito. Walang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Walang may gustong umintindi sa sitwasyon ko. They tends to judge me quickly because I have a lot of options but I chooses to stay in this house. I chose to live here. I chose to torture myself. No one will ever understand me... I kept within myself the pain, the jealously and the insecurities. Hindi ko ipinapahalata na hindi ako okay. Na nasasaktan na rin ako. Na nagdurugo na rin ang puso ko sa tuwing nakikita kong may kompleto silang pamilya at hindi ako belong doon. Sobrang bilis ng panahon, parang kahapon lang nang nalaman kong nakatakda na pala akong ikasal. He set me up for a date with the guy whom I'm gonna married with. Ilang beses na akong nakipagpakita roon sa tao dahil iyon ang kagustuhan ni daddy. I obliged like a good child I am. As long as it makes him look and notice me, I will. Pagod na akong tumanggi at umiyak nalang palagi. "We've set you a dinner date with your fiancé tonight. Make sure to dress well." he said and dismissed me after. I bit my lower lip and nodded. Kung... papayag ba akong magpakasal doon sa lalaking sinabi niya, kikilananin na rin niya akong anak? Is he going to be proud of me once I obey him? Pumasok ako sa kwarto ko at naligo. I wore a casual dress that emphasized my curves and pair of flat shoes. Hindi ko naman na kailangan ng heel dahil matangkad na ako. I tied my hair into a high ponytail and put a lil make up on my face. I pulled my clutch bag before I went out. The family driver sent to me a luxurious restaurant and opened the door for me. Nagpasalamat ako dito bago pumasok. Unang pasok ko pa lang ay tumambad na sa akin ang malagintong tema ng lugar. Mabilis ko namang nakita ang hinahanap ko. He's not hard to get notice anyway. Siya lang ata ang pinakagwapo sa lugar na ito. And when I said gwapo, I meant it. Harper has this bad boy look but in handsome way. I took a deep breath and shook my head. "Hi." I said and sat in front of him. It's not the first we went out for a dinner but I'm still nervous as f**k. I can feel from his stares the thing I don't wanna think. He flashed a wide smile, revealing his perfect set of white teeth. "Good evening, Milady. You look beautiful tonight..." hinawakan niya ang kamay ko at pinatakan iyon ng halik. Tipid lang akong ngumiti. "I'm hungry. Let's eat." diretso kong saad. Ayokong magtagal dito kasama ang lalaking ito. Gusto ko nalang umuwi at matulog. Harper snapped his finger and the waiter immediately came and list down our orders. Nag-usap kami ng mga kaswal na tanongan habang hinihintay ang mga pagkain namin namin. I'm really hungry. I'm craving for something I can't name. Nang dumating na ang nga orders namin ay linatakan ko kaagad iyon. Halos si Harper lang ang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging tango at iling lang ang mga sagot ko. Napagkaalaman kong graduating student pala itong si Harper, Political Science ang kurso. Then after that, he'll take Law school. I also learned that he has a good spot for abused children and women. Because his mom was rape victim and his younger sister was physically abused. Nakakalungkot ang nangyari sa pamilya niya. I can't imagine what he'd gone through that time. I was busy listening to his story when I suddenly saw a familiar figure entering the restaurant. Kumunot ang noo ko nang makita si Icarus kasama ang pamilyar na babae. It was Grettle. Kumalabog ang dibdib ko at sinundan sila ng tingin. The receptionist motioned them their table and Icarus pulled the chair for Grettle. Kumuyom ang kamao ko at nakaramdam ng kakaiba sa tiyan. Para akong masusuka. "What were you looking?" My fiance said. Napahugot ako ng malalim na hininga bago umiwas ng tingin doon. Binalingan ko si Harper ang ngumiti nang matamis. Panakanaka akong nagnanakaw ng tingin sa pwesto nina Icarus at Grettle. Nakatalikod sila sa direction ng table namin. Magkatabi lang kasi silang nakaupo. His arms was hanging on her shoulders while they laughters roared around. Kung wala lang tumikhim ay hindi sila tatahimik. Nangilid ang luha ko. I thought they already broke up? Bakit sila magkasama ngayon? And don't tell me it is just a friendly date. Hindi ako tanga para paniwalain do'n. Nang tumayo si Grettle at pumasok sa banyo ay tumayo rin ako at nagpaalam kay Harper na magbabanyo rin. I walked towards his direction. My knees were shaking. It's already been a month since something happened on us. At dalawang linggo na rin niya akong parang iniiwasan. I wanted to ask him if he's okay. Especially because I learned that their parents were not in the good state. Dori seemed lifeless, too. Alam kong apektado sila sa nangyayari sa parents nila. "Icarus..." I called. Umangat ang tingin niya sa akin at umigting ang panga. Gone the gentleness on his eyes whenever he looked at me. He wasn't even shocked when I approached him. So he already knew I am here. Pilit akong ngumiti at umupo sa harapan niya. "Why are you here?" he coldly asked. His hazel brown eyes were dark and emotionless. Tumaas ang balahibo ko dahil sa kalamigan niya. Umiling ako at nangilid ang luha. Tumingala ako at kinurap iyon. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago siya tiningnan sa mga mata. "W-Why are you with Grettle?" tanong ko. Tumaas ang kilay niya. The corner of his lips rose up as he leaned backward and crossed his arms around his chest. "Why do you ask?" aniya. Hindi agad ako nakasagot. Nagtagis ang bagang ko at kinuyom ang mga kamao sa ilalim ng lamesa. I can't believe him! I don't want to get jealous but I can't help it. Akala ko may espesyal sa pagitan naming dalawa. Akala ko iyong mga palitan namin ng halik ay may halaga sa kaniya. What happened between us are special for me. "Go away. Grettle's coming." he suddenly said. "Go back to your man and enjoy the rest of your date." Mabilis akong tumayo bago pa man pumatak ang kanina ko pang pinipigilang luha. Sumisikip ang dibdib ko sa sama ng loob. I thought something is up between us. Who wouldn't assume!? He's giving me a sign that he likes me. And f**k it, it was all just a false warning lang pala. I took a deep breath and gritted my teeth. No. There's nothing going on between us. I shouldn't think that way. I should stop this feeling. Walang kami. Wala akong karapatan makaramdam ng selos o ano pa. He wasn't giving me a false alarm. Ako lang talaga ang nag-isip ng ganoon. Yes. It's my fault. He's a good friend of mine and I shouldn't taint it just because of this. Nagpaalam na ako kay Harper na aalis na, total naman ay tapos na rin ang dinner namin. Nagpresinta siyang ihatid ako ngunit hindi ako pumayag. Lumabas ako sa restaurant at naglakad lakad habang naghihintay ng masasakyan. Hindi ko na rin tinawagan ang family driver namin dahil gusto kong mapag-isa. Maraming bagay ang naglalaro sa isipan ko ngayon. What if I really just misunderstood everything? I've misunderstood his treatment towards me? Ayaw ko namang maging unreasonable kung sakali ngang magsimula na siyang tumingin sa iba. I am just his friend and nothing important other than that. Huminga ulit ako nang malalim at pinakalma ang sarili. "Sunshine!" Nagulat ako nang bigla na lamang may humawak sa kamay ko at kinabig ako nito. I gasped in surprise. Kasunod niyon ay sunod-sunod na busena ng mga sasakyan at ang pagtumba ko sa sahig kasama ang lalaking kumabig sa akin. Lumakas ang t***k ng puso ko at parang humiwalay ata ang kaluluwa ko mula sa aking katawan sa sobrang kaba at takot. I almost got hit. Tumayo si Harper at tinulungan ako. He picked up my clutch bag on the floor and gave it to me. Tulirong nagpasalamat ako at halos maiyak na sa sobrang laba. He nodded at me and offered to take me home. Pumayag naman na ako dahil baka kung ano pa ang mangyari. Sa sobrang lalim ng iniisip ko kanina, hindi ko namalayang nag go signal na pala ang traffic light. Muntik pa akong masagasaan. Napapikit ako nang mariin dahil sa katangan. What the hell, Sunshine?! "Be careful next time." Harper said as he stopped the car in front of our house. Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi. "Thank you, Harper. I owe you a lot." "It's nothing... just take care." aniya sa seryosong boses. I nodded again. Tumalikod na ako at pumasok sa gate namin. I looked at him once again before waving my hand and flashes a small smile. "Bye,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD