Chapter 21.3
We were inside the cafeteria with my friends, talking nonsense and laughing around when my eyes caught Dori walking towards our direction. Kasama nito si Eulynne at Kelly at nag-uusap. I was about to waved my hand when Ashley stopped my hands. Kumunot ang noo ko at nagtaka. She just shook her head and resumed on eating.
Busy sa pag-uusap ang tatlo nang bigla na lamang napahinto si Dori at napatingin sa aking gawi. My smile faded when she looked at me coldly.
"H-Hi...?" awkward kong bati at kumaway.
Napatingin sila sa akin.
"Hey, Sunshine!" Bati sa akin ni Kelly at ngumiti nang matamis.
"Hello, Kels. Halika tabi tayo kumain." anyaya ko. She cheerfully nodded and sat beside me. Si Eulynne naman ay tumabi kay Trank at kay Gold na parehong nag-aaway. Akala ko ay uupo si Dori sa tabi ni Diamond pero nanatili lamang siyang nakatayo.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako, next time nalang ako sasama sa lunch." she reasoned out and smiled at them, except to me.
"Pero—" She cut Kelly off..
"Bye," she said coldly before throwing me a cold glance and walked away.
Ouch.
"Anong problema nun?" I murmured and blinked my eyes several times. I really don't know what happened to us. Naging ganiyan nalang siya sa akin two weeks ago. I'm wondering what bad I did to her para iwasan niya ako ng ganito. May mali ba akong nagawa? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?
The next few days, ganyan pa rin palagi ang sinasabi ni Dori, na may gagawin daw umano siya kaya hindi siya makakasama sa lunch naming magkakaibigan. It went not only for days but for weeks now. Nagsimula na akong magambala. Hindi naman siya ganito eh. Kung may problema, sinasabi naman niya kaagad. Siguro ay apektado talaga siya sa nangyayari sa pamilya nila. I'm worried about her, sigruo ay bibisitahin ko nalang siya sa bahay nila ngayong susunod na araw. I think she needed me. She needed someone to lean on. She needed someone to talk to. I'm her bestfriend, after all. We were bestfriends since childhood at alam na alam na namin ang isa't isa.
Why was she doing this? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? Ano ba ang nangyayari at bakit niya ako tila iniiwasan?
Parang may punyal na tumatama sa aking dibdib. Nangilid ang luha ko. I didn't like our status now. Ang sakit sakit isipin na iniiwasan niya ako. Ang sakit makitang ngumingiti siya sa iba pero sa akin ay hindi. We were like a real sisters, paano niya nakakayang iwasan ako?
"Sunshine?" Napakurap ako at napatungo nang may marinig akong nagsalita mula sa aking likuran. "What are doing here?"
Pasimple kong pinunasanan ang tumulong luha sa aking mata at nilingon ang tumawag sa akin. Nasa loob ako ng classroom at ang mga kaklase ko naman ay nasa labas dahil P.E time namin ngayon. Nagrason lang akong masama ang pakiramdam dahil ayaw kong umattend. Ang init kasi at nakakapagod. Dagdag pa na inaantok na naman ako.
"Oh, Aaron? Ikaw pala!" peke akong ngumiti rito matapos kong mapunasan ang luha.
His brows furrowed. "Umiiyak ka ba?"
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling. "Hindi!" I exclaimed defensively. Tumikhim ako. "Uh, I mean, hindi."
"Ba't namumula ang mga mata mo?"
"Ha? Ah, wala. Wala lang 'to. Napuling lang." I lamely excused.
Napatitig siya sa akin ng maitim, para bang sinusuri ako. May pinalawak ko pa ang aking ngiti upang makumbinsi siya. Unti unting nawala ang pagkakunot sa kaniyang noo at ngumiti siya sa akin. We were classmates since junior high and both of us were competitive in terms of acads. Fortunate of me, I was awarded as a Valedictorian when we graduated. Nakalamang ako sa kaniya ng ilang pursyento.
"Oh, okay." he said. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. "Pero bakit ka nga nandito? Nasa labas ang mga kaklse nati," he pointed them using his forefinger.
"M-Masama kasi pakiramdam ko," I stammered and looked away.
"Talaga ba?"
"Oo."
"Pumunta ka kaya muna ng clinic para humingi ng gamot?" suhestyon niya.
Agaran akong umiling. "Masakit lang ang ulo ko. Mawawala rin naman siguro ito mamaya,"
He nodded his head.
"Ah, by the way, Sunshine. May itatanong ako." sabi niya.
Tumaas ang magkabilang kilay ko. "Ano 'yon?"
"May project ba tayo or activities na ipapagawa?" takhang tanong niya.
Dahan-dahan akong umiling at kumunot ang noo. "Uh... mukhang wala naman. Bakit ka napatanong?"
"Ah, wala ba? Nakita ko kasi si Gebby sa Lab kanina. Parang nagp-print."
"Baka inutusan ng Ma'am Montes?"
Nagkibit balikat lamang siya bago nagpaalam na aalis na. Sumimangot ako nang makaramdam ng gutom at hilo. Napadesisyonan ko nalang lumabas at pumunta sa likurang bahagi ng school para tumakas. Malapit lang din iyon sa building namin kaya hindi na ako napagod sa paglalakad. May maliit na butas ang mataas na semento roon, sapat na upang lusutan. Wala naman sigurong makakapansin kung aalis nalang ako bigla.
"Hoy! Takas 'yan! Bawal iyan, bata!"
Napahinto ako at nanigas sa kinatatawayuan.
Mahina akong napamura at nagsimula nang mamamis. Gusto ko lang naman lumabas para kumain eh. Kinakdabahan, dahan dahan kong hinarap ang tumawag sa akin.
Nag-isip ako ng irarason. "A-Ah eh, k-kuya, hindi naman po ako tatakas— Yawa ka?" napatigil ako nang tumambad sa akin ang natatawang mukha ni Sinon.
Malutong akong napamura.
He laughed hard, so hard that he hs to hold his stomach. Naiinis na pumadyak ako. Akala ko nahuli ako, eh! Muntik pa naman akong himatayin sa kaba. I'm running up for the scholarship abroad and I shouldn't mess up my good record.
Nang humupa na ang kakatawa ni Sinon ay seryoso niya akong tiningnan. Tinaasan ko siya ng kilay at humalikipkip. Simula nang may nangyaring hindi pagkakaintindihan sa kanila ni Trisha ay madalang nalang siya magpakita sa kapatid ko, at kahit sa akin. He distance himself but I know he's watching my sister from afar. Hindi na rin siya lumalapit sa akin at madalang nalang kaming magkausap. I don't exactly know what happened between them.
He smiled at me.
"Lalabas ka?"
I pouted my lips. It's been too long when he started avoiding me. Na-miss ko na rin siya. He's like an older brother for me. Mas madalas kaming magkasama noon. Usually, doon sa snacks in o kaya sa mga coffee shop sa labas ng school namin. Lumalabas din kami minsan sa mga mall sa tuwing nagpapatulong siya ng magandang regalo para kay Isha.
"Oo," Umiwas ako ng tingin. "Huwag mo akong isusuplong."
He chuckled lightly. And I almost closed my eyes as the nostalgic feeling shot through my system. I admit, I really miss him.
"Tara," aniya.
I looked at him questioningly.
Ngumiti siya at naglakad papalapit sa akin. He then held my wrist and flashed a grin.
He winked when our eyes met.
"Gala tayo,"
It's really comfortable having someone by your side when you're not feeling well. Ang bigat ng dinaramdam ko ngayon at pakiramdam ko ay magb-breakdown na ako dahil dito. Mabuti nalang at naabala ko ang sarili upang mag-isip ng maraming bagay.
Sinon brought me with him sa isang hilerahan ng streetfoods. Sabi niya ang libre raw niya ako kaya ganado akong kumain. Sobrang dami ng pagpipilian dito sa mga stalls at feeling ko nga ay kompleto lahat ng pagkaing kalye rito. Sinon teased me for eating too much like a pig. Imbes na mainis ay nakitawa nalang din ako. Ganito kasi talaga ako kapag stressed, magandang kumain.
Matapos naming kumain ay pumunta kami sa isang coffee shop at binilhan niya ako nang kung ano-ano. Halos masuka na nga ako sa kabusugan. Nakangiting hinawakan ko ang tiyan at hinimas-himas iyon. Ang laki! Sobrang dami talaga ng mga kinain ko ngayong araw.
"I'll send you home. Is it okay?" rinig kong tanong ni Sinon. Napahinto ako sa pagsipsip sa milktea at nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Okay na kayo?" tanong ko.
He slowly shook his head. "Not yet, but I'm trying." ngumiti siya. "This time, I'm winning her back."
Pumalakpak ako. "Wow! Nagkabayag ka na!"
Sumama ang timpla ng mukha niya. Natawa ako at pinakaabalahan ang paglantakan sa strawberry cake na nasa harapan. Tumunog bigla ang phone ni Sinon.
Tiningnan niya ako kaya ngumiti ako at tumango. "I'm gonna take this call, I'll be back."
Umalis si Sinon at sinagot ang tawag. Inabala ko naman ang sarili sa pagtingin sa paligid at pagmamasid. This place is nice. Ang alam ko ay pagmamay-ari ito ng isa sa mga professors namin dito sa campus. Well-organised and lugar at napakalinis. The coffees were served by the best bartenders and the waiters and waitress are well-mannered. No doubt, this place is one of the bests.
"I missed this place, babe."
"Yeah?"
"Remember no'ng grade school days? Dito tayo tumatambay dati kasama ni Kyrie at Gelo. Oh my!"
"Yeah, I kind of remember that."
"Tapos minsan sumasama rin iyong younger sister mo na si Marie. She's such a cutie!"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na mga boses. Parang nahulog ata ang puso ko sa aking tiyan nang makita siya. Nanginginig ang kamay ko at hindi sinasadyang nabitawan ang kubyertos na hawak na siyang umagaw sa kanilang atensyon.
Napasinghap ako at dali-dali lumuhod upang pulutin iyon. Nangangatong ang aking tuhod at nangingilid ang aking luha. Kinapa ko ang sahig at pilit na hinahanap ang tinindor. Halos sabunutan ko na ang sarili dahil sa frustration na hindi iyon makapa.
"Here," napasinghap muli ako nang may biglang nagbigay nito sa akin.
Umawang ang labi ko nang makasalubong ko ang kaniyang malamlam na mga mata. Gusto kong maiyak. Kung dahil ba sa selos, sakit o frustration dahil sa sariling nararamdaman ay hindi ko alam. Naguguluhan ako sa sariling nararamdaman. Dati naman ay wala ito. Walang malisya para sa akin ang lahat. Noe I'm starting to get confused.
"S-Salamat." Kinuha ko mula sa kaniya ang tinidor bago tumalikod at naglakad papalayo para hanapin ang sink at maghugas ng kamay. May nakabunggo pa ako ngunit mabuti nalang ay hindi ito nagalit. Ilang beses akong muntikan ng madapa dahil sa pagmamadali. Tumulo ang luha ko at naging sunod-sunod na iyon hanggang sa hindi ko ma mapigilan.
Napahinto ako sa paglalakad at kinapa ang dibdib. Sumisikip iyon at parang may pumipisil. Nasasaktan ito. Nasasaktan ako. Hindi ko siya maintindihan. I know we're not in a relationship deeper than friendship. Alam ko ang lugar ko sa buhay niya. I'm not asking or demanding of something aside from it. But what he had been doing... he is making me feel mixed emotions. Ginugulo niya ang sistema ko. And now that he had found someone to date with, he'll just dump me up from his life, and pretends that I do not exist? He could just ask me stop pestering him and I would. He could just tell me he doesn't want me anymore and I'll leave. Hindi iyong ganito. Hindi iyong harap-harapan pa niyang ipakita pero ayaw akong diretsuhin. He is so unfair. f*****g unfair.
"I'm sorry..." A pair of strong arms wrapped around my waist from the back. Napatakip ako sa bibig at tuluyan ng humagolhol.
"I'm so sorry, My Light..." he added and tightened his hug on the back of me.
I can smell his natural and manly scent as he hug me from behind. The warmness of his body sends me a lot of nostalgia and security. The way he hug me feels likes home. His touch alone seems like a magic who took away all those resentment I've been feeling. All the confusion, frustration and pain seems like being washed away along with wave on a seashore. In an instant, I feel my heart warmed.
Pinaharap niya ako sa kaniya at kinulong ang aking mukha ng kaniyang mga palad. Namumungay ang kaniyang matang nakatingin sa akin na tila ba'y binabasa ako nito. Na tila'y may hinahanap sa aking mga mata. Na para bang tinitingnan ako nito ang aking kaluluwa.
Napaiwas ako ng tingin at napangiti nang mapait. Now he's being sorry? Then what will happen next? He'll dump me up again?
"Look at me," masuyong tanong niya at ipinaharap ako sa kaniya.
Tumulo muli ang luha ko at hindi ko na mapigilang sapakin siya sa dibdib. "You're being unfair to me..." nanginginig ang aking boses nang sabihin iyon.
His eyes softened as he slowly caressed my face, wiping my tears at the same time. He then kissed me on the forehead and let me my face buried on his chiseled chest. It's been awhile being this close with him. I don't exactly know what happened between us. When it did started. Basta nalang ay naging ganoon ang trato niya sa akin.
"I'm sorry," he once again said. Wiping all the worries and pain in my heart.
____