Chapter 22.1

2213 Words
"So what are you planning to do now?" I heard him said. I stayed looking at the nowhere. Tulala ako at hindi makagalaw. I couldn't believe it. I am carrying Icarus' child. Pero hindi iyon ang mas bumabagabag sa akin. I thought about the possibilities of being a teenage mom. Ang kahihiyaan na matatanggap ko. Ang mga matang manghuhusga sa'kin. Ang mga disgustong mga salita na maririnig ko. I thought about that all. "I'm gonna abort this." I said apathetically. Napasinghap siya sa narinig. "A-are you sure about that? Hindi ba pwedeng pag isipan mo na muna ng maigi ang desisyon mo? Once na gawin mo 'yan, wala ng balikan, Sunny. Sana alam mo 'yan," Umiling lamang ako. "How about the father? Alam na ba niya? Pwedeng niyong pag usapan na muna ang tungkol sa bata." he added. Napakurap ako at nayuko. "Right..." I murmured. "I'm gonna talk to him..." He sighed na para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. "Pag isipan mo na muna, okay? I don't want to meddle with your life but I suggest you not to do it. Hindi natin alam ang posibleng mangyari sa'yo," "I don't want this, Sinon... I-I dont." pumiyok ang aking boses. He only sighed and held my hand. "Whatever your decision will be, nandito lang ako, okay?" Tumango ako at umiwas ng tingin. "Won't you judge me...?" I whispered. His brows knitted. "Why would I?" Nanikip ang dibdib ko. "Because I got... pregnant," bulong ko ulit. Nagbuntong hininga siya at tumabi sa akin ng upo. Narito pa rin kami sa loob ng clinic. Matapos ko kasing umiyak kanina ay nawalan ulit ako ng malay. He held my hand and caressed it. "D-disgrasyada ako..." Napaiyak ako. "I'm disappointed, Sunny..." aniya, at parang may pumisil sa puso ko dahil doon. "but that doesn't give a right to judge you. I'm disappointed but I'm not that shallow to say ill towards you. You are like a younger sister I never had. " Mas lalo akong napaiyak. "Hey, stop crying. Stop stressing yourself. Makakasama iyan sa bata," He caressed my head and patted it gently. "What's the use? Ipapalaglag ko rin n-naman ito." I sobbed. Nanikip ang dibdib ko. "Ang bata ko pa..." "Pag isipan mo nang maigi ito, okay? Buhay ang pinag uusapan natin dito, Sunshine. Buhay ng inosenteng bata. Buhay ng magiging anak mo," Umiling ako. Sarado na ang aking isip. ** ** ** "Suns, kumusta ang pakiramdam mo ngayon? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" My friends went into the clinic when the afternoon came. Nandito silang lahat maliban nalang kay Dori. I felt my heart tightened. Why wasn't she here? I looked at them one by one and the only thing I could feel is shame. Nakakahiya ako. Nabuntis ako nang maaga. Among all, I could say I am the least one to get pregnant. Wala akong naging boyfriend matapos ng tatlong taon namin ni Eleazar. After our break up, hindi na ako sumubok pang muli... tapos ganito ang mangyayari sa akin? I was the top of our class. Ako ang pinakatitingala ng karamihan dahil sa mga recognition na natanggap ko... pero tingnan mo ang nangyari sa akin? Nabuntis. And worse, sa taong hindi ko pa boyfriend man lang. Umiwas ako ng tingin sa kanila. "I'm fine, guys. Pwede na kayong umuwi. Aalis naman na rin ako rito maya-maya. Dad will fetch me up and Quinn," Ryela worriedly cupped my face and made me look at her. "W-We were searching whoever posted it that photo there, hmm? Don't worry, sooner or later, we would find the culprit." "And once we caught her, she's dead." mariing saad ni Ashley at naiiling na umikot ang mga mata. "The audacity..." she murmured and tsked. Somehow, I felt happy. Malaki ang pasasalamat ko at may mga kaibigan ako. Napangiti ako nang maliit. Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting naglaho nang maalala ang sitwasyon. Sigurado akong mag-iiba ang trato nila sa akin once they found out about this bullshit pregnancy. I looked down on my lap and pinched my hand tight. No. I would not let that happen. My decision is firm...ayaw kong maging batang ina. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang mga kaibigan ko at umalis. Hindi na ako nag-angat sa kanila ng tingin dahil sa labis na kahihiyaan. Nang makalabas ako ng clinic, hinatid ako sa bahay ni Sinon gamit ang sasakyan niya. I asked him one more time about what I've seen earlier but he only answered, "Ako ang yumakap sa'yo kanina, Sunshine. Ako iyon at hindi si Preece. Matagal na siyang wala. He's dead. He's dead already." that was the exact word he uttered earlier. Hindi na ako nakipag-argumento pa at tumango nalang. I might be hallucinating earlier. Bumuo ang utak ko nang isang imahinasyon. Siguro namamalikmata lang ako. Yeah, right. Tama si Sinon. Wala na si Preece. Pumasok na lamang ako ng bahay at dumerito sa kwarto. As usual, hindi pumunta si Helios sa school kahit na tinawagan ito ng dean namin regarding sa nangyari sa akik. Hindi ko alam kung anong maramadaman, relief ba dahil hindi niya malalaman ang tungkol sa dinadala ko o sakit dahil wala naman siyang pakialam sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa aking impis na tiyan. Humapdi bigla ang aking dibdib. Parang pinipiga ito. Natatakot ako... I gulped hard and sighed. Naikuyom ko ang aking kamao at napasubsob sa unan. Napaiyak na naman ako. Ayoko nito. Ayoko sa bagay na ito. You're f****d up, Sunshine. Ano ba itong pinasok mo? I needed to talk to Icarus. He needed to know. After all, siya naman ang ama ng batang 'to. Right, tatawagan ko siya ngayon. He has the rights to know. Kailangan ko ng suporta niya para rito. Hindi lang naman ako ang gumawa nito eh. Kasama ko siya. Hindi mabubuo 'to kung walang siya. And... and this is our child. Naguguluhan pa rin ako sa dapat na gawin. Ayaw ko sa sitwasyon na ito ngunit bakit nahihirapan akong piliin kung ano ang tama at dapat na gawin? I want to get rid off the baby but I'm scared. So scared... Makailang ring ay sinagot niya ang face time na request ko. Namumugto ang aking mga mata at namumula ang buong mukha ko sa kakaiyak. [Hey...] he said and smiled weakly. I could sense him feeling off. May itim sa ilalim ng kaniyang mga mata na para bang wala siyang naging maayos na tulog nitong mga nakaraang araw. Magulo ang kaniyang itim na buhok at namumutla ang kaniyang labi. "H-Hi..." I smiled a bit. "May ginagawa ka ba ngayon?" [Wala naman akong ginagawa. Bakit?] Mahina ang kaniyang boses at para siyang pagod na pagod. Kita ko sa screen ang bahagyang pagtaas baba ng kaniyang dibdib na animo'y hinahabol ang sariling hininga. Pagkuwan ay kumunot ang kaniyang noo. [Bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?] Tumango ako at naiyak ulit. Namungay ang kaniyang mga mata. [What did he do this time?] he asked, jaw clenching. He was referring of my dad. I immediately shook my head. "This isn't about dad. Uhm, a-are you busy today? I wanna talk to you. May sasabihin ako sa'yo..." kinakabahan kong sabi. Ngumiti siya sa akin ng maliit at marahang tumango. [Come to my place, I'll cook something to eat.] "S-sige..." Alas siete sakto ng gabi, nakarating ako sa condo niya. I knocked on his door. Kinakabahan man ay kailangan ko itong gawin. We both did this. We must responsible for this. Hindi lang ako mag isa ang bumuo sa batang ito. I prepared a smile to greet him when the door opened but my smile abruptly fell when he wasn't the one I got to face to face. Mukhang kagaya ko ay nabigla rin siya sa nakita. Both of our eyes widened and our lips parted. "G-Grettle..." I murmured. Thousands of needles was piercing into my chest. Bakit siya nandito sa condo ni Icarus? Bigla namang sumulpot si Icarus sa likuran nito. "Hi." he smiled weakly. "Come on in." But I couldn't move an inch. Natulos ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan. What was Grettle doing here? Bakit siya nandito? Nagtiim bagang ako. "Sunshine, anong ginagawa mo dito?" I heard her sweet and soft voice. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Gusto ko rin siyang tanoningin pabalik ngunit umatras ata ang dila ko. I averted her eyes. "I've invited her. May pag uusapan kami saglit." Icarus answered, probably sensing I wasn't in the mood to answer her question. "Ah... okay." Nagkibit balikat si Grettle at ngumiti nang matamis. "Sige na, aalis na ako. Good bye, babe." She then, kissed his cheek. Napayuko ako. "Bye." Nang makaalis na si Grettle ay tsaka lamang ako nag angat ng tingin. "Pasok ka," binuksan niya ang pinto para sa akin. I went in. "Kumain ka na ba?" he asked while staring at me. "No..." "Tara, kain na muna tayo." "Icarus..." pinigilan ko siya sa braso. "Hmm?" masuyo niyang tanong. Hinigpitan ko ang kapit sa kaniya. Pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba na ako dahil sa pangangatong ng mga tuhod. "I have s-something to tell you," I said and gulped hard. Nagkasalubong ang kaniyang kilay. Hinila ko siya sa sala at magkatabi kaming umupo sa mahabang sofa. "What is it?" I bit my bottom lip and clasped my hands together. Tuwid akong nakaupo sa tabi niya. My heart was violently beating. "Icarus..." usal ko at nangilid ang luha. Hindi ko alam kung magsisimula. Kinakabahan ako at natatakot. Hindi ko alam ang gagawin. "Why? What's wrong?" he worriedly asked. "Icarus... I-I don't know how to s-say this," Tumulo ang luha ko. Nanginig ang aking labi kaya kinagat kong muli iyon at pinisil nang mariin ang aking kamay. "Tell me, baby. Why? What's the matter? May problema ba, hmm? Tell me..." he said, almost begging. "Ica..." napahikbi ako. How can I say this? Miski ako ay nahihirapan din sa aking sitwasyon ngayon. I'm pregnant with his child. "You know, you are giving me an anxiety, My Light. Come on, sabihin mo bakit ka umiiyak. I don't like seeing you cry, baby." he wiped my tears. "It pains me..." Iniwas ko ang aking mukha sa kaniyang hawak at umatras kaunti upang malagyan ng distansya ang aming mga katawan. Hold a grip, Sunshine. You have to tell him. Siya ang ama ng dinadala ko. I am bearing his child. Magkakaanak na kami... "Icarus," hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at marahan itong pinisil. "B-buntis ako," A long pause of silence deafened us. Pumutla ang buong mukha niya at umawang ang labi. His body stiffened as his hazel brown eyes widened. Shock was written all over his face. Mas lalo akong napaiyak at napahikbi. What now? We were both young for this. Mas lalo ako. Paniguradong itatakwil ako ni daddy. But...this is also my child. My own flesh and blood. Natatakot akong gawin iyon sa sariling kong anak. Natatakot akong ipalaglag siya. Tama si Sinon. This is a life. Buhay ang pinaplano kong patayin. Hindi ko man aminin pero naramdaman ko ang koneksyon ko at ng sanggol sa sinapupunan ko. The bond between me and the baby seems so strong than the decision of me getting rid of it. "S-Sigurado ka ba?" he asked, stammering. Mabilis akong tumango. "I tried using pregnancy test earlier sa clinic ng school. T-tatlo ang sinubukan ko. All of it has t-two lines... means, it's p-positive." Napabuga siya ng malalim na hininga at napahilamos ng kaniyang mukha. He then, frustratedly covered his face through his palms. "What should we do?" he asked. "I... I don't k-know," I answered honestly. "Pareho pa tayong n-nag-aaral." Tinakpan ko ang mukha gamit ang mga palad at doon umiyak. "Icarus, magkaka-baby na t-tayo... natatakot ako..." Hindi siya nakasagot. "P-Papanagutan mo n-naman siguro ako, 'di ba?" hinarap ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay. "I-Itatakwil ako ni daddy, Icarus... pagtatawanan ako 'pag wala akong maiharap na ama ng dinadala ko. Sasabihan nila ako ng disgrasyada..." my voice broke. "Bata pa ako... hindi ko kaya mag-isa 'to. Natatakot ako, Icarus." He suddenly pulled his hand back. "Sunshine..." he breath out. "I— you know, I-I... W-we're not yet ready for this, r-right? Hindi natin ito inaasahan. W-we were both young for this. I... I don't know. Hindi pa ako handa r-rito. I... f**k! I... am not into this. I'm sorry." Napatigagal ako sa kaniyang sinabi. Parang may bumara sa aking lalamunan at sumikip ang aking dibdib. Bigla siyang tumayo kaya napatingala ako sa kaniya. Ginulo niya ang kaniyang buhok at napapikit nang mariin. "Kailangan mo ng umalis. Please, Sunshine, I don't wanna talk about that right now. Please, umalis ka na." "I-Icarus..." napahagohol ako. Hinawakan niya ako sa braso at pinatayo ako. I couldn't find my own strength to protest when he dragged me towards the exit. Humahapdi ang puso ko. "Leave now, Sunshine. I don't wanna see you anymore." He dragged me out of his unit with my heart breaking into a million of pieces. I couldn't believe it... I badly needed his presence right now. Takot na takot ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin. Kailangan ko siya ngayon. Ngayon na may pinagdadaanan ako. And I'm also carrying his child. Our child. He said he'll always be there for me...so where is he now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD