CHAPTER 1: Ang Baryong Maligaya
Disclaimer!
Ang mga tauhan, lugar, at kaganapan na inyong mababasa sa kwentong ito ay tanging imahinasyon lamang ng author.
Asahan ninyo na may mga mali sa pagkakasulat tulad na lang ng maling spelling, maling grammar at maling paggamit ng mga bantas. Sa kadahilanan ay hindi ako professional na manunulat at alam ko na marami pa akong dapat matutunan bilang manunulat na baguhan.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
Sa isang Isla ay may isang baryo na tinatawag na baryong Maligaya. Isang lalake ang isa sa naninirahaan sa baryong ito, London ang kaniyang ngalan.
London's POV
Sa munting bahay namin ay abala ako sa pagkukumpini ng mga sirang gamit. Sa katagalan na rin kasi kaya kailangan ko ayusin tulad na lang ng malaking kabinet.
"Sweetie, kulang pa pako.. kailangan ko pa siguro tatlong pako. Pakuha na lang ako, Sweetie." Ang panghingi ko ng pako sa aking asawa.
Agad naman niya naabot sa akin ang pako na aking kinakailangan.
"Ito na, Sweetie. Sigurado ba na hindi na masisira niyan? Lumang-luma na kabinet natin, bumili na lang kaya tayo ng bago, sweetie ko."
"Hindi na kailangan. Okay na tapos na, matibay na kaya hindi na kailangan bumili pa, sweetie."
kahit ilang beses na nasisira at ilang beses ko na rin ina-ayos ang kabinet naming mag-asawa basta nagagawan ng paraan. Bakit kailangan pa bumili ng bago kung kaya pa naman ayusin.
Ang aking anak na lalake ay lumabas mula sa C.R namin dahil kakatapos lang niya maligo. Dahil abala ako sa pag-aayos ng mga sirang gamit sa bahay ay may pinaalala siya sa akin.
"Tatay, hindi ka po ba aalis? Ten a.m na.." wika nito sa akin at biglang sumagip sa isip ko na may pupuntahan pala ako.
"Oo nga pala, kailangan kong um-attend sa meeting sa Barangay. Sweetie, mamaya ko na tatapusin ito at malapit naman matapos."
Inayos ko muna ang mga materyales na aking ginamit sa pag-aayos. Pagkatapos, naghugas ako ng aking mga kamay at nagpunas ng pawis sa aking mukha. Hindi na ako nagsuklay ng buhok dahil wala naman akong buhok. Kalbo kasi ako kaya hindi na kailangan. Kahit kalbo ako, gwapo naman ako kaya bagay sa akin kahit walang buhok. HAHAHA!
Pagkarating ko sa lugar kung saan kami magpupulong ay marami na palang mga tao rito. Nahuli ako dahil nagsisimula na pala sila.
"Pare, bakit ngayon ka lang? Kanina pa nagsimula, Sabi ni Kapitana Ellen dapat daw natin paghandaan ang piyesta natin dito. May ambagan na magaganap kada pamilya." Sabi sa akin ng kumpare ko na si Krisanto.
Tugon ko sa kaniya "Magkano raw ambagan? Naging busy ako sa bahay."
Habang nag-uusap kami ni Krisanto, nakikita ko na nagsisi-alisan na ang mga tao dahil tapos na pala ang pagpupulong.
"Tatlong daan ang ambagan natin sa sunod na linggo ang bigayan."
Dahil nahuli na nga ako sa pagpupulong ay nakauwi na ako sa bahay namin. Agad kong sinabi sa aking asawa na may gaganaping piyesta at kailangang magbigay ng tatlong daan kay Kapitana.
"Sige, hati tayo sa ambag. Tig-kalahati tayo, One hundred fifty pesos tayo."
Hindi nga kami nag dalawang isip ng aking asawa dahil last year ay nag-ambagan na rin kami para sa piyesta at si Kapitana ang naghawak sa pera. Nagbibigay naman siya sa aming lahat ng resibo kaya walang kupit na nagaganap. Masasabi ko kay Kapitana ay mapagkakatiwalaan siya sa mga ganitong bagay.
Dumating na ang araw ng aming ambagan, nagpunta kami ng aking asawa sa barangay kay Kapitana Ellen mismo namin inaabot ang pera.
"Walang um-attend sa pamilya ninyo London nang huling linggo sa meeting natin. Mabuti nagpunta kayo at alam niyo na may ambagan ang barangay natin para sa masaganang kapistahan ngayong linggo rin." saad sa amin ni Kapitana
"Hindi ka ba um-attend, London? Nagpunta po siya Kapitana ang alam ko." Sambit ng aking asawa
Hindi ko pala nabanggit sa aking sweetie na hindi ako nakaabot sa meeting.
Sinabi ko na lang sa kanila "Nagpunta ako, sweetie. Kapitana, nakapunta ako kaso nahuli na ako. Nagsisiuwian na ang mga tao no'n. Pasensya na Kapitana naging busy lang kasi ako noong huling linggo."
"Ganoon ba.. ang mahalaga alam niyo na may ambagan. Sige, magpirma na isa sa inyo dito sa papel."
Ang aking asawa na ang nagpirma sa apellido namin at pagkatapos umuwi na rin kami sa bahay. Mabilis lang ang araw kaya dumating na ang araw na aming pinakahihintay na pagdiriwang ng kapistahan sa aming baryo.
Nagising na lang ako na may naririnig akong ingay mula sa labas. Isang anunsyo pala mula kay Kapitana.
"Magandang-umaga po! Announcement sa lahat mula kay Kapitana Ellen na mamayang hapon alas tres ang umpisa ng pagdiriwang ng masaganang kapistahan sa ating baryo. Pinaalalahanan rin ang lahat na huwag iwan na bukas ang inyong mga bahay bago magtungo sa plaza para sa ating pagdiriwang mamaya." Isang lalake na aming barangay tanod na naka megaphone.
Alas tres nang hapon, nagpunta na kami ng aking pamilya sa plaza. Marami na rin pa lang tao na naririto. May mga upuan sa gilid at sa bakanteng upuan kami umupo. May tatlong mahabang lamesa sa gitna kung saan naroon ang mga pagkain na nakalagay sa dahon ng saging. Tinakpan muna nila ito ng plastic dahil hindi pa naman kainan.
Dumating na si Kapitana Ellen, siya ay nagsalita na sa mike at kami ay binati lahat
"Magandang hapon po sa inyong lahat, naririto tayo upang ipagdiriwang ngayon ang kapistahan ng ating baryo. Salamat sa mga kooperasyon sa pag-ambag ninyo para sa ating pagsasaluhing pagkain mamaya. Binabati ko po kayo ng Happy Fiesta mga ka-baryo, ang baryong Maligaya!"
Binigyan namin ng malakas na palakpak si Kapitana Ellen sa kaniyang magandang pagbungad na pagbati sa amin.
"Maraming salamat po, Kapitana! Umpisahan na natin ang pagdiriwang, may special number na nagrepresenta ngayon. Tawagin na natin sila upang sumayaw ng traditional na sayaw for our fiesta. Ang grupong 'Ligaya dance'! "
Nagpalakpakan ang lahat bago mag-umpisa ang kanilang pagsayaw. Makukulay ang kanilang kasuotan at sabay-sabay ang kanilang pag-sayaw.
"Maraming salamat, Ligaya dance group sa inyong magandang pagsayaw. Ngayon naman ay may inihandang palaro ang ating butihing kapitana. Sa mga nais sumali ay pumila lang po rito sa unahan." masiglang sabi ni Lyn na aming
Host ngayon.
Hindi na kami sumali ng aking asawa at ang
aking anak na lalaki ay hinayaan naming sumali dahil gusto niya sumali sa laro.
Tuwang-tuwa naman ang lahat sa panonod sa mga naglalaro kahit kaming mag-asawa ay nag-eenjoy.
Habang abala at nagkakasiyahan ang lahat may nakapansin na isa sa amin na may malaking usok na nasisilayan sa itaas.
"Apoy! Sunog!" tinapik naman siya ng katabi niya at alam ko na asawa niyang babae yun.
"Huwag ka ganiyan, Deo. Hindi magandang biro."
Tinuro niya ang apoy na kaniyang tinutukoy at napasigaw agad ang kaniyang asawa "May sunog!"
Agad napatigil ang lahat at napatingin sa itaas na lumalaki na ang usok at lumalakas ang apoy. Agad kaming nagsitigil sa kasiyahan at umalis sa aming kinaroroonan. Ang iilan ay nagkuha ng mga timba, galon at tabo para kumuha ng tubig sa dagat.
Buti na lang ay nasa Isla kami at may pagkakakuhanan agad ng tubig. Hindi rin nagtagal ay naapula na ang apoy. Dalawang bahay lang naman ang nadali. Buti na lang hindi nadamay lahat.
Kinabukasan...
"Dahil sa nangyare na sunog ay hindi na natin natapos ang ating pagdiriwang na kapistahan kahapon. Huwag kayo mag-alala mga ka-baryo. Ang pamilyang Gustondo at Bastalano na nasunugan ng bahay ay nananatili ngayon sa ating barangay. Pansamantala muna sila roon habang ipapagawa ko pa ang kanilang bahay para maayos at makabalik muli sa kanilang tirahan." ang pagbalita ng aming Kapitana sa amin.
Ang mga pagkain pala namin kahapon na pagsasaluhan sana namin ay pinaghati-hati na kahapon sa bawat pamilya. Pantay-pantay ang pagkahati dahil naroon ako noon sa plaza nang hinahati ang mga pagkain.
Tatlong linggo ang makalipas matapos ang kaganapan. Nagawa na ang dalawang bahay na nasunog. Hindi naman buong bahay nila nasunog kaya mabilis lang natapos. Doon na muli naninirahan ang dalawang pamilya.
"Ayos na ang bahay nila at pinapinturahan pa ni Kap. Ang bait talaga ni Kapitana Ellen. Mukang bago na ang bahay nila." sabi ni Krisanto na aking topa.
Nakatambay kasi kami sa labas at natatanaw ang magandang Isla at masarap na hangin na nalalanghap namin.
"Buti nga hindi nasunog ng buo bahay nila at hindi naman bago. Pinunturahan lang kaya mukang bago." Tugon ko sa kaniya
"Swerte nila noh.. dapat sa bahay na lang natin nasunog ng ganiyan para mukang bago ang bahay natin."
Nabigla ako sa sinabi ng kumpare ko at ang sagot ko na lang sa kaniya.
"Hindi niyon swerte, pasalamat na lang tayo na hindi ang bahay natin na nasunog, Pare. Saka hindi pa nalalaman kung anong dahilan ng pagkasunog sa mga bahay nila."
Natigil ang aming pag-uusap dahil dumating si Kapitana kasama ang tatlong barangay tanod.
"Kap. magandang hapon! Ano po sadya niyo at naikot po kayo?" pagbati ni Krisanto Kay Kapitana.
"Nagbabahagi ako ng ayuda sa lahat ng pamilyang nasasakupan ko. Ito, meron ako sa inyo." inabot sa amin ng tanod ang ayuda na sinasabi ni Kap.
Nagpasalamat naman kami kay Kapitana sa biglaang pa-ayuda niya. Tiningnan ko ang bigay ni Kapitana na ayuda na nasa plastic may bigas, delata, noodles, kape, tinapay at palaman.
"Sige, aalis na ako at mamamahagi pa ako sa iba."
Kahit na nasa malayo na sa amin si Kap ay namamasdan ko na nagbabahay siya para magbigay ng mga ayuda. Napakabait talaga ni Kapitana at tunay na maasahan siya sa aming baryo. Hindi kami nagkamali na piliin siya para mamuno sa baryong ito.
(Part 1/3: Ang baryong Maligaya)