bc

My Bossy Adopted Brother - Elizares Clan 2nd Gen

book_age18+
11.1K
FOLLOW
59.7K
READ
arrogant
dominant
independent
sweet
bxg
serious
enimies to lovers
sassy
virgin
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Tahimik at diktador, iyan si Hanzxander Elizares.

He was tagged by his adopted sister, Rain as bossy and acting principal. Parati siyang masakit magsalita rito lalo pa kapag tungkol sa mga magulang nito, na mamatay tao ang ama at GRO ang ina.

Paano ba magmahal ang isang katulad niya sa isang adopted sister na may katigasan ang ulo at palaban, matigas ang paninindigan at hindi patitinag sa kagaya niyang masungit at tahimik?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue “Hi, miss. Ready for some fun?” Nakabungisngis ang lalaking ito nang malingunan ni Rain, habang nasa may counter siya ng paborito niyang bar. She’s tipsy but she could still recognize this man’s face. She doesn’t know this man. He is merely a stranger. “Get lost,” mataray na sagot niya sa lalaki na ngumisi lalo at dinilaan ang labi, habang nakatitig sa mukha niya. Sa kabilang sulok ng mga mata niya ay nakakakita siya ng mga gumagalaw na mga tao kaya lumingon siya sa direksyon na iyon at naaninag niya ang isang babaeng parang pilit na hinihila ng mga lalaki. Pinakamasdan niya nang husto ang mga iyon hanggang ang isang lalaki ay sumenyas sa may gawi niya. Parang may tinatawag iyon na kung sino. “Alright!” bulalas ng lalaki sa tabi niya sabay layas nito kahit na parang lasing na hindi niya mawari. Rain was alarmed despite her drunkenness. Lalo niyang nilakihan ang mga mata pero pasimple siyang yumuko sa counter, na animo ay lasing na lasing na at walang nakikita. She saw commotion. The group of men are trying to drag the woman out of the bar. Parang paunti unting nawawala ang kalasingan niya dahil sa nakikita. Lasing ang babaeng kinakaladkad ng mga lalaki papaalis. Ganoon ang sitwasyon na nakikita niya hanggang sa tuluyan nang mailabas ng mga iyon ang babae sa isang exit. Nag-aagaw ang katinuan ni Rain at ang alak sa sistema niya. Hindi niya alam kung tatayo ba siya para sundan ang mga iyon o babalewalain na lamang niya, kahit na pakiramdam niya ay may mali sa kanyang nakita. Tulala si Rain matapos niyang makapag testigo sa korte. Kasama niya ang kanyang ama-amahan at ganoon na lang ang titig niya sa nilabasan na pintuan, habang nasa loob na siya ng kotse. “Everything will be okay, sweetie,” ani Santi sa kanya kaya naman nalipat dito ang atensyon niya. She smiled somehow and nodded at her adopted father. “Your mom and I decided to do what we think is good for you.” “Anything for me, Daddy. I trust you and mommy.” Alam niya na kung anong mga plano ng mag-asawa sa kanya ay iyon ang makabubuti. Hindi siya ipapahamak ng mga kinikilala niyang mga magulang dahil abot langit ang pagmamahal ng mga ito sa kanya kahit na ampon lang siya at hindi naman nga legal na isang Elizares, kahit sa papel man. Matigas ang ulo, iyon ang paulit-ulit na sumisirit sa isip ni Hanzxander sa mga sandaling iyon matapos siyang makatanggap ng tawag na darating si Rain Cassandra sa hacienda dahil sa isang sitwasyon na hindi inasahan. Sinasabi na nga ba niya at walang magandang maidudulot ang pagbabar ng babaeng iyon. She’s quite stubborn and quite rebellious in his eyes. That’s how he looks at her. And he’s never wrong about his thoughts. Ang nakakainis sa mga magulang niya ay hinayaan si Rain na tumayo sa sariling mga paa kahit na madalas hindi kaya. Her strong personality irritates him. Masyadong malaki ang tiwala ng mga magulang niya sa ampon nila, and look what happened. Pati na siya ay pihadong sasakit ang ulo sa pag-uwi nun sa hacienda.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook