" Relax, Maria." Nakangiti na sabi ni Thiago, hinaplos ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa labi. Kinabukasan na sila pumunta sa Villa Soler. Dahil hapon na sila nakabalik sa kanilang condo. Nilingon niya si Tami na ngayon ay abala sa laruan na angkop sa edad nito. Pagbalik nila sa condo mayroon na naka set up na kwarto para kay, Tami. Napakadami din na laruan. Nagawa ni Thiago iyon na tanging pagmamando lang ang ginawa sa pamamagitan ng telepono. " I'm scared for you, Thiago." Hinaplos din niya ang gwapo nitong mukha. " Don't be. Basta kasama ko kayo. Okay na okay ako." Sabi nito at mabilis pa siyang kinintalan ng halik sa labi bago lumabas ng sasakyan. Ganun din ang ginawa niya. Si Thiago ang gumawi sa pwesto ni Tami at kumuha dito. " Say, Papa." Napangiti na naman siya, dah

