" Stop crying, Ate. Masisira ang make-up mo." Sansala sa kanya ni Marinel na kanyang maid of honor. Lumabas ang angkin nitong ganda sa makeup. " Hindi ako makapaniwala, Marinel. Ikakasal na kaming totoo ni Thiago. Parang nanaginip ako." Hindi niya inaasahan ng kurutin siya nito sa braso. " Aray!" Daing niya at tiningnan ito ng masama. " See? Hindi ka nanaginip. Kaya mag focus ka. Baka madapa ka sa haba ng lalakarin mo carpeted pa naman." Paalala nito sa kanya, kaya agad niyang hinamig ang sarili. Hindi niya akalain na ang ilang saksi nila sa kasal noong una ay bawiin ngayon ni Thiago. Napakarami ng imbitado, mula sa kilala na angkan at mga pulitiko. Hanggang empleyado ng airlines at maging sa hacienda. Mabuti na lang at hindi pa siya nabubuntis. Dahil tumagal din ng dalawang buwan

