"Grabe,hindi halatang excited." Hindi mapigilan ni Rabel na asarin siya ng makita ang kaniyang maleta na naka handa na.Mga pasalubong niya kasi iyon sa kanyang anak at pamilya. "Next week pa ang bakasyon mo. Baka mamay mag unpack na naman dahil may ilalagay ka pa." Natatawa nitong sabi dahil,nakailan beses na din niyang ginawa sa kanyang bagahe para mapag kasya ang mga pinamili na pasalubong. "Hayaan mo na ako, para feel na feel ko na uuwi ako." Sabi niya at isinara na ang kanyang maleta at hinila sa gilid nang pinto. Hinawakan nito ang picture frame ng kanyang anak. "Ang bilis ng panahon, mag isang taon na siya ngayon." Sabi nito na tinitigan ang mukha ng kanyang anak na parang pinag aaralan kung sino ang kamukha. "Kamukha talaga niya si Kapitan Thiago, kahit ang kulay ng kanyang

