" Okay ka lang ba, Ella?" Nag aalala na tanong ni Bianca sa kanya. Umiling lang siya habang nakatunghay sa society page nang bulletin na binabasa. Agad nitong kinuha ang diyaryo at tinupi iyon. Saka siya niyakap nito at masuyong inalo. Pero sa halip na kumalma lalo siyang humagulhol nang iyak. " Mahal ka ni Thiago, kung gugustuhin mo pwede mo siyang puntahan. Ikaw ang pipiliin niya." Sabi nito na marahil awang awa sa kanya dahil sa ilang araw niyang walang ginawa kundi umiyak at mag mukmok. Lalo na at nakita niya ngayon sa society page ang larawan nang dalawa na mukhang nag date. Wala kang mababasa na hindi maganda para sa dalawa. Bukod sa nag tataglay nang magagandang mukha pareho pang nasa Alta Sociedad. Wala talaga siyang lugar sa mundo at buhay ni Thiago. Isa lang itong magandang

