" What do you think you're doing, Maria?" Tanong nito sa kanya, kita niya na mukhang nasa isa itong paliparan. Ayon na din sa ingay nang lugar at naka uniporme ito. " Thiago? Ikaw ba talaga si Thiago?" Tanong niya na hindi makapaniwala. Bakit nakikipag usap ito sa kaniya? " Pasalamat ka, I'm miles away from you. Kung hindi binuhat na kita at iniuwi." " Hey, Kapitan Thiago. Anong pakialam mo naman? Tatay ba kita? Hindi nga tayo friend." Sabi niya dito at narinig niya ang pagtawa ni Finn. " Yeah, ayaw mong makipag friend sa akin dahil sabi mo ayaw mo nang distraction. Ayaw mong may sagabal sa iyo. Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" Ulit nito na halata ang inis sa tinig. "Oi, grabe siya. Minsan lang ito." Sabi niya at bahagya silang napalabi. Naiinis din siya sa pangingialam nito.

