" Gosh, nagkamali yata tayo na pumunta dito Bianca." Sabi niya kay Bianca nang pumasok sila sa bar ni Finn. Halos malula sila sa invited ni Finn sa opening nito. Mga kilala ang nasa bar mayroon pang mga sikat na artista. Mula sa damit accessories at pouch na bitbit nang mga ito ay buwan na niyang allowance. " Nandito na tayo, Ella." Humawak sa kanyang braso si Bianca at naglakad na sa bar counter. " Did you even know what to order?" Tanong niya dito na tumabi dito na maupo sa stool sa harap nang bar counter. " Nag review ako bago pumunta dito." Nakangiti nitong sabi. " Bright ka talaga." Sabi niya dito. Pero hindi na kailangan nila pang pag isipan kung ano ang o orderin dahil lumapit na sa kanila si Finn. " Hello, ladies. I'm glad you guys did not change your mind?" Nakangiti na

