Chapter 6

1068 Words
Hindi na nga niya nakita si Thiago kinabukasan hanggang maging huling araw na nang pag harvest nang mga ubas. " Hindi na ba magbabago ang isip mo, Ella?" Tanong nang kanyang ina, habang inaayos nila ang crate nang ubas. " Opo inay, gusto ko pong maka tapos nang pag aaral." " Kunting tiis lang naman at pag naka tapos si Manuel ikaw naman ang paaralin niya." Sagot nang kanyang ina, pero ayaw niyang umaasa baka ma disappoint lang siya. At malaking obligasyon iyon sa kanyang kapatid. " Mabuti na po iyon na magsimula na akong mag trabaho nang maka ipon ako." " Bakit sa Baguio pa? Pwede naman sa bayan lang?" Singit nang kanyang ama sa kanilang usapan. " Mas madami po doon mahahanap na trabaho, Tay. Mas malaki ang chance ko makapag trabaho agad." Sagot niya dito, alam niya nag alala lang ang mga ito sa kanya. " Mag iingat ka doon anak ha?" Malungkot na sabi nang kanyang ina. " Opo, hindi ko pababayaan ang sarili ko." Pag bibigay assurance niya sa mga magulang. " Nay, punta muna ako sa lawa. Ma mimiss ko po kasi ang lawa." Paalam niya sa ina. Dahil ang totoo gustong gusto niya ang cabin house na nasa tabi nang lawa. Lagi siyang pumapasyal doon kapag wala ang mga Soler. Alam niya na madalas doon si Finn, kasama ang mga barkada nito. " Wag kang magtatagal, Ella." Sigaw nang kanyang ina nang mabilis siyang tumakbo papunta sa lawa. Malayo layo din kasi iyon mula sa taniman nang ubas. " Hmm, ang sarap nang hangin." Dumipa siya habang nakaharap sa lawa. Ipinikit pa niya ang mga mata upang damhin ang payapang lugar. " Kailan kaya ako magkakabahay sa ganitong lugar?" Tanong niya sa sarili habang nakapikit. Nagmulat siya nang mata at malungkot na iginala ang mga mata sa paligid. "Nangangarap ka nang gising, Maristella Ria." Kastigo niya sa sarili. Naupo siya sa gilid nang lawa, palipasin lang niya ang ilang saglit at maglalangoy siya. Mataman lang siyang nakapanood sa malawak at tahimik na lawa nang makarinig siya nang malakas na ingay na parang may nahulog sa tubig. Tiningnan niya kung saan nanggaling ang ingay at nanlaki ang mga mata niya nang may makita na kakampay kampay na babae sa lawa. Hindi siya nagdalawang isip na lumusong sa lawa at sinagip ang babae. Hinila niya ito sa pampang, at nagsimula na itong umiyak.Kasunod nood ang sunod sunod nitong pag ubo. Agad niya itong dinaluhan. " Ezah! Ezah!" Humahangos na dumating ang mag asawa na Soler. Ang kaniyang amo at mag asawa na si Ysa at Sib Soler. " Jesus! What happened to you ?" Tanong nito sa dalagita na umiiyak at namumutla. " I - I was just trying to get my slippers and I fell in the lake. Muntik na akong malunod Mama!" Umiiyak nitong sabi at kababakasan din nang takot ang mukha nito. " Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa iyo, Ezah." Yumakap ito nang mahigpit sa anak.Pareho naman na inalo ni Senyorito Sib ang mag ina nito. " Thank you." Nilingon siya ni Csezah at nagpasalamat kahit luhaan pa din ito. Tipid niya lang ito nginitian. " Walang anuman." Sabi niya at nahihiya siyang tumingin sa mga mag asawang Soler. Hindi na siya nagtataka kung bakit napaka gwapo ni Thiago. Sobra sa ganda ang ina nito kahit may edad na, ganundin ang ama nito na makisig pa din. " Maraming salamat..." Sabi ng ama nito. " Ella po,ang pangalan ko." Pakilala niya sa mga ito. " Salamat Ella. Malaking utang na loob namin sa iyo ang pagligtas sa nag iisa naming anak na babae." Dugtong nito at inilahad ang mga palad. Nahihiya man at inabot niya iyon. " Walang anuman po." Muli niyang sabi. Maingat naman na itinayo nang ginang si Csezah. " Sumama ka sa amin sa cabin. Doon natin ituloy ang pag uusap." Pagyaya nang asawa nitong lalaki, at wala siyang nagawa kundi, sumunod sa mga ito. Pagdating nila sa cabin house sa porch siya naupo. Pumasok naman ang ginang at nang lumabas may bitbit na itong tuwalya para sa kanila ni Csezah. "Ella, anong tulong ang gusto mo kapalit nang pagligtas mo sa anak ko?" Ang ginang ang nagtanong sa kanya, habang masuyo na hawak hawak sa kamay si Csezah. " Naku, wala po. Wag po kayong mag alala." Pag tanggi niya na umiling iling pa. " Gusto mo nang trabaho maliban dito sa farm?" Ang ama naman ni Csezah ang nagtanong. " Nakakahiya po pero may apply na po ako. Tinatapos lang po namin nina Tatay ang pag ani nang ubas." Tumango tango naman ito. " Anong trabaho naman ang balak mo pasukin?" " Sa mall po sana." Nahihiya niyang sagot, nakakaramdam siya nang hiya. Lalo na sa isipin na pamilya ni Thiago ang kaharap niya. Para lang siyang basahan kumpara sa mga ito. " Ayaw mo mag aral?" Tanong nang ginang at malungkot na napasulyap siya dito. " Kaya po ako magbakasakali mag trabaho, para maka ipon at makabalik ako sa pag aaral. Hindi kasi kami kayang pagsabayin nang mga magulang ko." Nakatungo niyang sabi dahil nahihiya siya nang sobra sa pagiging mahirap. Unang pagkakataon buhat nang magka isip siya. Hindi naman niya inaasahan ang paghawak sa kanyang kamay nang ina ni Csezah. " Please Ella, wag mo na tanggihan. Kung paanong iniligtas mo ang anak ko sa kapahamakan.Gusto namin maligtas ka sa hirap nang buhay. Kami na ang bahala sa pag aaral mo." Agad na tumulo ang kanyang luha sa narinig. " Hindi ko po alam kung ano ang sasabihin. Pero gustong gusto ko pong makapag aral." Sabi niya na parang sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang saya. " That's good! Kami na ang bahala sa pag aaral mo. Ano ba ang gusto mong kurso?" " Second year na po ako nang BS Tourism." " Really? That's good, after your graduation sa Mondragon Airline ka mag tatrabaho." Masaya na sabi nang ginang. " Hindi ko po hahayaan na masayang ang pagkakataon na binigay po ninyo sa akin." May luha pa din sa mga mata na baling niya sa mag asawang Soler. Pero may ngiti na siya sa mga labi. Masaya siyang nagpasalamat at nag paalam na upang sabihin ang magandang balita sa kanyang mga magulang. Para siyang nawawala sa sarili dahil tumatawa siya kahit tigmak nang luha ang mga mata. Masaya siyang may pagkakataon na mabago ang buhay niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD