" I didn't know it can be this fulfilling."
Sabi ni Thiago, hinubad nito ang puting t-shirt at iyon ang ginamit upang punasan ang pawisang katawan.
Napatigil naman ang pagpunas niya nang mukha sa dala niyang face towel at maang na napatitig dito.
" Pasukan nang langaw ang bibig mo, Maria."
Natatawang sabi ni Thiago sa kanya kaya itinikom niya ang bibig at inirapan ito.
" Ngayon ka lang ba nakakita nang hubad na katawan nang lalaki."
Tanong pa nito sa kanya na iniiwas niya ang tingin dito.
" Nakakita na."
Maikli niyang sabi at naglakad na papunta sa malaking kamalig para mananghalian. Nakasunod naman sa kanya si Thiago na wala pa din itong suot na pantaas. Aaminin niya na ngayon lang siya nakakita nang ganito kagandang katawan, bagay na bagay sa gwapo nitong mukha. Meron kayang pangit sa lalaki na ito? Iyon ang naiisip niya habang umaagapay sa kanya ito sa paglalakad.
"Pero sure akong ang katawan ko ang pinakamaganda mong nakita. Kita ko sa mga mata mo."
" Nagkakamali ka! Ang reaksiyon ko na nakita mo ay dahil nagtataka ako kung bakit wala kang pakundangan mag hubad."
Pagtanggi niya dito, nunca na aminin niya dito na ito ang pinaka gwapo at pinaka sexy na lalaki na nakita niya.
" Kasi hindi naman nakakahiya ibandera ang katawan ko."
Sabi pa nito na nag flex nang braso kaya kita ang biceps nito.
Kung karapat dapat lang siya iisipin niya na nagpapasikat ito at nagpapansin sa kanya.Natawa na lang siya sa naisip.
" See your smiling, tama ako! You find me the sexiest men you've ever seen."
Umiling iling na lang siya at binilisan ang paglalakad. Hanggang makarating sila sa dampa. Isa iyong mahabang dulang o hapag na gawa sa kawayan ang bubong naman ay pawid.
" Magandang tanghali po, Senyorito."
Agad na bati nang mga trabahador kay Thiago, ngumiti naman si Thiago at gumanti nang pagbati.
Katulad nito karamihan nang mga lalaki ay hubad baro. Dahil sa alinsangan, at init nang panahon.
" Nakauwi na po si Senyor Sib."
Pagbibigay alam naman nang katiwala sa farm.
" Ganun po ba? Di bale, pwede bang dito na lang ako mananghalian?"
Tanong nito na nakatingin sa mga pagkain sa mesa na nakalatag sa dahon nang saging.
" Syempre po, kasi si Senyor Sib din naman po ang nagdala nang lahat nang ito."
Malugod na sabi nang katiwala.Lumapit si Thiago sa kanya.
"Tabi tayo, Maria."
Sabi sa kanya kaya tinaasan niya ito nang kilay.
" Sigurado nman ka? Hindi uso ang kutsara at tinidor dito."
Napatingin ito sa mga kasama na nagsimula nang maupo sa mahabang dulang.
" Kainan na!"
Masayang sabi nang katiwala nang mga Soler at ganun nga ang nangyari. Parang mga gutom nang isang linggo ang mga tao at maang lang na nakapanood si Thiago.
Natatawa naman siya na nagsimula sumubo matapos mag hugas nang kamay. Nakisabay itong maghugas nang kamay sa kanya pero nasa ere pa din ang kamay nito.
" Kain!"
Sabi niya dito natatawa sa reaksiyon nito.
" O- okay."
Dumampot ito nang inihaw na liempo, at sumubo. Pagkatapos ay kanin. Naiiling na lang siya dahil halata na hindi ito sanay kumain nang nakakamay.
" Ayos ka lang?"
Tanong niya dito, tumango naman ito. Kaya hinayaan niya lang ito.Hindi pa natatagalan at nag tayuan na ang mga kasabay nila sa dulang. Sa laking panggigilalas ni Thiago.
" Are they even chewing the food?"
Mahina nitong sabi sa kanya.
" Malamang! Hindi ka lang boy scout."
Natatawa niyang sabi dito.
" Wag mo akong iwan, you wait for me."
Agad nitong sabi sa kanya nang akma siyang tatayo. Naawa naman siya dito dahil sa harapan na lang nito may pagkain at ang lahat ay ubos na.
" Maiintindihan naman nila. Hindi ka sanay."
Sabi niya dito pero hinawakan siya nito sa braso.
" Stay , Maria."
Sabi nito at hindi binitiwan ang kanyang braso. Kaya wala siyang nagawa kunti manatili na nakaupo sa tabi nito.
" Wag mo nang uulitin ito ha?Aminin mo nahihirapan ka"
" I'll think of alternatives."
Sabi nito at nag pilit na ubusin ang pagkain sa harapan nito. Matapos ang ilang saglit ay naka tapos din ito. Halata ang pasasalamat nito na nakaraos na din sa pananghalian.
" I'm so proud of you Thiago."
Sabi niya at tinapik niya ito sa balikat pagkatapos at tumayo.
" Thank you. Kahit ako proud sa sarili ko."
Masaya nitong sabi at sumunod na naman sa kanya.
" Wala kang balak umuwi?"
Tanong niya dito habang umaagapay na naman sa kanya sa paglalakad.
" Meron, but not today. Bukas ako uuwi. Baka matagal mo na akong hindi makikita."
Huminto siya sa paglalakad at humarap dito. Hindi niya alam pero iba ang dating sa kanya nang sinabi nito.
" Inaasahan ko na iyan, Thiago. Salamat sa araw na ito. Salamat sa pag alok mo na maging kaibigan mo."
Nginitian niya ito, nakatingin lang naman ito sa kanya. Hindi niya alam ang nasa isip nito.
"Seryoso akong makipag kaibigan sa iyo, Maria."
" Salamat, Thiago."
Sensiro niyang sabi dito, dahil isang malaking himala para sa kanya ang ginawa nitong paglapit at pag alok nang pakikipag kaibigan.
" Sana matapos mo ang pag aaral mo. Ako ang gagawa nang rekomendasyon mo para makapag trabaho ka kaagad."
" Seryoso ka nga talaga."
" Basta wag kang mag asawa kaagad hanggat hindi ka nakakatapos."
Bilin nito sa kanya kaya natawa siya.
" Paano kung hindi ako maka tapos? Di hindi ako nakapag asawa?"
" Hindi mo gagawin ang mahirap na bagay na ito kung wala kang pangarap sa buhay."
" Naawa ka ba sa akin?"
Tanong niya dito na sinamahan nang kunot nang noo.
" I can't find the exact words. But Maria, all I want to say is... be strong. Reach for your dreams. At pag naabot mo iyon, isa ako sa magiging masaya para sa iyo."
Tiningnan niya ito sa mga mata at nakita niya ang sinseridad nito. Ang pagiging seryoso at tapat nito sa sinabi.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang
mga labi.
" Akala ko wala ka lang magawa kaya lumapit at mag sayang nang oras dito. Marahil nga gusto mo akong kaibigan. So, friends ?"
Inilahad niya ang mga palad na malapad naman ang ngiti nito na inabot.
" Forever."
Sagot nito na tinawanan niya. Nahawa
naman ito sa kanya, kaya nagkatawanan sila.