Chapter 4

1078 Words
Nagsimula na ang anihan na hinihintay niya. Dahil pagkatapos dito magsimula na siyang mag-apply sa mall sa bayan. At kung papayagan siya sa, Baguio siya mag-apply baka may pagkakataon na maipagpatuloy niya ang pag aaral. Abala siya sa pagpitas nang mga ubas at paglalagay niyon sa crate. Hindi niya alintana ang sikat nang araw. Mayroon lang siyang suot na malaking buri hat. Mayroon na area kung saan nakatoka sa kanya. Malawak ang plantasyon nang ubas dito at aabot nang marahil isang linggo ang pag aani, katulad noon. " Tubig?" Kasunod nang salita nito ang pagsulpot nang bottled water sa kanyang harapan. Nalanghap niya ang mabango nitong amoy.She must be dreaming, pero nilingon pa din niya ito. " Hi!" Bati nito sa kanya na laki niyang pagtataka. Gwapong gwapo ito kahit naka puti lang itong t-shirt na suot at cargo pants at mamahalin na rubber shoes. Nakasuot ito nang itim na sunglasses, habang nakangiti sa kanya. Ilang ulit niya pang kinurap kurap ang mga mata niya dahil baka panaginip lang ang lahat. Kasi napapadalas ang pag pasyal nito sa kanyang pag tulog. " Anong ginagawa mo dito?" Maang niyang tanong dito. " Sa amin ang grape farm na ito. Anong masama na pumasyal?" Ganti nitong tanong. Wala siyang nasabi tiningnan lang niya ito na hindi makapaniwala. " Hindi ka yata makapaniwala." Natatawa nitong sabi at kinuha sa kanya ang cutter at nag simula na mag ani nang mga ubas. " Ang tagal ko na itong ginagawa, hindi ka man lang naliligaw dito. Ngayon lang." Sabi niya at inagaw dito ang cutter. " Akin na iyan, baka masugatan ka." Hindi naman ito nag pilit. " Nagbabago ang interest nang tao." Sabi na lang nito na pinapanood siya sa kanyang ginagawa. " Hindi ang farm ang pamamahalaan mo, ayon na din sa mga kumakalat na balita." " I came here hindi para pamahalaan ang farm or wine factory. Finn and Czesah can have them. I came here for a different reason." Sinulyapan lang niya ito saglit at muling itinuloy ang ginagawa. " Ilang taon ka na Maria?" Tanong nito nang hindi siya magsalita. " Ella, wag mo nga akong tawagin na Maria." Pagtatama niya dito. " Other people can call you Ella, but for me you're Maria. I like it." Sabi pa niya na nakangiti. " Wag mo ngang sabihin iyan na para bang sasambahin mo ako. Call me Ella, please lang." Naiinis na niyang sabi dito. " Gusto ko ang sinabi mo. Papayag ka ba?" Tanong nito at inalis nito ang mga salamin sa mga mata. Kita niya ang pag kislap nang mga mata nito. Ang mga labi ay may naka plaster na ngiti. " Sir Thiago, kung ayos lang sa inyo. Nakakaabala kayo sa akin. Nakita ninyo ang lahat nang ito? Hanggang doon?" Turo niya sa lugar kung saan siya ang mag ani. Tumango naman ito. " Kailangan ko itong matapos sa loob nang limang araw. At ang pag ani dito ay pakyawan. Kailangan matapos sa nakatakdang araw." Paliwanag niya dito. " Ganun ba? Eh, di tutulungan kita." " Hindi na Sir Thiago. Salamat na lang. Mabuti pa bumalik na lang kayo sa farm house baka masira ang balat ninyo. Nakita mo ang lahat nang tao dito maiitim." Sabi pa niya dito at itinaas ang kanyang braso, nakasuot lang siya nang t-shirt at lumang sweat pants, sa kanyang paa ay itim na bota. Karaniwan itong sinusuot nang mga magsasaka. " I like your color. Gusto ko din maging kakulay mo." Tumirik ang mga mata niya sa sinabi nito. May kakulitan pala itong taglay! Hinarap na lang niya muli ang pag pitas nang mga ubas. " Ilang taon ka na Maria?" Tanong nito muli sa kanya, pero hindi siya sumagot. " Gusto kong makipag kaibigan sa iyo." Muli niya itong nilingon, hindi niya alam kung seryoso ito. " Nagsawa ka na ba sa mayaman mong kaibigan?" " Hindi naman. Gusto ko lang madagdagan ang aking mga kaibigan." Nagpawala siya nang buntong hininga. Me idea ba ang lalaki na ito na napaka delikado sa kanya maging kaibigan ito? " Para wala naman akong pagpipilian, Sir Thiago." Sagot na lang niya dito at lumapad ang ngiti nito. " Good. Since magkaibigan na tayo. Just call me Thiago. And don't complain if I want to call you Maria." " Okay." Sabi na lang niya. Dahil hindi naman magtatagal at magiging long lost friend na lang niya ito. Nunca na bumalik pa ito dito. " Salamat, tulungan na kita." Sabi nito, bahagya muna siyang nag isip. Pero marahil nagagawa nito talaga ang nais. May katigasan talaga ang ulo nito. " Isunod mo ang crate kung gusto mong tumulong." Sabi niya na ginawa nga nito. Siya naman ay nagpatuloy sa pag pitas. Sige ang tanong nito na kanya naman sinasagot. " Wala kang itatanong sa akin?" Mamaya ay sabi nito sa kanya dahil lagi na lang itong nagtatanong. " Ano naman itatanong ko sa iyo?" Aniya na bahagya itong nilingon. " Kahit ano." " Hmm, girlfriend mo ba yong babae na alam mo na?" Bumalik ang pilyo nitong ngiti sa pag bukas nang usapan tungkol sa nakita niya sa party. " Hindi ko siya girlfriend." Agad siyang napabaling dito. " Hindi?! Eh, gawain lang nang mag asawa ang ginawa ninyo ah!" Natawa naman ito sa reaksiyon niya. " Normal na iyon ngayon,basta wag lang mabubuntis." Balewala nitong sagot na lalong nakapag pa shock sa kanya. Ilang saglit na wala siyang maapuhap na sasabihin. " Ganun siguro ang mayayaman. Madami naman kasing pwede maipagmalaki pa kahit mawala ang dangal niya bilang babae." " Hmm, I can't argue with that." " Sa amin na mahirap iyon lang marahil ang maipagmamalaki namin. Kaya no to premarital sex." Madiin niyang sabi na kakaibang ngiti lang ang sagot ni Thiago. "Well, kapag nagmahal ka na. Baka mag give up ka sa paniniwala mo na yan?" Parang hinahamon siya nitong sabi. Saglit silang nagka tinginan at siya na ang umiwas. " This is the reason why I want to make friends with you. Maiba naman ang pananaw ko sa buhay" " Pero hindi ibig sabihin ako naman ang baguhin mo ang pananaw ko sa buhay?" "Of course not! I like the way you are. Kaya nga gusto kitang maging kaibigan." Sabi nito at napaisip siya marahil nga nais lang nito nang kaibigan na tulad niya. Kahit gwapong gwapo siya dito pipigilan niya magka gusto dito. Dahil sa kulay pa lang at amoy nang balat ang layo na nila sa isat isa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD