Chapter 3

1065 Words
Kinabukasan maaga pa lang umalis na sila sa Villa Soler matapos tumanggap sila nang pera mula sa mayordoma. " Salamat nang marami." Pasalamat niya nang maabot ang pera na isang libong piso. Maingat niya iyong ipinasok sa kanyang suot na kupas na pantalon. Gagamitin niya iyon para sa pag apply sa isang mall matapos ang anihan nang ubas. " Naghihintay na ang sasakyan, Ella." Tawag sa kanya ni Manang Gloria. Kaya sumunod na siya dito. Hatid sundo sila mula sa hacienda hanggang sa ancestral house nang mga Soler ang malaking villa na ito kung saan ginanap ang pagtitipon. Pagsakay niya sa van na may nakalagay na Hacienda Soler sa gilid ay lumingon pa siya sa bahay at napabuntong hininga. Naiisip niya kung gaano ka swerte nang mga tao na nakatira doon. " Pagka gwapo talaga nang mga apo ni Senyora." Iyon ang narinig niya habang bumibiyahe na sila. " Nakita mo ang babae kasama ni Senyorito Thiago, modelo daw iyon." Sabi pa nang isa. Kaya pala maganda ang katawan nito dahil nakita niya itong nakahubad. " Kaya pala pagka ganda. Pero medyo suplado si Senyorito Finn." Pag uusap pa nang mga ito na hindi niya pinansin. " Tahimik lang iyon, pero sabi nang mga katulong mabait si Senyorito Finn." Ipinikit na lang niya ang mga mata. Natural naman ang mga tauhan na amo ang pag usapan. Iniisip niya kung kahit ang pangalan nila ay matatandaan nang mga ito. Napangiti na lang siya sa pag tawag ni Thiago sa kanya nang Maria. Unang tao na tumawag sa kanya sa ganung pangalan. Pero alam niya maka kalimutan lang din siya nito. Kung paanong ang tagal na nilang buong pamilya na nanilbilhan sa mga ito ay hindi man lang nagkaroon nang pagkakataon na makita ito nang malapitan. Maliban lang kagabi. Agad niyang ipinilig ang ulo, parang nag laro sa kanyang isip ang mukha nitong sobrang erotiko. Nagmulat siya nang mata at inabala na lang ang sarili sa pag tingin sa labas nang sasakyan. Matapos ang dalawang oras na byahe, nakarating din sila sa pinaka malaking farm nang mga Soler dito sa Pilipinas. Sa isang linggo magsisimula na ang anihan nang ubas. Magiging abala na naman sila katulad noon. " Mano po, 'nay." Agad siyang nagmano sa kanyang ina ganun din sa kanyang ama nasa puno nang ilalim nang mangga kung saan nag siesta. " Kumusta ang party sa Villa?" Tanong nang kanyang ina. " Alam mo naman kung paano sila mag party 'nay. Bongga. Si Manuel ba iyon?" Tanong niya nang masilip ang loob nang bahay. Nanood ito nang television. " Oo, wala daw silang pasok." Sabi nang kanyang ama. Pumasok siya sa loob nang bahay at agad na kinuhit sa balikat ang kapatid na prenting na nanood nang television. " Bakit andito ka? Di pa malapit na ang finals ninyo?" Tanong niya dito hindi ito lumilingon na sumagot sa kanya. " Wala kaming pasok ate." " Sigurado ka? Wag ko lang malaman na magbulakbol ka at lagot ka sa akin, Manuel." Banta niya dito at pumasok na siya sa kanyang silid. Dalawa ang silid dito sa kanilang bahay. Ang isa sa kanyang mga magulang sa kwarto share sila nang kanyang kapatid na babae. At sa salas naman natutulog si Manuel pag umuuwi. Pero sa bayan ito pag may pasok at naupa nang boarding house. " Hay buhay." Nahiga siya sa kama na kawayan na may manipis na kutson. Agad siyang nakatulog nang lumapat ang kanyang likod sa higaan. Agad na napa sarap ang kanyang tulog. " Thiago, anong ginagawa mo?" Halos pigilan niya ang paghinga nang isa isang hubarin ni Thiago ang suot na damit habang papalapit sa kanya. " Wag kang lalapit sa akin, sisigaw ako!" Banta niya dito pero ngumisi lang ito. " Mapapasigaw ka naman talaga sa gagawin ko sa iyo." Sabi nito at agad siyang hinapit sa beywang nang makalapit sa kanya. " Please." Pakiusap niya na sobra ang sasal nang kanyang dibdib. " Please what?" Mapanukso nitong tanong at yumukod. Tumingin sa kanyang labi, hanggang hindi ito nakuntento at halikan siya. Nawalan siya nang kontrol sa sarili at napahawak sa batok nito. " That's more like it, Maria." Bulong nito at bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Sinisipsip ang kanyang balat na na naghahatid sa kanya nang ibang init. " T- Thiago." Tawag niya sa pangalan nito nang maramdaman ang palad nito sa kanyang dibdib. " I like you, Maria. Don't be scared. Hindi ako nangangain kasi ito lang ang balak kong kainin." Sabi nito sabay hawak sa kanyang pagitan nang hita at napa sigaw siya sa gulat. Kasabay ang pag dilat nang kanyang mga mata. " Bakit hindi mo ini on ang electric fan? Pawis na pawis ka tuloy." Dinama niya ang kanyang noo, napawisan nga siya. " Napagod lang talaga ako, nay." Sabi niya at pinanood itong ipinapasok sa kabinet ang mga damit na tinupi nito. " Ganun talaga sa Villa. Noong panahon na buhay pa ang Senyor mas madalas ang pagtitipon doon. Alam mo ba doon ko nakilala ang sikat na mga artista. Kahit ang mga kilala na pulitiko na iyan imbitado nila. Napakayaman kasi nila." Mahaba nitong kwento, walang duda naman ang kayamanan nang mga ito. Lalo na nang maging asawa si Senyora Ysabella. " Sino nakilala mong sikat doon anak?" Baling nito sa kanya. " Modelo, nanay. Bisita ni Sir Thiago." " Baka nobya ano?" Tanong nito pa sa kanya. " Marahil nga po." Kung hindi nito nobya iyon ay ewan na lang. Ang ginagawa nang mga ito ay para sa mag asawa lang.Tumayo siya sa kama at lumabas nang silid. " Mag merienda ka, nasa labas tatay mo. Mayroon doon nilagang kamote." Pahabol nito sa kanya kaya tumuloy siya sa maliit na dampa na ginawa nang kanyang tatay na pahingahan sa ilalim nang mangga. Kumuha siya nang kamote at tahimik na kumain. Kagabi sa party siya nakakita nang pagkain na tanging sa tv lang niya nakikita. Ito ang pagkain na normal sa kanya. Bigla nakadama siya nang kapaguran na maging mahirap. " Tay, hindi ba talaga ako pwedeng bumalik sa pag aaral?" Tanong niya, bumaling ang kanyang ama sa kanya at malungkot na sumulyap sa kanya. " Si Manuel may sigurado siyang trabaho pag naka tapos. Malaki ang sahod at malalaki ang maitutulong niya sa ating lahat. Kunting tiis lang Ella." Tumango na lang siya sa kanyang ama at tahimik na kumain nang nilagang kamote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD