KAHIT na nabiktima sila ng Monday morning rush ay hindi na-stress si Oz. Nang makatulog si Fiona ay ni-recline niya ang upuan nito. Lahat ng controls ay nasa dashboard at manibela kaya’t kahit isang kamay lang ang gamit niya ay hindi siya nahirapan. Hindi niya inalis ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga. Ito marahil ang dahilan kung bakit kalmado lang siya kahit na ang isang oras na biyahe ay naging isang oras at kalahati. Pagpasok ng isang subdivision sa Makati at paghinto at pagkaparada sa parking spaces sa tapat ng isang Vienna’s Salon ay pinatay niya ang makina ng sasakyan at inalis ang kanyang seat belt. Bumaling si Oz sa kanan at pinagmasdan muna ang natutulog na dalaga. Nakaharap si Fiona sa bintana sa kanan. He leaned over at bumulong sa may tainga nito. "Fiona—” His v

