SA pagpasok nila Oz at Fiona sa garahe ay namangha siya sa dami ng nakaparadang kotse roon. Kung susumahin ay baka lagpast ito ng 40. He had to do a double take dahil ang ilang kotse ay mga vintage cars pa at 1/3 doon ng mga nakaparadang kotse ay iba’t-ibang brand at klase ng sports car. Kaya pala napakalaki ng estate na iyon ay sa kotse pa lang ay punuan na. May mga bakante pang parking spaces at sa tingin ni Oz ang ibang slot ay mayroon pang equipment para magkaroon ng second parking space sa taas ng bawat kotse. “Ang daming kotse. Sa’yo lahat ‘to?” tanong ni Oz. Nagkibit balikat si Fiona at tumango. “My father collect cars at ito ang bonding namin. Kaya nagaya na rin ako. Kalahati yata nito sa kanya galing. Ang iba kapag nagpupunta kami ng car shows. Mukha ngang car deale

