ALA-SIETE ng umaga pa lang ay nagising na si Fiona kahit na mag-aalas diez na sila ng gabi natapos nila Oz at Fanny sa opisina. May tinatapos silang bagong proposal na ipapasa sa isa sa mga investors nila sa ibang bansa. She was woken up by her bestfriend na bigla na lang naupo sa kama niya at nagsimulang magtatalak nang malaman nila kung nasaan ang ilang araw na nilang hinahanap. “Bes, huminahon ka. Walang magagawa ang paghuhurumentado natin sa sitwasyong kagaya ngayon. At least alam na natin kung saan ang bahay ni Reece at na-confirm na natin na siya nga ang nagtago kay Jackie.” She yawned and tried to close her eyes ang go back to sleep ngunit alam niyang hindi na mangyayari ang tulog na minimithi niya ngayong naroon na si Dara. Tatlong araw na mula nang makabalik sina Da

