“Fiona---” “Hmmm—” “We’re at my house. Kapag hindi ka pa gumising, bubuhatin kita papasok. Nakaabang na sa may pintuan ang spy ng taon.” Her eyes fluttered open and then she smiled. “Spy ng mama mo?” Tumango siya at lumawak lalo ang ngiti ng dalaga. “May suklay ka ba? Nagulo na ang buhok ko.” She caressed her hair and he suddenly had that strong urge to weave his hands on her soft locks. “You look perfect. Tara na.” Bumaba si Oz at umikot ng passenger side para ipagbukas siya ng pintuan. Nginitian naman niya ang kanyang Yaya Bola na nakaabang na sa may front door ng bahay nang magtama ang mga mata nila. Pagbaba ni Fiona ng kotse ay kitang-kita ni Oz na napanganga ang kanyang yaya. He took Fiona’s hand and led her towards the house entrance. “Yaya B

