NANG magpaalam ang dalawang kaibigan ni Oz matapos nilang apat na maglaro ng bilyar ay tumambay pa sila sa bahay at doon na rin nag-dinner si Fiona. They watched a movie and played some board games. When it was time to leave, hindi rin nakatiis si Oz. “Ihahatid na kita. Papasunurin ko na lang ang driver para may sasakyan ako pabalik.” He told her when she asked for her car key. “’Wag na. Pabalik-balik pa.” He could see that she was also reluctant to leave. Obvious naman sa ikinikilos nilang dalawa na ayaw pa nilang matapos ang araw na magkasama sila. It was like an impending doom for them. “Minsan lang naman. Tara?” “Paalam muna ko sa Yaya mo.” Palabas na sila ng Home theater nila Oz nang maalala ni Fiona na magpaalam. “Sigurado, naglilinis ‘yon

