CHAPTER 12

1119 Words
    "Where are you going?" Usisa ni Zic sa kanyang kapatid na si Rigel nang makasabay niya ito pababa sa sala nang tanghaling iyon. May dala dala itong itim na bag at nakagayak ito pang-alis.    Tinapunan siya ng tingin ng kapatid at muling ibinalik ang tingin sa nilalakaran. "Somewhere," tipid nitong sagot ni Rigel sa kanya. Hindi na siya nag-usisa pa at hinayaan na niyang makalampas sa kanya ang kapatid. Sanay na siya na laging wala sa mansion si Rigel, sanay na rin siya na ilang araw lang ay may pupuntang mga awtoridad sa kanila upang sabihing nadawit ito sa isang gulo. Kagaya niya, hindi magkasundo ito at ang Ama nila, masyado kasing mapagmando ang Ama nila kaya ang Kuya Leon din niya ay mas pinili na maging independent. Kung sanang may sarili na siyang pera na makakapagpatayo siya ng sariling kompanya niya ay gagawin niya, kaso wala pa silang mana mula sa Ama. Ang Kuya Leon niya ay may sarili ng law firm, ang Kuya Rigel niya ay hindi niya alam ano ang mga ganap sa buhay, pero alam niyang may sarili na rin itong pera.        Siya na lamang ang bukod tangi na umaasa sa pera ng kanyang Ama, umaasa sa mana. Napabuntong hininga si Zic, frustration hits him again. He felt useless without his father's money. Alam iyon ng kanyang Ama kaya kulang na lang ay hawakan siya sa leeg. Nagtuloy ang binata sa garahe at lumulan sa sasakyan, nasa mood siyang mamasyal ngayong araw para mawala ang inis na nararamdaman niya sa kanyang sarili at sa mga bagay na nasa paligid niya. Pinuntahan niya ang mga kaibigan at niyayang mag-inuman pero busy lahat ang mga ito sa kanya-kanyang kompanya. Si Harry na ang CEO ng kompanya nila, si Greg din. Si Mike naman ay may sariling shipping company, kaya ang ending hangang sumapit ang gabi ay mag-isa lang siyang magba-bar hoping. __________ ______________________    "Nakakainis naman si Lexie, ayaw akong samahan," bubulong bulong na sabi ni Hera sa sarili habang nagda-drive patungo sa bar na gustong gusto niyang puntahan. Mag-isa siya dahil nga busy si Lexie kaya hindi na lang niya pinilit, nasa mood siyang magwalwal ngayong gabi.      "Hoy! Huwag kang magpapakalasing babae ka. Kilala kita kapag lasing," Naaalala niyang sabi pa ni Lexie bago niya ito iwan sa opisina nito pero binelatan niya lang ang kaibigan. Mag-iinom siya hangang gusto niya, pero siyempre hindi naman siya magpapakalasing ng bongga, magtitira siya ng tamang pang-uwi lang. Ilang saglit pa, nakarating na ang dalaga sa isang bar, papasok pa lamang siya sa entrada ay dinig na niya ang maingay na tugtugin at ang pagkakaingay ng mga tao sa paligid.     Naggagandahang mga babae at sosyaling mga lalaki ang nakakasalubong at nakakasabay niya sa paglalakad. Tama lang ang dilim sa loob, tipong hindi ka madadapa kahit gaano kataas ang suot mong heels dahil kita mo pa naman ang dinadaanan. Umupo si Hera sa bar stool na nasa bar counter lang, hindi na siya nag-table since mag-isa lang naman siya.     "Margarita, please..." aniya sa bartender na malagkit ang tingin sa kanya. Well, sanay naman siya sa ganoon. Alam naman niyang hindi pangkaraniwan ang gandang meron siya, kaya hindi maiiwasan ang mga ganitong senaryo.     "You're margarita Miss beautiful," maya maya pa ay sabi ng bartender na inilapag sa harap niya ang order. Nginitian niya ito ng mapang-akit, wala lang trip lang niya. Lumagok na siya ng paunti-unti sa alak na hawak at bahagyang iniindayog ang katawan sa tugtog habang nakaupo. She loves the music, nakakabuhay ng adrenaline sa katawan. Nang maubos ang isang margarita ay um-order siyang muli, nang may lumapit sa kanyang isang lalaki. Matangkad, moreno at may hitsura. Mukha namang mayaman at may mapang-akit na ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya.    "Alone?" anang baritonong tinig nito at dalawang dangkal lang yata ang layo nila sa isa't isa. Amoy niya ang pinaghalong pawis, alak at pabango ng lalaki.    "May nasa-sight ka bang kasama ko?" papilosong tanong niya habang nakangiti.    Natawa ang lalaki. "Sorry. Gusto mo ng makakasama?"    Tumaas ang isang kilay niya. "Ikaw?"    Nagkibit balikat ang lalaki na hindi nawawala ang ngiti sa labi. "If you want," anito sa kanya.    "Sorry, but I just want to be alone and make inom-inom," maarte niyang sabi sa lalaki.     Nawala ang ngiti sa labi nito, pero panandalian lamang dahil muli itong ngumiti. "By the way, I'm Nylon," pakilala ng lalaki na iniabot pa ang kamay sa kanya for a handshake.    Tinignan niya ang kamay nito, pero hindi tinanggap ang pakikipagkamay. "No one ask your name," diretsahang sabi niya at ngumisi. Pagkaraan ay binalingan ang bartender. "Isa pa," aniya na medyo may tama na. Hindi naman kasi ganoon kataas ang alcohol tolerance niya. Binigyan siyang muli ng bartender, naroon pa rin ang lalaki sa tabi niya at tila hindi tinatablan sa pasimpleng pagsusungit niya.    "I can pay your drinks," anang lalaki na ikinainis niya. Duh! She can pay din naman sa mga ininom niya, anong akala ng lalaking 'to? Mahirap siya?    "No thanks. I can pay my ininom too eh."   Napansin niya ang pag-igting ng panga ng lalaki na tila napipikon na sa kanya. Pero hindi man siya nakaramdam ng takot o kaba, sa loob loob niya ay napapangisi pa nga siya.          Ilang ulit na huminga ng malalim si Zic sa isang sulok, habang nakaupo sa inokupa niyang spot sa bar na iyon. Paano ba naman kasi ay mula sa pwesto niya ay nakikita niya si Hera sa may bar counter, hindi naman kasi kalayuan ang pwesto niya. Oo, ang brat na kapatid ni Harry ay kaparehong nasa bar na pinuntahan niya. May lalaking kumakausap dito, at sa hilatsa ng mukha ng lalaki mukhang naiinis na siya kay Hera na tila may tama na. Knowing Hera's mouth... Baka kung anu-ano na ang pinagsasabi nito sa lalaking kaharap kaya mukha na itong pikon. Damn this brat!    Alam niyang walang kasama ang dalaga, nakita na niya kasi ito kanina mula pagdating pa lamang nito kaya todo tago siya. Sa lahat ba naman ng bar bakit ba dito pa naisipan ng babaeng 'to mag-inom. Lumagok siya sa alak na hawak at hindi tinatanggal ang tingin kay Hera at sa lalaki. Hindi sa may pakialam siya kay Hera, iniisip niya lang na babae pa rin ito at kaibigan niya ang Kuya Harry nito. Bigla niyang naalalang tawagan si Harry, pero hindi nito iyon sinasagot, f**k! Pick the phone, kung hindi pupulutanin ng lalaking 'to ang kapatid mong pasaway. Iyon ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Zic habang pinapa-ring ang cellphone ng kaibigan. Nang hindi talaga nito iyon sinasagot, pinadalhan niya lamang ng mensahe ang kaibigan at sinabing lasing na lasing na si Hera, tapos ay sinendan niya ng picture si Harry. Picture ni Hera na kausap ang lalaki. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD