CHAPTER 11

1075 Words
     Kinahapunan, napagpasyahan nila ni Lexie na maglakad-lakad sa Glorietta Mall since wala naman na silang gagawing dalawa. Masaya na sila na sila lamang magkasama at magka-bonding. "Wait, let sit there muna at nangangalay na ang paa ko," ani Hera sa kaibigan na nakaangkla sa kabilang braso niya.    "Loka-loka ka naman kasi, alam mo ng mamasyal tayo tapos nagsuot ka ng ganyang kataas na takong?" Natatawang sabi sa kanya ni Lexie na napapasunod sa paghila niya patungo sa upuan.    "Wala na me time to change pa. Atsaka hindi ko naman knows na here pala tayo mamasyal noh," maarte niyang sabi sa kaibigan na napapangiwi sa pangongonyo niya. Saktong kakaupo lamang nila ni Lexie nang biglang may tumawag sa pangalan niya, kaya agaran siyang tumingin sa pinanggalingan nun. Then she saw her, it's Nisha.    "Hi, Miss Hera! Nice to meet you here." May excitement sa boses nito nang sabihin sa kanya iyon at agarang lumapit sa pwesto nila ni Lexie.   Pilit siyang napangiti. "Hello. Nisha Solomon, right?" kunwa'y tanong niya.    Mabilis itong tumango, gaya ng una niya itong makilala hindi nawawala ang matamis na ngiti nito sa kanyang labi. "Glad na natatandaan mo ako." Lumipad ang tingin nito kay Lexie. "Hi," anito kay Lexie na ginantihan naman ng ngiti ng huli. Pagkaraan ay muli siyang tinignan ni Nisha. "Can I invite you two for a cup of coffee?" Nagkatinginan sila ni Lexie at matagal bago nakasagot. "Please?" pangungulit pa ni Nisha.   "Sige na nga," bandang huli ay sabi ni Hera sa babae na agad naman nagliwanag ang mukha.   "Oh thank you!" bulalas ng babae na halata ang saya sa nagniningning nitong mga mata.    Ganoon na nga ang ginawa nila, hindi lang coffee ang inilibre sa kanila ni Nisha kundi kung anu-ano pang pagkain na pwedeng makasira sa diet niya. Kaya ngayon ay pinagmamasdan niya si Nisha na ang sarap ng kain, as in ang lakas nitong kumain na tila hindi nag-aalala na mag-gain ng timbang. Pero in fairness, maganda ang pangangatawan ng babae.    "Busog na ba kayo? marami pa tayong pwedeng puntahan and sagot ko lahat," maya maya pa ay sabi ni Nisha nang mapansin na hindi na siya kumakain at si Lexie naman ay paunti-unti na lang- gaya niya e may diet din itong sinusunod.   "We're okay. Actually, we're on our diet eh," aniya na ngumiti.   Napangiw si Nisha. "Oh sorry, nasira ko yata ang diet niyo?" anito na tila nag-alala.    Yeah, sinabi mo pa. Gustong isatinig ni Hera iyon pero pinigilan niya ang sarili. "You're not," saad ni Lexie na nakangiti. Sa kanilang dalawa, mas friendly si Lexie. "Pwedeng magtanong, Nisha?"    "Sure," ani Nisha na nakatitig kay Lexie at hinihintay ang itatanong nito.    "As far as I remember, nakita na kita once sa Hera's sanctuary and you're alone. Tapos alone ka rin today, may mga kaibigan ka ba? Don't be offended ha? Loner ka ba?"- Lexie    Nakita nila ang biglang pagtahimik ni Nisha at ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mga mata nito na agad namang nawala dahil ngumiti ito. "Hindi ako loner, sadyang wala lang akong kaibigan."    Nabigla silang dalawa ni Lexie sa sagot ng babae, lalo na siya. Hindi niya expect na sa personality nito ay wala itong kaibigan? Siya na bully ay meron siyang Lexie, ito pa kayang napaka-warm ng pagkatao?    "Nabigla ko ba kayo? Totoo 'yon," anito na natatawa.   "Really?" Magkapanabay na sabi nila ni Lexie.    Tumango ang babae. "Yep. I have strict parents na lagi akong binibigyan ng curfew and they don't let me have friends kasi raw baka i-BI ako. Then, growing up, I got bullied sa all girls school na pinapasukan ko. So yah, I'm a bit afraid to people. Ngayon ngayon na lang nga ako nakakapag-usap sa iba, sainyo. Na-realized ko kasi na life is to short to stay in my comfort zone. I badly need friends," mahabang pahayag ni Nisha at napakamot sa ulo.    Ngayon alam na niya kung bakit ganoon manamit ito, kung bakit may napapansin siyang sadness sa mga mata nito kahit nakangiti ito. For the first time, nakaramdam siya ng awa sa isang tao na hindi naman malapit sa kanya. Pity on her dahil biktima ito ng bully noong nag-aaral pa ito. Gusto niya tuloy maini sa sarili niya, dahil once in her life naging bully siya.   "Sorry to hear that, Nisha," ani Lexie na kagaya niya ay tila naawa sa babae.    "Naku! Huwag kayong maawa sa akin, I'm okay now, see? Kausap ko na kayo ngayon, dahil nga gusto kong magkaroon ng kakilala o kaibigan man lang, " anito na nakangiti na muli.   "We can be friends! " Bigla ay sabi ni Lexie at tumingin sa kanya. "Hindi ba, Hera?"    Natigilan siya. Sanay na siyang dalawa lamang sila ni Lexie na magkasama lagi. Sanay na siyang si Lexie lang ang pinakamalapit niyang kaibigan, kapag kinaibigan nila si Nisha e mag-aadjust siya?    "M-Mukhang ayaw ni Miss Hera," ani Nisha na tila natakot sa reaction niya.   Kinalabit siya ni Lexie. "Hera..."   Napabuntong hininga siya at tumaas ang isang kilay niya. "Well, pwede rin naman. And will please stop calling me 'Miss Hera' it's so baduy!" pagkaraan ay sabi niya.    "Really? Salamat sainyo ah? So, Hera na lang ang itatawag ko sa'yo? Is that okay with you? " Halata sa mukha ng babae ang saya.   "Yap."- Hera    "Noted!"-Nisha    Pumalakpak si Lexie. "Yey! Finally we're three in a group."    Hindi naman masamang magdagdag sila ng isang kaibigan. Makakagawa pa akong mabuti sa kapwa ko, dahil kinaibigan namin ang tulad ni Nisha. She's so kawawa naman talaga. Iyon ang mga salitang naglalaro sa isipan ng dalaga, habang pinagmamasdan sina Lexie at Nisha na nagkukwentuhan.    "May pupuntahan pa ba kayo after this?" Bigla ay naitanong ni Nisha sa kanila.    Tumingin sa kanya si Lexie. "Meron pa nga ba?" tanong nito sa kanya.    Nag-isip siya at tinignan ang oras sa kanyang wrist watch. It's almost 6:50pm. "I want to go home na. It's time for my skin routine na eh. What about you, guys?"    "Ako kailangan ko na rin umuwi kasi may mga aayusin pa akong papeles na inuwi ko sa bahay."- Lexie    "Uuwi na rin siguro ako. Baka hanapin na rin ako nina Mom and Dad, tho ang curfew ko naman sa kanila ay 9pm. Hindi kagaya dati 5pm lang, " anito na natatawa. Buti hindi niya naranasan ang magkaroon ng curfew hour, malaya siya dahil may tiwala sa kanya ang mga magulang niya. I'm so swerte talaga... Ilang saglit pa silang nagkwentuhan bago naghiwa-hiwalay ng way. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD