Matapos maligo ni Zic ay napagpasyahan na niyang bumaba sa dining area dahil nakaramdan na siya ng gutom. Ngunit nagulat siya nang madatnan niya roon ang Ama at Ina, ang pagkakaalam niya e ganitong oras ay nasa opisina na ang Ama. Himala't nandito pa sa mansion ang Ama at hindi pa bihis.
"Morning," bati niya sa dalawa at humila ng upuan upang makasalo sa almusal.
"Where have you been last night?" tanong ng kanyang Ama na tila galit. Tahimik lamang ang Ina niya habang kumakain.
"I'm with my friends," aniya at nagsimula ng magsandok ng fried rice sa kanyang plato.
"You always with them, imbes na ang pag-aralan mo ay ang pamamalakad sa kompanya, inuuna mo pa ang pambababae mo!" Medyo tumaas ang boses ng kanyang Ama na ikinatigil niya.
"Ano naman ang problema doon, Dad? I'm not a teen anymore. I can do what I want."
"Wala ba talaga akong mahihita sa'yo, Zic? Paano ko ipagkakatiwala sa'yo ang Kompanya kung ganyan ka? Kung sanang Leon and Rigel was-"
"Kung sanang gusto nina Kuya Leon at Kuya Rigel ang pwesto sa kompanya ay sila ang pipiliin mong mamahala imbes na ako, right?" Putol niya sa pagsasalita ng kanyang Ama.
"Zic-" tawag ng kanyang Inang si Ysabela pero hindi niya ito pinansin. Nakipagmatigasan siya ng titig sa Ama.
"Yes. Kung may choice lang ako, na kina Leon o Rigel ang pipiliin kong maging CEO ng La Gresa Empire." Diretsahang sabi ng kanyang Ama sa kanya. Kahit pa alam naman niya iyon, masakit pa rin pala na ipagsigawan nito iyon sa kanyang mukha.
"Greg, that's enough!" Awat ng kanyang Ina sa kanyang Ama at nag aalalang tinignan siya ng Ina. "Zic, ang ibig sabihin ng Daddy mo e-"
Bigla siyang tumayo kaya natigilan sa pagsasalita si Ysabela. Nawalan na siyang ganang kumain dahil sa pagtatalo nilang mag-ama, laging ganoon naman tuwing magku-krus ang landas nila. "Aalis muna ako." Hindi na niya hinintay pang magsalita ang isa sa dalawa at nilayasan ang mga ito. Diretso garahe siya at sumakay sa kanyang kotse, pupuntahan na lamang niya ang mga kaibigan niya.
Bakit hindi nag-aalangan ang Ama niya na iparamdam sa kanya na he was the last choice among his siblings. Bakit hindi kayang magtiwala sa kanya ng kanyang Ama na kaya niya rin kung ano ang kaya nina Leon at Rigel? Ayaw niyang maging option lang sa Ama, he wants to prove himself pero hindi siya nito binibigyan ng pagkakataon. Kaya hindi siya nito masisisi kung ibinabaling niya sa kaibigan at pambabae ang attention niya dahil paraan niya iyon ng pagrerebelde sa Ama.
Ilang buntong hininga ang ginawa niya bago makarating sa mansion nina Mike, hindi siya makakapunta kina Greg dahil gaya niya may pagka-istrikto ang Ama nito, at isa pa kapangalan ni Greg ang Ama, lalo lang siyang maba-badtrip. Kidding aside. Hindi rin naman niya pwedeng puntahan si Harry dahil ayaw niyang makita si Hera, baka mas lalong umusok ang ilong niya dahil sa babaeng 'yon. Tama na ang nakita niya ito ng isang beses kanina. Nadatnan niyang saktong kakagising lang ng kaibigan at kumakain ito ng almusal. "What's up bro?" bungad sa kanya ni Mike.
"Makikikain ako, " aniya at humila ng upuan.
"Suit yourself. Ano, nasabon ka na naman ba?" Natatawang tanong ni Mike.
"As usual, I'm being compared again," sabi niya na bakas pa rin ang inis sa kanyang mukha. Dinampot niya ang fried egg at ham tsaka isang malaking bread. Pwede ng almusal kahit walang kanin na nakasanayan na niyang kainin sa tuwing umaga.
"That's pathetic, Man. Pero hindi ko rin masisisi si Tito Greg, your brothers are such idols."
Tinapunan niya ng masamang tingin si Mike. "Kaibigan ba talaga kita?"
"Ofcourse!" natatawang sagot nito habang kumakain katulad niya.
"I'm tired of my father. He's being unfair, " frustrate niyang sabi.
"Ipakita mo kasi sa kanya na kaya mo ang ginagawa ng mga Kuya mo. You can be successful too."
"Useless. He always into my mistakes."
Nagkibit balikat si Mike. "Well, wala tayong magagawa sa bagay na 'yan. Hintayin mo na lang ang oras na ma-realized niya that you and your brothers are perfectly different, Man."
Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang paglantak sa pagkain. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.
"Alam mo, huwag mo na munang isipin si Tito Greg. After we eat, we can go somewhere since wala akong gagawin today, or kung gusto mo naman mag-inuman na lang tayo nina Harry at Greg-- Greg na kaibigan natin at hindi si Tito Greg na Ama mo ha?"
Natawa na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Kaya ayaw niyang mawala ang mga 'to sa buhay niya dahil ito ang mga takbuhan niya kapag ganitong tila nagagalit siya sa mundo. They were one call away.
________________________________________
_______________________
"Grabe! I'm so inis talaga kaninang makita kong may chikinini siya there in his leeg. Grrrr!" nakangusong sumbong ni Here sa kaibigang si Lexie. Matapos niya kasing puntahan si Zic ay tumuloy siya kay Lexie na sakto namang tapos na ang meeting.
Natawa si Lexie sa kanya at inabutan siya ng SB coffee. "Bakit ka naman maiinis? Jowa ka ba? Kahit magpalagay iyon sa iba't ibang parte ng katawan niya wala kang magagawa."
Pinadyak niya ang mga paa dahil sa inis. "Jowa man ako or not, as long as I have pakiramdam to him, masasaktan ako. I'm not manhid noh!"
"Girl, alam mo kung ini-ignore mo na lang 'yang nararamdaman mo kay Zic, baka masaya pa ang buhay mo ngayon. Hindi ka nasasaktan at hindi ka na-i-stress."
"Girl, kung know ko lang how to stop loving him, matagal ko ng ginawa. But you see, I can't!" Maktol niya sa kaibigan na napailing-iling na lamang. Sabagay may punto si Here, oras kasi na nasimulan mo ng magustuhan o mahalin ang isang tao ay mahirap ng tumigil.
"Bahala kang tumandang dalaga kakahabol mo sa La Gresa na 'yon. He's not worth it!"
"No. He's worth it," kontra niya kay Lexie na napangiwi. "Makikita mo, balang araw sa akin din babagsak si Zic La Gresa. Gaya ng sabi ko, by hook or by crook." Then she smile like an evil witch. Matagal na niyang ipinangako sa sarili niya na sila ni Zic ang magkakatuluyan ano man ang mangyari, kahit gaano pa siya katagal maghihintay.