CHAPTER 9

1121 Words
     Kagaya ng mga karaniwang umaga, nasa shop na naman si Hera, maaga siyang naroon dahil pinag-bake niya ng cookies si Zic at hahatid niya iyon mamaya sa mansion ng mga La Gresa. Inilagay niya ang mga box nun sa isang paper bag at lumabas. Umupo sa paboritong spot habang nagpapatay ng oras, hindi sinasadyang napatingin siya sa babaeng halos araw-araw niyang nakikita sa shop niya, nasa same spot pa rin nito ang babae.     Sa gulat niya, nakatingin sa kanya ang babae at may malawak na ngiti sa labi, hindi niya alam bakit nginitian niya ito pabalik, hindi siya ganun. Pero naisip niya, kailangan niyang maging friendly sa mga customer nila. Nag-iwas na siya ng tingin sa babae at ibinaling sa hawak na cellphone ang pansin, hindi siya masasamahan ni Lexie today dahil may aayusin ito sa sariling business, wala naman siyang ibang kaibigan kaya no choice siya kung hindi mag-isang pumunta sa mansion ng mga La Gresa. Excited na siyang makita si Zic.    "Hi."    Marahang nagtaas ng paningin si Hera nang tila may bumati sa kanya. Nang makitang ang babaeng customer na nasa sulok kanina at ngumiti sa kanya ang nakatayo sa harapan niya. "Oh hi," balik bati niya sa babae na binigyan niya ng pilit na ngiti. Sana ay hindi nito nahalata na pilit 'yon.    "You must be the owner of Hera's Sanctuary, right?" she politely said, napaka modest nitong magsalita at kumilos.    "Yeah?" aniya na nangunot ang noo. Anong kayang kailangan nito at bigla siyang nilapitan.    "Sabi ko na nga ba eh. By the way, I'm Nisha Solomon," pakilala nito sa kanya at tumingin sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. "Mind if I sit?" alanganin nitong tanong.    "I don't mind. Have a seat, Nisha." pormal niyang sabi at humalukipkip.    "Sorry ah? Overwhelmed lang ako na kaharap ko ang may-ari ng shop. Eversince kasi magbukas ito ay naging customer na ako, I really love your cookies and tarts and your coffee!" excited na sabi nito. Pinag-aralan niya ang reaction nito, It's more on a genuine at hindi ito nagpe-pretend. At napansin din niya na maganda ang babae, a kind of beauty na napaka-serene.    "Thank you, I'm so flattered. By the way, I'm Hera Madrid," aniya na pormal pa rin ang mukha at tono.      "Ikaw ba ang nagbe-bake?"     "Yep. Pero sometimes and sa iba is not me."     "Wow! I'm envious, sana ganyan din ako kagaling mag-bake but hindi ako pinagpala." Tila nalungkot ito sa sinabi. Ganoon ba kahalaga rito ang matutong makapag-bake? Or napaka swerte niya na isa siya sa milyong tao sa mundo na may talent when it comes to baking?     "Napag-aaralan naman 'yan. You can make enroll sa mga baking school/ cooking school." Gosh! hindi siya sanay na nagbibigay ng encouragement sa mga tao lalo na't di niya kilala. But well, it feels good anyway.   "I've tried. Pero hayaan mo na, atleast may kakilala na ako ngayon na magaling mag-bake." Tsaka ito ngumiti at biglang tumayo mula sa kinauupuan. "Oh paano, mauna na ako ah? Sorry sa istorbo," anito na hindi nawawala ang matamis na ngiti sa labi.    Parang napakadali sa kaharap na ngumiti ng ganoon. Samantalang kung sigurong siya iyon ay nangawit na ang labi niya. Kahit minuto lang silang nag-usap, na-observed niyang she's a warm person that can draw anyone into her.     "Walang anuman. Thank you sa pagtangkilik, don't worry next time may discount ka na here," aniya sa babae. Hindi niya alam bakit nasabi niya iyon. Well, wala naman masama for the business.     "Really?! O shocks, thank you!" Nagniningning ang mga matang sabi nito. Tumango siya at ngumiti ng simple. "Mauna na ako, Miss Hera. Thank you, again!" Bago ito tumalikod ay hindi nito nakalimutang bigyan siya ng isa pang ngiti.    Pag-alis ng babae ay napabuntong hininga siya at tinignan ang oras sa kanyang wrist watch. Tumayo na siya at pupunta na siya sa mansion ng mga La Gresa, siempre guguluhin na naman niya ang buhay ni Zic at hindi siya magsasawang kulitin ito hangat hindi siya nito pinapansin.  ______________________________________________ ________________________________    Nalingat si Zic mula sa mahimbing na pagtulog nang tila may kumikiliti sa tuktok ng kanyang ilong. Agad niyang iminulat ang mga mata at napabalikwas ng bangon nang makita si Hera na nayuko sa kanya at ito pala kumikiliti sa kanya. Paanong nakapasok sa silid niya ang brat na 'to?  "What are you doing here? Paano ka nakapasok?" Isinatinig niya ang katanungan sa kanyang isipan.     "Tito and Tita let me in, gisingin na raw kita since tanghali na e. And by the way, dinalhan kita ng mga cookies." Tsaka nito inilapag ang dalang paper bag sa kanyang paanan. "Masarap 'yan. Make tikim tikim later," sabi pa nito at ngumisi.    Napailing iling siya. Ibinalot sa katawan ang blanket dahil hubad baro siya. "Thanks, pwede ka ng umalis," taboy niya sa babae.    "Ayoko nga," nakangusong sabi nito at napansin niya nang maningkit ang mga mata ni Hera at may tinititigan sa kanyang leeg. "What's that?"    Nangunot din ang noo niya at napahawak sa kanyang leeg. "What?" Balik tanong niya sa babae.    Lumapit ito sa kanya at naniningkit ang mga matang tinusok ang parte na tinuturo nito kanina. "s**t. You have chikinini?!"    Napangiwi siya nang maalalang nilagyan pala siya ng kiss mark ng babaeng nakaniig niya kagabi. "Ano naman ngayon? This is my neck," aniya kay Hera na nakasimangot.     Humalukipkip ito at pinagmasdan siya. "You cheat on me," akusa nito.    Hayun na naman ang pagnanais niyang tuktukan ang ulo ng brat na 'to, kung umasta e akala mo e syota niya. Bakit ba kasi pinapasok ng mga magulang niya ang babaeng 'to sa kanyang silid. "Shut up, Hera. Don't act like we're together. Will you please leave me alone? I want to sleep," pagtataboy niya sa babae.    Pumadyak ito na tila bata. "Fine! Pero promise me to make tikim tikim my......cookies," makahulugang sabi ni Hera sa binata.    "Oh shut up. Go," taboy niya ulit sa babae at nagtalukbong ng blanket. Matagal bago siya nakarinig ng yapak palabas at ang pagsara ng pinto sa kanyang silid. Napabuntong hininga siya at tinanggal ang pagkakatalukbong, umalis na nga ang babae. Pinilit niyang matulog ulit, pero bigo siya. Nasira na ang tulog niya. Kaya napagpasyahan na lamang niyang maligo, pero bago iyon dinampot niya ang paper bag na may lamang cookies at nagsalita sa intercom na konektado sa kusina.    Maya-maya pa ay may umakyat na kasambahay at kinatok siya sa kanyang silid. Inabot niya rito ang papaer bag. "Itapon mo mga 'yan," utos niya sa babae. Pero bigla siyang napaisip. "O kaya sainyo na lang." Tsaka niya na isinara ang pintuan. Yeah, he never eat any of Hera's cookies. Baka mamaya e may gayuma pa ang mga ibinibigay nito sa kanya, atsaka hindi siya mahilig sa matatamis. Ayaw niyang maging diabetic.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD