NISHA'S POINT OF VIEW KASALUKUYANG nasa isang parke si Nisha at nagpapahinga nang tumunog ang kanyang cellphone. Hudyat na may tumatawag sa kanya. Nang makita niyang si Zic iyon ay nag-alangan siyang sagutin, tinititigan lamang niya ang kanyang cellphone at hinihintay na tumigil na sa pagtawag ang binata. Hangat maari ay gusto niyang iwasan ang lalaki, upang hindi niya masaktan si Hera. Kahit gustong-gusto niyang makipagkaibigan kay Zic, iniisip niya ang mararamdaman ni Hera. Ayaw niyang mag-away sila ng dalaga, ito na nga lang at si Lexie ang tumanggap sa kanya bilang kaibigan at ayaw niyang sayangin iyon. Maya-maya pa ay tumigil na sa pagtunog ang kanyang cellphone, pero may nag-message. Si Zic na nagsabing sagutin daw niya ang tawag nito, pero hindi niya pa rin ginawa kahit tumawag pa

