"GOOD MORNING!" iyon ang bati ni Lexie kay Hera nang umagang iyon nang pagbuksan niya ng gate. Napagusapan kasi nilang tatlo nina Nisha na sa bahay nila sila magtatambay. After kasi ng kasal ni Mike at sa dami ng nangyari roon ay tila hindi productive si Hera sa mga sumunod na araw. "Oh nasaan si Nisha?" Usisa niya sa kaibigan at nang makitang nag-iisa lamang ito. "Ma-l-late daw siya at may ipinaasikaso ang parents niya sa kanya. By the way, I'm hungry. May aalmusalin ba diyan?" Mahabang pahayag ni Lexie at hinawi pa siya nito, tsaka nagtuloy ng pumasok sa loob ng kanilang solar. Dinala niya si Lexie sa kanilang lanai at doon sila sabay kumain. Hindi na nila nahintay si Lexie at baka raw matagalan ito. Naiinip siya sa pagdating ng kaibigan dahil ang daming gustong itanong ni Hera sa b

