"Aalis na tayo?" Usisa ni Lexie kay Hera nang sabihin niyang babalik na sila sa manila. Tuloy pa rin siya sa pag-aayos ng damit sa kanyang bag, si Nisha naman ay halos kakagising lamang. Pero halos ayaw niyang tapunan ito ng tingin dahil alam niyang masasaktan siya sa tuwing makikita niya ito. Maaalala niya nang paulit-ulit ang napag-usapan nila ni Zic kagabi lamang. "Uy, Hera. Aalis na ba talaga tayo?" ulit na tanong ni Lexie sa kanya. "Kung gusto niyong maiwan dito ni Nisha, ayos lang. Basta ako luluwas na ako, " aniya na hindi tinitignan ang kaibigan dahil abala siya sa pagliligpit. Napatayo si Lexie mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa kanya. "Bakit naman biglaan? Hindi ba balak pa natin mag-stay rito?" Doon pa lamang niya tinignan ang kaibigan at nginitian. "Change of plans.

