"Hera, p-pasensya ka na kanina ah? Hindi ko kasi alam na ako ang kukunin niya sa larong 'yon," bungad ni Nisha sa kanya nang makapasok ito sa kanilang cottage. May kaba at hiya sa mukha nito. Nginitian niya lamang ang babae, habang ang mga mapupungay niyang mata ay nakatitig dito. Medyo may tama na siya sa iniinom nila ni Lexie na tahimik lang naman na nagmamasid. "Ano ka ba? It's okay with me." Itinaas pa niya ang shot glass na hawak. "Let's drink, Nisha..." aniya sa babae na agad namang lumapit at nakiumpok sa kanila. Yes, she's hurt but she's not angry with her. Nag-inuman pa sila at nang mapansin niyang tinulugan na siya ng dalawa ay napailing siya. "Napaka weakling naman this two," aniya na pasuray-suray na tumayo mula sa kinauupuan. Mabagal siyang naglakad patungo sa pintuan upan

